Kabanata 4

2078 Words
“Anak may party sa partido ng step-father mo. Sumama ka sa ‘min para makilala ka nila,” wika ng ina niya. “Po?” “Magandang imahe tingnan kapag nakita nilang magkasama tayong tatlo. Lalo na kapag naibalita na sa lugar na ‘to na pamilyadong tao si Yoa. Maganda iyon sa political career niya. Kalaban niya kasi ang Kuya niya sa pagka-gobernador kaya kailangan niyang pabanguhin lalo ang pangalan niya. Magandang ideya na sumama ka sa ‘min. Gusto ng mga tao ang mga family-oriented type na politiko. Kailangan natin siyang tulungan kahit sa ganitong paraan lang. makaganti man lang tayo sa kabaitan niya sa ‘tin,” sagot ng ina niya. Hindi naman makaimik ang dalaga. “Anak, ayaw mo ba? Kung ayaw mo okay lang din,” ani ng ina niya. Tiningnan niya ito at nginitian nang tipid. Nababagot na rin siya rito sa bahay. Sa susunod na araw pa ang pasukan nila. Excited siya na hindi dahil wala naman siyang kakilala roon. “S-Sige po,” wika niya. Napangiti naman ang ina niya at niyakap siya. “Matutuwa si Yoa anak. Salamat sa pagpayag,” anito. Tiningnan niya ang ina. “Mama, masaya ka ba sa buhay mo ngayon?” tanong niya rito. “Totoo bang napulot ka lang ni, Governor sa tabi-tabi?” dagdag niya pa. Hindi naman nagsalita ang ina niya bagkus ay nakatingin lang sa kaniya. “Oo anak, kaya malaki ang pasasalamat ko kay, Yoa. Hindi ko mararanasan ang karangyaan kung hindi dahil sa kaniya. Baka hanggang ngayon ay nas aputikan pa rin ako. Baka hindi kita makuha sa bahay-ampunan. Baka habang-buhay na tayong hindi magsasama dahil sa kahirapan,” saad nito. Ang dami niyang gustong itanong sa mama niya pero hinayaan niya na lang. “Sige na anak, mag-ready ka na, okay? Pilian mo iyong mga nabili kong dress para sa ‘yo. Alam kong kahit alin doon ay lulutang pa lalo ang ganda mo. Manang-mana ka kay mama mo,” sambit niya. Napangiti naman ang dalaga. Pagkaalis ng ina niya ay napabuntong-hininga siya at tumayo na rin. Tiningnan niya ang mga damit at nakuha ang atensiyon niya ng kulay aqua blue na off shoulder dress. Kinuha niya iyon at isinuot. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at napangiti. Bagay na bagay iyon sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang buhok at nag-hair pin lang sa gilid nito para hindi magulo tingnan. Mahaba ang itim niyang buhok at inat na inat. Bagamat hindi iyon dumaan sa medisina ay alagang-alaga niya iyon sa probinsiya dahil sa coconut oil na binebenta ng kaibigan niya. May mga make-ups din na hindi niya naman alam gamitin maliban sa polbo at liptint dahil nakikita niya ang mga kaklase niyang naglalagay noon. Nagpolbo siya at nagsuot ng liptint t’saka napatingin sa mascara. In-apply niya iyon at napangiti. Lalong namilantik ang kaniyang pilik-mata. “Adriana? Kailangan mo ba ng tulong? Aalis na kayo maya-maya.” Rinig niya ang boses ni Bulma sa labas. “O-Opo, lalabas na,” sagot niya. Tiningnan niya pa ang repleksiyon niya sa salamin at lumabas na ng kaniyang kuwarto. Pagbaba niya ay nakita niya ang ina na nakatayo sa living room at kaagad na nginitian siya. “Sinasabi ko na nga ba eh. Ang ganda-ganda mo anak. Tingnan mo Yoa, isn’t she beautiful?” wika ng ina niya. Nakaramdam naman ng pagkailang ang dalaga nang tingnan siya ni Yoa. Ni hindi man lang iyon tumagal ng ilang segundo. “Decent enough. Let’s go, I hate wasting my time,” anito at nauna na. Hinawakan naman ng ina niya ang kaniyang kamay. “Ang ganda mo anak,” anito. Nagpasalamat naman siya at lumabas na sila. Nasa likod lang siya ng sasakyan at tahimik na nakatingin sa labas. “Okay ka lang ba?” tanong ng ina niya. Tumango naman siya. Ilang sandali lang naman ay dumating sila sa isang five-star hotel. Valter Hotel ang nakalagay kaya paniguradong sa pamilya ito ng step-father niya. Lumabas na sila ng sasakyan at kaagad na nakaramdam siya ng pagkaasiwa nang matuon sa kanila ang nagkikislapang camera. She looked away in an instant. Hinawakan ng ina niya ang kaniyang kamay at bumulong., “Ngiti anak, ngumiti ka lang,” wika nito. Kahit na alanganin ay ngumiti na lamang siya. Ang daming tanong sa mata ng mga tao pero ni isa ay walang nagkusang magtanong. Pumasok na sila sa loob at dumeritso sa mahabang mesa sa unahan. “Gov,” bati ng mga lalaking nakasuot ng suit at sa tabi ng mga ito ay ang kani-kanilang mga asawa at anak. Umupo na sila at napatingin na lamang sa baba si Adriana dahil halos lahat sila ay nakatingin sa kanilang gawi. “Good evening, everyone. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang aking unica hija. Alam kong lahat kayo ay curious kung sino siya. And yes, she’s our only daughter, Adriana. Adriana, these are your step-fathers political allies and friends,” wika ng ina niya. Tipid na bumati naman siya at ngumiti. Pormal na sinimulan ang programa at kahit nababagot siya ay tiniis niya na lang. Ang mama niya ay busy na makipag-usap sa mga amiga nito. Ang step-father naman niya ay kausap ang mga matatandang kasama nito sa Partido. Kung titingnan mo nga ay parang konsehal lang ang tinatakbuhan nito dahil sa ito ang pinakabata. Subalit iba dahil napapansin niya ang respito sa kilos at tingin ng mga taong nakapalibot dito. Napakabata nga naman ng step-father niya kung tutuosin. “Hi!” Napalingon naman ang dalaga at nakita ang lalaking nakangiti sa kaniya. Sa tingin niya ay kaedad niya lang ito. “H-Hello,” nahihiyang sagot niya. “Can I sit here?” tanong nito. Tumango naman si Adriana. Mukhang mabait at desenti naman itong tingnan. “I’m Kywe, but you can just call me Kai,” sagot nito. (Kai-we) “A-Adriana,” sagot naman niya. “Hindi ko alam na may anak pala si Tita Emma. You’re pretty,” wika nito. Nakaramdam naman ng hiya si Adriana at iniwas ang tingin dito. Nahihiya siya dahil hindi naman siya sanay na kino-compliment. Tumawa naman ito. “Nahihiya ka ba?” tanong nito. Mahinang tumango naman siya. Alam niyang parang nagiging pabebe siya but what can she do? “That’s my dad,” saad nito habang nakatingin sa unahan. Sumunod naman ang tingin niya sa tinutukoy ni Kai at napalunok. Kausap ng ama nito si Yoa na ngayon ay nakatingin sa kanila. Kumaway ang ama ni Kai at ngumiti naman ang anak nito. Subalit kabaliktaran naman sa step-father niya. Walang reaksiyon sa mukha nito at tanging ang magkadikit na kilay lamang. “He’s running for Mayor this time. Confident kami ng family na mananalo siya lalo pa at nasa Partido siya ng daddy mo,” wika nito. Kaagad na nagsitayuan naman ang balahibo ni Adriana sa narinig. Hindi siya sanay. “Why? Hindi mo ba tinatawag na daddy si Governor? Sa bagay para nga lang kayong magkapatid. Parang Kuya mo lang siya. Your mothers a cougar,” biro nito. Napakamot naman ang dalaga sa ulo niya dahil totoo iyon. “Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa mama mo. Manang-mana ka sa kaniya, napakaganda. Lumilitaw ang ganda,” anito. “Naiilang na ako,” mahinang sambit niya. Ngumiti naman ang binata sa kaniya. “I’m sorry,” sagot nito. Umiling naman siya at mukhang mabait naman itong si Kai. “Bago lang ako sa bahay nila. Sa probinsiya kasi ako nakatira noon pa man,” wika niya. Tumango naman si Kai. “Kung alam ko lang na kasing ganda mo ang mga babae sa probinsiya sana doon na lang ako lumaki,” saad nito. Napaikot naman ng dalaga ang mata niya. Mukhang palakero itong kausap niya. Pero magaan naman ang loob niya rito. “Buti naman at sa Partido ng step-father ko nag-line up ang daddy mo,” sambit ni Adriana. Tumango naman si Kai. “They’re good business friends. Governor Yoa is an amazing man. I look up to him. Gusto ko rin na isang araw ay ako ang susunod sa yapak niya. My dad believed him and he’s a good man,” sagot nito. Kahit sino ang tinatanong ay talaga namang sinasabi nilang mabuting tao ang amain niya. “Malaki ang utang na loob ng family ko sa kaniya dahil siya ang tumulong sa ‘min na makabalik kung saan kami nararapat. Medyo chaotic kasi ang election dito dahil palaging magkapatid ang magkabangga. Buti na lang at kilala na si Gov sa lugar na ‘to. Marami siyang natulungan at kita mo naman kung gaano ka progressive ang lugar na ‘to,” aniya. Tumango naman si Adriana. “Kapatid niya ang kalaban niya ‘di ba?” tanong niya rito. “Yea, and he’s a well known Baltazar too. Lahat ng Baltazar ay sobrang intimidating at nakakatakot. Iba sila sa mga karaniwang tao lang. The power on their hands is unbelievable. Kahit sa ibang bansa ay kilala sila. Ang daming gustong lumapit sa pamilya nila pero mas nahihirapan silang pumasok sa buhay ni, Gov. He’s different,” wika pa nito. “Alam mo bang sobrang heartbroken ng Ate ko dahil sa kaniya? She fancied him a lot pero kasal na pala siya sa mommy mo,” anito. “But don’t worry, ganoon talaga. She’s happily married now anyway,” dagdag pa nito. “May mga bagay at tao talaga na dumadaan lang sa buhay natin,” mahinang sambit ng dalaga. Ngumiti naman ang binata. “Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ah.” Sabay na napatingin sila sa nagsasalita at ang nakangiting ama iyon ni Kai. Nakaramdam na naman ng hiya ang dalaga. Umupo ang amain niya sa kaniyang tabi at hindi niya na maramdaman ang sarili. Parang mabibingi siya sa lakas ng t***k ng puso niya. “Have you seen your mom?” Napalingon naman si Adriana sa kaniya at nagtataka. “H-Huh?” Kumunot naman ang noo ni Yoa. Kitang-kita niya ang inis sa mukha nito. “I said have you seen your mom? Kinausap ka lang ng anak ni, De Guzman nawala ka na kaagad sa matinong pag-iisip,” asik nito. Kaagad na hindi naman maiguhit ang ekspresiyon sa mukha ng dalaga. Ano ba ang pinapalabas ng amain niya? Naiinis siya dahil kaya lang naman siya nawawala sa focus dahil nasa tabi niya ito. Natatakot siyang magkamali. Natatakot siyang makipag-usap dito dahil halatang palaging galit. “May iniisip lang ako,” sagot niya. Hindi makapaniwalang tiningnan naman siya ni Yoa. “Really? Looking at you earlier mukhang gustong-gusto mo na kinakausap ka niya. Are you that hungry for attention?” saad nito. Napanganga naman ang dalaga sa sinabi nito. Kita niya ang paggalaw ng panga ni Yoa. “Close your mouth asjhfkjkf,” anito. Hindi na niya marinig kung ano ang kasunod nu’n dahil sa sobrang hina. “Ano?” Tiningnan siya nito at lalo lang itong nainis. “Ayaw mo po ba na nandito ako? I was here kasi iyon ang sabi ni, mama. To support you in your career. Sana sa bahay pa lang sinabi mo na para hindi na ako sumama,” aniya. Yoa was surprised with her remarks. “Are you making me responsible now?” anito. Tumahimik naman ang dalaga. Mukhang malapit na niyang maubos ang pasensiya nito. “Now, you won’t talk. Baka nakakalimutan mo, Adriana. I am your step-father, and you don’t talk to your step-father like that,” matigas na sambit nito. Huminga naman nang malalim ang dalaga at pumikit. Kailangan niyang ikalma ang sarili. Nasa isang party sila. Kailangan niya talagang control-lin ang sarili na sagutin ito sa mga irasyonal na paratang nito sa kaniya. “Umiiwas lang ako sa gulo,” wika niya. Kita niya na naman ang pagkunot ng kilay nito. “Don’t trust people who likes to talk how good you are. Who compliments you almost every chance that they have. Those are not your people. Huwag kang maniniwala sa mga taong masiyadong mabait sa harap mo.” “Ano po ang ibig niyong sabihin?” “May utak ka ‘di ba? Ikaw na mag-isip para magamit mo ‘yan. Mukhang kinakalawang na,” sagot nito. Naikuyom naman niya ang kamao niya sa labis na inis na naramdaman. How could he insult her? Tiningnan siya nito. He smiled devilishly at her. “Are you angry? You should because I’m not happy either.” Naiwan naman si Adriana na hindi alam kung ano ang ire-react. Parang tanga itong step-father niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD