“Ano na ang susunod mong plano?” tanong ni Bulma sa amo niya. Sumimsim naman sa wine glass niya ang binata at malayo ang tingin. “Dapat noon pa lang ginawa ko na ang dapat kong gawin. But I know, it would really take time though. Now is the perfect time I guess,” sagot nito. “Ngayong alam mo na na hindi mo ama si Antonio ano na ang gagawin mo? May kinalaman din sila sa pagkamatay ng ina mo. Walang inosente sa mga hayop na ‘yon. Si Elvie, Amanda at ang demonyong ‘yon,” sambit ni Bulma. “Hawak mo pa ang ebidensiya ‘di ba?” tanong nito. Tumango naman si Bulma. “Sapat na ‘yon para makulong sila habang-buhay. I will do everything in my power to avenge my mother. It really broke my heart knowing that she’s pregnant when she was killed. Hindi ko alam kung paano nasisikmura ng mga hayop na

