Naghintay naman ang dalaga sa kuwarto niya na puntahan siya ni Yoa. Kagat-kagat niya ang kaniyang hinlalaki. Umaasa siyang pupuntahan siya nito para makipag-usap. Nakaupo lamang siya sa kama at naghintay na bumukas ang pinto. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa rin. Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at wala ring message roon. Nagtipa siya ng message rito at nang mai-send iyon ay humiga na sa kama. Nakatitig lamang siya sa kisame at hindi alam kung ano ang gagawin. Kung saan-saan na rin napupunta ang isipan niya. May klase pa siya bukas. “Nabasa niya kaya ang text ko?” aniya at huminga nang malalim. Napabangon siya nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Yoa. Kaagad na napangiti naman siya rito. “Yoa,” aniya rito. Tiningnan lamang siya nito at nilapitan. “A-Akala ko

