ERIN woke up with a pain in her head. Dahil iyon sa kulang ang tulog niya. Nagising siya kagabi ng hatinggabi at halos alas quatro na ng umaga siya muling nakatulog. Nang tingnan niya ang relo na nakapatong sa kaniyang bedside table ay nakita niyang alas siete pa lamang ng umaga. She wasn’t mistaken that there is someone trying to get inside her room last night. Hindi siya nagkakamali ngunit hindi naniwala si Lyndon. Sa halip ay nagalit pa ito sa kaniya. Matamlay na bumangon siya sa kaniyang kama at tinungo ang banyo. Pagkatapos na maghilamos ay sinuklay niya ang buhok at kinuha ang cellphone sa loob ng kaniyang bag bago lumabas ng kaniyang silid. Nang makababa ay agad na tinungo niya ang kusina. She’s been there twice already at pamilyar na sa kaniya ang bahagi ng bahay ni Celine. An

