"Tita, I need your help," problemadong saad ni Elvie habang nakatingin kay Amanda. Kaagad na sinamaan naman siya ng tingin nito. "Bobita ka! Magpaplano na nga lang bulilyaso pa," saad nito. Umiiyak na tiningnan naman ito ni Elvie. "Kasalanan 'to lahat ng babaeng 'yon. Papatayin ko siya!" galit nitong saad. Inirapan naman ito ni Amanda at tinawanan. "Huwag kang magpatawa. You lost your chance kasi tatanga-tanga ka. Idinamay mo pa si Trina. Lakasan mo pa ang boses mo or better yet i-announce mo na lang kaya na gusto mong patayin si Adriana. Bobo!" galit nitong saad. "Ikaw ang nag-suggest sa 'kin na gawin 'yon. Just like what we did to her mom. Just like what you did to Yoa's mother, right?" aniya rito at ngumit. "Shut up!" singhal nito sa kaniya. "Why? Eh totoo naman 'di ba? You'r

