bc

Akin Ka Na Lang Book 2

book_age18+
122
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
sweet
small town
like
intro-logo
Blurb

Paano na ang isang magandang pagsasama kung mawawala ang tiwala sa isat-isa?

chap-preview
Free preview
Part 1
Lumipas pa ang mga buwan, on process na ang annulment nina Aldo at Rina, isang araw nagpunta sila sa OB para sa pre natal check up ni Cassie, kasama pa nila ang kambal na laging excited "Mommy Cassie" ani ni Sam "Malalaman na ba natin kung kailan lalabas si Baby?" "Medyo matagal pa Ate" "Mommy saan ang room ni Baby?" Napatingin naman si Cassie kay Aldo "Dun si Baby sa dating room ni Mommy niyo" nakangiting sagot ni Aldo "Daddy pwede naman kaming share" ani ni Phil "Hindi na Kuya, siguro pag bigger na kayo tapos may another baby na, pwede na kayo magsama sa isang room" "Okay po" Maya maya ay pumasok na sila sa loob ang chineck na si Cassie, naiwan naman sa labas ang mag-aama, hagikgikan naman ng hagikgikan ang kambal, maya maya ay lumabas na sina Cassie "Kamusta?" ani ni Aldo at inalalayan na makaupo si Cassie "Well Sir, your wife is having twins" nakangiting ani ng doktora Nanlaki ang mata ni Aldo "Talaga Dok?" "Yes Sir" "Daddy, twins? Parang kami ni Phil?" ani ni Sam "Yes anak, dalawa sila" "Dalawang piso sila Sam" natatawang ani ni Phil, natawa naman sila sa sinabi ng bata, maya maya ay umalis na sila, habang naglalakad sila pabalik sa sasakyan ay hindi kumikibo si Cassie "Mahal, may problema ba?" ani ni Aldo "May nararamdaman ka ba?" "Wala Mahal, hindi lang ako makapaniwala na kambal ang magiging baby natin, ang dami na nating anak" Natawa naman si Aldo "Ayaw mo nun? Ang galing ko diba?" "Oo na, mukha ngang magaling ka" naiiling na ani ni Cassie "Daddy, Mcdo" ani ni Phil "Naku, o siya sige, kayo talaga wala kayong kasawa sawa sa McDo" "Masarap po kasi ang Chicken at French fries dun eh" "May ganun pa siya" "Yaan mo na Mahal" ani ni Cassie "Mommy" ani ni Sam at Phil sabay yakap kay Cassie "O bakit mga anak?" "Mommy, love mo pa rin kami kahit lumabas na sila Dalawang piso ah?" ani ni Sam "Siyempre naman Ate Sam, love na love ko pa rin kayo ni Kuya Phil" sabay pisil sa mga pisngi nito at halik dito Bago umuwi ay namasyal muna sila, kaya pagod na pagod sina Sam at Phil at mabilis na nakatulog sa kwarto nila, sina Aldo at Cassie naman ay nahiga na rin sa kwarto nila "O Mahal, magpahinga ka na" ani ni Aldo "Ikaw din Mahal" sagot ni Cassie "Mahal, sana boy and girl rin sila" "Oo nga eh, yun din naiisip ko" "Tumawag na pala si Rina?" "Hindi pa sa akin, sayo ba hindi rin?" "Hindi eh, baka busy siya" "Baka nga" "Saka Mahal, naalala ko pala hindi ko na nakikita si Natalie ah" "Namimiss mo ba?" natatawang ani ni Aldo "Hindi noh!" "Naku Mahal, maigi nang wag muna siyang magpakita, baka mamaya mapaglihihan mo pa siya, kawawa naman ang mga anak ko" Natawa naman si Cassie sa sinabi ni Aldo "Oo kawawa naman ang mga anak ko" "Anak mo lang?" "Oo" natatawang ani ni Cassie "Hoy kundi dahil sa ano ko, wala kang kambal noh" "Ano mo? Dahil sa ano mo?" natatawang tanong ni Cassie, sumubsob naman si Aldo sa may leeg ni Cassie "Wag mo ako simulan Mahal, bubuntisin ulit kita" sabay yakap kay Cassie "Baliw ka, pero seryoso, wala siyang paramdam" "Eh wala rin namang may gusto na andito siya" "Sabagay nga" "Matulog ka na, bukas pagkagaling natin magsimba mamili tayo ng pangdecorate sa kwarto nila dalawang piso, yung neutral colors ang bibilhin natin" "Excited ka?" nakangiting ani ni Cassie "Siyempre naman, excited ako kasi sila ang bunga ng love natin" ani ni Aldo sabay yakap kay Cassie at halik sa noo nito "Mahal na mahal kita Cassandra" "Mahal na mahal rin kita Boss Aldo" ani naman ni Cassie saka siya hinalikan ni Aldo sa labi Kinabukasan nga ay nagsimba nga sila, pagkatapos ay nagpunta muna sila sa condo, first time din nina Sam at Phil na magpunta dito "Wow Mommy, eto po house mo?" ani ni Phil "House din natin anak" ani ni Cassie "Mommy, may room din kami dito?" ani ni Sam "Oo anak, meron din, pero share muna kayong dalawa" "Okay po, dito tayo sleep" "Ops!" ani ni Aldo "Ganito, next weekend uuwi tayo dito, at every weekend dito tayo matutulog, tayo tayo lang, no Yayas no Manang Rosa, no Maids, magtutulong tulong tayo sa gawain dito" "Sige po" ani ng kambal na tila tuwang tuwa "Promise yan? Okay lang?" "Yes Daddy!" ani ulit ng kambal sabay yakap sa ama "Ang babait naman ng Kuya Phil at Ate Sam namin, mahal na mahal kayo ni Daddy" "We love you too Daddy" "Ay" ani ni Cassie "Out of place naman ako dito" nagtinginan ang mag-aama at lumapit kay Cassie saka yumakap "We love you Mommy" ani ng mag-aama "I love you all" sabi kiss sa lips ng kambal at ni Aldo "O ano? Mamili tayo ng gamit nila dalawang piso?" ani ni Aldo "Dinala ko lang talaga sina Ate at Kuya dito para makita nila tong condo" "Mommy, magdadala na kami ng damit next weekend kasi po dito tayo mag-isleep" ani ni Phil "Oo anak, magdadala na kayo" "Pati Toys, yung mga binigay ni Mommy Rina, dadalhin namin dito" ani naman ni Sam "O sige, kayo bahala okay?" "Yehey" ani ng dalawa "O lika na" ani ni Aldo at lumabas na sila sa condo saka dumiretso sa mall Habang namimili ay may lumapit sa kanila "Well" ani ni Natalie, saka nagtinginan sa kanya sina Aldo at Cassie pati na rin ang kambal "Natalie" ani ni Aldo "Aldo, kamusta?" "Okay naman" "Balita ko nakabalik na pala si Rina sa US" "Oo, hindi ba siya nagpaalam sayo?" "As usual, ganun naman siya, biglang nawawala na parang bula" "Hmm, actually hinatid pa namin siya sa airport" "Oh well, mukhang okay na kayo" "Yes, pinaprocess na ang annulment namin" "Okay that's good news" ani ni Natalie, ngumiti lang si Aldo "By the way I have to go, bye" sabay talikod "Ah! Ayus yun ah" ani ni Cassie nang medyo nakalayo na si Natalie "Wag mo nang pansinin" ani ni Aldo at pinagpatuloy nila ang pamimili ng decorations Lumabas na sa mall si Natalie at nagngingitngit siya, akala niya nung umalis si Rina ay matutuon ang atensyon ni Aldo sa kanya, kaya nga nakikipaglapit siya sa kambal kahit ayaw niya sa bata, hindi siya mahilig sa bata, pero walang epek kay Aldo, at ang pinakakinaiinisan niya ay kay Cassie pa ito nagkagusto, na kahit anong sabihin nila na position nito nuon sa bahay ni Aldo, para sa kanya Yaya pa rin ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
787.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
558.4K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
22.6K
bc

The Lone Alpha

read
123.2K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook