Knights 33 SA TANGGAPAN ng mga bisita sa Royal Palace ay magkakasama ang lahat na nakaupo sa malawak na sala sina Ash, Onyx, Tomi, Haruka, Zild at Aza. Nakaupo sila kaharap ang ina ni Raizen na malawak ang ngiting nakatingin sa kanila, dahil nadagdagan ang mga kasamang kaibigan ni Raizen sa pagbalik nito sa Royal Palace. “Magkuwento naman kayo tungkol sa mga ginagawa ni Titus habang wala siya dito? Kamusta siya sa kumpanya niyo? Sa bahay na sama-sama niyong tinitirhan, knights?” Excited na tanong ng ina ni Raizen kina Ash. Matagal din na nawala si Raizen sa Royal Palace simula ng magpasya itong magpunta sa pilipinas upang maging independent, at payagan ng konseho ang kanilang anak sa gusto nito. “Naku Tita marami akong ikukuwento sayo. I’m sure magugustuhan mo ang mga sasabihin ko sayo

