ERIN was currently playing her guitar while writing down some lyrics. Naroon siya sa living room habang si Lyndon naman ay nasa labas ng bahay at kung ano-ano ang ginagawa kahit gabi na. Hinahayaan na lamang niya ito dahil kapag sinaway niya ito’y matatalo lamang siya sa argumento. Isa pa’y alam niyang para naman sa kaniya ang ginagawa nito. Do you feel the same? I know you did, but it’s not easy to believe… Binitiwan ni Erin ang lapis at sumandal sa couch na kinauupuan. Napapikit siya ng mariin at gumuhit sa kaniyang alaala ang mukha ni Lyndon. Umangat ang kaniyang kamay at napahawak siya sa kaniyang labi dahil pakiramdam niya ay naroon pa ang init ng mga halik nito. Ilang oras na ang lumipas ngunit tila nararamdaman pa rin niya ang init ng labi ni Lyndon sa labi niya. His kiss was

