Bumaba na sila at kapwa nagulat nang makita si Antonio na nakaupo sa living room at nakadekuwatro pa. Sa likod nito ay may limang ka tao na may dala-dalang baril. “What are you doing here?” matigas na tanong ni Yoa. Ngumisi naman ang matanda at tumayo. Sumenyas ito sa mga tauhan niya at kaagad na itinuon ang mga baril sa kanila. Kaagad na itinago naman ni Yoa ang dalaga sa likod niya. Ramdam na ramdam ni Adriana ang tensiyon sa paligid. Halos lumabas na rin ang puso niya sa takot. Sa mukha pa lang ni Antonio ay alam niyang handa itong pumatay ano mang oras. Tiningnan siya ni Antonio at nagbago ang ekspresiyon nito. “Anak,” aniya kay Adriana. Ramdam ng dalaga ang pagsitaasan ng balahibo niya. Hindi naman umiimik si Yoa at mataman lang na nakatingin kay Antonio. “Akalain mo ‘yon, h

