PAGDATING ni Lyndon sa bahay ni Celine ay agad siyang sinalubong ng isa sa kaniyang mga tauhan. “Boss.” “Bakit?” tanong niya habang isinasara ang pintuan ng sasakyan. Napansin niya ang urgency sa boses ng kasama. “Umalis po si Ma’am Erin. Kasama niya po si David.” Lumalim ang kunot sa noo ni Lyndon. “Bakit? Saan sila pupunta?” “Narinig kong sinabi niya kay David na naaksidente raw ang parents niya. Papunta sila sa MedStar Hospital at halos tatlong minuto pa lang nang makaalis sila,” imporma nito sa kaniya. “Sige. Kayo na muna ang bahala rito at susunod na ako,” bilin niya at muling pumasok sa loob ng kotse at inilabas uli iyon sa garahe. Ilang sandali pa’y hunarutot na palabas ng subdivision ang kotse na sinasakyan ni Lyndon. Habang sina Erin naman ay lulan ng van na minamaneho

