PAGDATING NINA Aza sa Royal Palace ay hindi niya mapigilang mamangha sa laki ng palasyo na kaniyang nakikita sa kaniyang harapan. Hindi siya makapaniwala na makakakita siya ng tunay palasyo na sa mga pinapanuod niya lang na mga Disney movies niya nakikita. “Ganito pala talaga ang itsura ng isang palasyo, ang laki laki at malawak. Kung ganun dito pinanganak si PrinSu?” mahinang sambit ni Aza sa kaniyang sarili habang nakatutok ang mga mata niya sa Royal Palace. “Mukhang lalong mas gumanda ang Royal Palace sa mga nagdaang panahon, namiss ko ang pagbisita dito.”ngiting ani ni Haruka habang kababa lang nina Onyx at ng iba sa kotseng sinakyan nila at ibinaba na ang mga bagahe nila. Nang lingunin ni Ash si Aza na hindi maalis ang tingin sa Royal Palace ay ngiting nilapitan niya ito at tumayo

