PAGKATAPOS na kausapin ni Lyndon ang mga police ay bumalik na siya sa silid na inuukopa ni Erin. Naabutan niya itong nakahiga na sa kama ngunit hindi pa natutulog. “You should sleep, Ma’am. Alas dos na ng madaling-araw.” “Just call me Erin, Lyndon,” wika nito na bumangon at sumandal sa headboard ng kaniyang kama. “I can’t, Ma’am. You’re my boss and I don’t address my boss with her first name.” Masama siyang tiningnan nito. “Alam mo, nakakabuwisit ka! I’m talking nicely to you pero pinaiinit mo ang ulo ko.” “Wala akong nakikitang mali sa sinabi ko,” aniya na lumapit sa bintana at sinigurong naka-lock iyon. Inayos rin niya ang pagkakatakip ng kurtina sa bintana. “Ano ba’ng mahirap sundin sa sinabi ko? I told you to just call me by my name. It’s my way of saying thank you sa ginaw

