KINAGABIHAN, sa loob ng eroplano ay mga nagpapahinga at natutulog na sa kaniya-kaniyang nilang mga upuan sina Ash. Ilang oras pa ang bubunuin nila hanggang makababa sila sa paliparan ng Greece. Sa loob ng eroplano tanging si Raizen at Aza nalang ang hindi natutulog, nagbabasa lang ng libro si Raizen habang nakasuot ito ng reading glass. Si Aza naman ay panaka-nakang sinisilip si Raizen, at may pagkakataon na hindi maiwasan ni Aza na purihin ang kaguwapuhan ng kaniyang katabi. Infairness, bagay sa PrinSu ang nakasalamin, lalo siyang naguwapo sa paningin ko. saad ni Aza sa kaniyang isipan ng silipin niya ang kung anong libro na binabasa ni Raizen. “Forbidden Love: Romeo and Juliet?” mahinang bulaslas ni Aza na akala nito ay nasabi lang nito sa isipan nito ng lingunin siya ni Raizen. “What

