CHAPTER 21 THIRD PERSON POV Dalawang araw na ang lumipas mula nang dumating si Castro sa Europe. Hindi pa man siya nakaka-adjust sa klima ng Amsterdam, mainit na agad ang dugo niya sa mga ulat na natatanggap. Lahat ng kilos ng mga kalaban, alam niyang diretsong patama sa kanya. Kasama niya si Mira sa isang black SUV habang binabaybay ang kalsada papunta sa isa sa mga lumang warehouses na dati ay kaniya, pero ngayo’y inaangkin ng Bratva. Tahimik ang loob ng sasakyan, pero ramdam ang tensyon sa bawat paghinga. “Boss Castro,” bulong ni Mira habang nakamasid sa bintana, “our scouts spotted at least twenty men guarding the docks. Sergei’s colors.” Humigpit ang panga ni Castro. “Twenty men is nothing. Pero ang tanong sino sa mga dati kong tao ang lumipat sa kanila?” Hindi agad sumagot si M

