"Ano'ng nangyari?" tanong agad ni Dianne sa dalawang babae na nakaupo sa labas ng emergency room. Nakilala niya ito bilang katulong nila Matthew kasama ang nanay ni Matthew na agad na sumimangot nang makita siya.
"Parating na si Matthew, kayo na lang ang mag-usap," matabang na sabi nito.
Hindi pinansin ni Dianne ang matanda at bumaling sa kasama nito.
"Ineng, sige na, ano ba talagang nangyari?"
"Nagsuntukan po sila ni Melvin," halatang takot ang katulong.
"Excuse me, nanahimik ang apo ko. Iyang anak mo ang nagpunta sa bahay nang walang pasabi," mataray na singit ng nanay ni Matthew.
"May usapan sila si Matthew na magkikita, Tita Berna," sabi ni Dianne. "Si Matthew ang nagpapunta kay Ivan sa bahay niyo."
"Sinaktan niya si Melvin kaya gumanti ang apo ko," galit na patuloy nito. "Bakit ba kasi kailangan pang magpunta sa bahay nyan?"
Hindi nakasagot si Dianne. She knows her son. Never itong nakipag-away sa school. Pinapatawag lang siya ng guro nito dahil madalas na tumatakas ito sa klase pero hindi basagulero ang anak.
Tahimik lang na nagmamasid si Ulysses pero halata ang inis nito sa nanay ni Matthew. Parang hindi apo kung pagsalitaan si Ivan.
Maya-maya ay lumabas mula sa katabing kwarto ng emergency room si Matthew kasama si Melvin na puro galos at may bandage sa ulo.
"Tingnan mo!" gigil na gigil na sabi ni Berna kay Dianne. "Tingnan mo ang ginawa ng anak mo!"
Agad itong lumapit sa teenager na mas matangkad pa kay Matthew at niyakap na parang bata. Bahagyang nasaktan si Dianne. Hindi naman itinago ng mga magulang ni Matthew na ayaw ng mga ito sa kanya at pinakikisamahan lang dahil bukod sa may anak sila ni Matthew, kasosyo ang mga ito ng daddy niya sa negosyo. Pero gusto rin naman niyang mapalapit ang anak sa mga lolo't-lola nito at ituring ito na apo.
"It was just a simple misunderstanding," bungad ni Matthew.
Nahigit ni Dianne ang paghinga, "Akala ko ba magkikita kayo ni Ivan nang kayong dalawa lang. Bakit humantong sa ganito?"
"I was late dahil galing pa ako sa meeting," defensive agad si Matthew. "Please naman, huwag nating palakihin ang gulo."
"Nakita ng gwardya na ang anak mo ang nauna. May testigo kami kaya huwag mo nang pagtakpan ang pagiging suwail ng anak mo!" sabat ni Berna at bumaling sa apo. "Sabihin mo, Melvin, sabihin mo kung sino'ng nauna!"
Hindi sumagot si Melvin.
"Ma, tama na," saway naman ni Matthew. Seryoso itong tumingin sa kanya, "I'm sorry kung nakalimutan kong sabihin sa gwardya na papasukin si Ivan. Basta dumating na lang ako, nagkakagulo na."
Pakiramdam ni Dianne ay umakyat ang dugo sa ulo niya pero hindi na siya nagsalita. Kilala niya si Matthew at ang ina nito, hindi magpapatalo ang dalawa. Kailangan niyang magpakatatag para kay Ivan.
Napatingin siya kay Ulysses na tahimik lang na nakikinig. Nagpapasalamat siya at hindi na ito nakisali sa usapan kahit halatang galit ito.
Maya-maya ay lumabas ang nurse at agad na hinanap ang mga magulang ni Matthew.
"Sino po ang magulang ng pasyente?" tanong ng nurse.
"Kami po," hinila ni Dianne si Matthew na parang ayaw pang lumapit. "Kumusta na po ang anak namin?"
"Under observation pa rin po. Medyo malalim po kasi yung sugat niya kaya kailangang tahiin pero natanggal naman po yung pumasok na bubog sa loob ng sugat. He'll be fine."
"Bubog?" hindi makapaniwalang napatingin si Dianne kay Melvin. Nag-iwas naman ng tingin ang binatilyo.
"Pwede na ba namin siyang makita? Is he awake?" tanong ni Matthew.
"Opo, sir Ulysses," ngumiti ang nurse. "Tinanong niya nga po kung dumating na kayo."
"My name is Matthew," madilim ang mukhang pagtatama ni Matthew.
"Po?" nag-sorry naman agad ang kausap. "Sorry po. Akala ko kasi Ulysses ang pangalan ng tatay niya. Daddy Ulysses po kasi ang nakalagay sa phonebook niya at iyon ang nasa recently called contacts kaya iyon ang tinawagan namin kanina."
Hindi na nagsalita pa si Matthew.
Napansin naman ni Dianne na lumambot ang ekspresyon ni Ulysses na kanina ay tila sasabog na sa sobrang galit.
"Halika na, Dianne," aya ni Matthew. "Gusto kong makausap si Ivan."
Nag-aalalang napatingin si Dianne kay Ulysses pero tumango lang ito na tila sinasabing he'll just stay outside.
Tahimik na sumunod si Dianne kay Matthew. Mas mabuting magkausap na ang dalawa nang umalis na si Matthew kasama ang pamilya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakapagtimpi.
Gustong himatayin ni Dianne nang makita ang anak. Putok ang labi nito at maraming galos. Sobrang laki rin ng tahi nito sa ulo at sigurado siyang malalim iyon.
Nagliwanag ang mukha ni Ivan nang makita siya pero bahagyang nanlumo nang isara niya na ang pinto. Halatang may hinihintay pa itong pumasok at alam niya na kung sino.
"H-hi, ma," nahihiyang bati ni Ivan. Kahit nakangiti ito at tila balewala lang ang nangyari, gustong umiyak ni Dianne. Ulysses was right. Hindi niya na dapat pinilit si Ivan na magpunta kila Matthew.
Nakita niyang lumapit si Matthew at niyakap si Ivan na hindi man lang gumanti. Ngumiti lang ito pero obvious na pilit iyon.
Lumapit din si Dianne at niyakap ang anak. Nagulat siya nang mahigpit na gumanti ng yakap si Ivan.
"Lalabas na ba ako sabi ng doktor?" tanong nito.
"Not yet," sagot niya. "Kailangan mo munang magpahinga."
Halatang nadismaya ang anak. Naupo naman si Matthew sa dulo ng hospital bed.
"I'm sure hindi sinasadya ng kapatid mo ang nangyari, Ivan," sabi ni Matthew. "Hayaan mo at pagsasabihan ko."
"Huwag kang mag-alala, hindi na ako pupunta sa inyo," kaswal lang na sabi ni Ivan.
"Kapatid mo si Melvin. Anak ko rin siya," paliwanag ni Matthew. "Kailangan mo silang pakisamahan. Mahal kita at ayaw kong nasasaktan ka pero hindi ako pwedeng mamili ng kakampihan. I have to be neutral-"
"Matt," pigil ni Dianne sa iba pa nitong sasabihin. Hindi niya na kayang pakinggan ang iba pang sasabihin nito at baka magaya lang ito kay Ivan kapag nainis siya. "I think Ivan needs to rest. Mabuti pa umalis na tayo."
"Kagigising niya lang ha?" nagtatakang tanong ni Matthew.
Naghikab naman si Ivan at nagkunwaring inaantok.
"Tsaka mo na siya kausapin," sabi na lang ni Dianne.
"You're spoiling him, Dianne," galit na sabi ni Matthew na nahalatang gusto lang siyang paalisin. "Pinagsasabihan ko lang naman ang bata na kailangan niyang intindihin ang sitwasyon. You're being over protective kaya masyadong sensitive si Ivan at hindi marunong tumanggap ng pagkakamali. Lagi mong kinakampihan para ikaw na lang lagi ang mabuti sa paningin niya."
Hindi makapaniwala si Dianne sa narinig. How could parenting be a competition sa paningin ng lalaking ito?
"Can you,two, get out of here?" narinig nilang sabi ni Ivan. "Gusto kong matulog."
Halatang hindi nagustuhan ni Matthew na pinapaalis ito ni Ivan pero bago pa makapagsalita si Matthew ay hinila na ito ni Dianne.
"Aalis muna ako," paalam ni Dianne kay Ivan. "And don't sleep yet. Someone wants to see you."
Nagliwanag ang mukha ni Ivan sa narinig.
"Look at the way he talked to us," galit na sumbat ni Matthew nang nasa labas na sila. "Turuan mo namang gumalang ang anak mo."
"I can't believe nakuha mo pa siyang pagalitan pagkatapos ng nangyari," hindi na napigilan ni Dianne ang sarili. "Binugbog siya ng anak mo, Matthew. Hindi mo ba nakita ang itsura niya? Ikumpara mo ang galos niya sa galos ni Melvin! Kung hindi dahil sa kapabayaan mo, hindi mangyayari ito."
"Anong gusto mong gawin ko?" galit na tanong ni Matthew. "Bugbugin ko rin si Melvin? Tingnan mo ngang may galos din ang bata. Ibig sabihin gumanti rin si Ivan kung sino mang nauna sa kanila. Kilala ko si Melvin. Hindi bully ang anak ko. Isa pa, hindi na tayo dapat pang makialam sa nangyari. Away bata lang iyan..."
"Away-bata?" napatingin ang lahat kay Ulysses na hindi na nakapagpigil. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
"Ule..." nag-aalalang pigil ni Dianne pero hindi siya pinansin nito.
"Away bata lang? Pabayaan na? Palibhasa si Ivan ang dehado kaya okay lang sa'yo! Pero siguradong ikaw ngayon ang nagwawala kapag si Melvin ang tinahi ang ulo."
"Huwag kang makialam dito!" agad na nag-init ang ulo ni Matthew. "Hindi ikaw ang tatay ni Ivan! Wala kang karapatang sumabat sa usapan namin!"
Susugod sana si Ulysses pero agad itong pinigilan ni Dianne.
"Ule, tama na," hiling ni Dianne. "Huwag ka nang makisali sa gulo."
Tumahimik ang lahat nang galit na binalibag ni Ulysses ang stainless na monobloc. Mabuti na lang at matibay iyon at hindi nasira.
"I can't understand you, Dianne," bahagyang gumaralgal ang boses ni Ulysses. "Iyan ba?! Iyan bang mga 'yan ang gusto mong maging pamilya ni Ivan?! For f**k sake, wake up! Wala silang malasakit sa bata! Kahit kailan hindi nila tatanggapin si Ivan! Maawa ka naman sa anak mo!"
Hindi nakasagot si Dianne. Hindi niya napigilan ang mga luha. Nasasaktan siya dahil totoo ang lahat ng sinabi ni Ulysses. Matthew will never love Ivan the way he loves his legitimate children.
"Alam mo ba kung anong sabi ng nurse?" patuloy nito. "His head was hit by a hard glass. Muntik na siyang magkaroon ng brain hemorrhage. Kaunti na lang hindi na natin siya maaabutang buhay. Pero ikaw, pinipilit mong ipaintindi sa mga taong ito na walang kasalanan si Ivan e kahit naman sino may kasalanan si Ivan pa rin ang sisisihin nila.
Because they don't care about your son! They don't care even if he dies! Huwag mo nang ipilit na magkaroon ng buong pamilya si Ivan dahil siya rin ang nahihirapan!"
"Sumosobra ka na ha!" susugod sana si Matthew pero agad na pumagitna si Dianne.
"Tama siya," sabat ni Berna at lumapit kay Dianne. "Kahit kailan that bastard will never be a part of our family. Baka nakakalimutan mong kabit ka lang ni Matthew. Huwag mong ipagsiksikan 'yang anak mo kay Matthew dahil kung naging matino kang babae hindi ka papatol sa alam mong may asawa na. Matuto kang lumugar, Dianne. Know your god damn place."
Magsasalita sana si Ulysses pero pinigilan ito ni Dianne. She just wanted everything to stop at umuwi na ang pamilya ni Matthew, "Ule, tama na. Just go inside. Kanina ka pa hinihintay ni Ivan."
Bahagyang kumalma si Ulysses nang marinig ang pangalan ni Ivan pero isang masamang tingin ang ibinigay nito kay Matthew at sa pamilya ng lalaki lalo na kay Melvin bago muling bumaling kay Dianne.
"Mag-isip ka, Dianne," mahinahon na pero bakas pa rin ang galit na sabi ni Ulysses. "Lalo mo lang pinahihirapan ang anak mo sa ginagawa mo. Huwag mong hintaying mamatay pa si Ivan para magising ka sa katotohanan na walang silbi yang magpapaka martyr mo."
Tahimik ang lahat nang pumasok sa loob ng kwarto ni Ivan si Ulysses. Nanghihina namang kinuha ni Dianne ang monobloc na itinumba ni Ulysses at ibinalik sa pwesto bago naupo roon.
"Let's go, Matthew," aya ni Berna sa anak. "Gusto kong makapagpahinga si Melvin."
"Tsaka na tayo ulit mag-usap, Dianne," mahinahon na si Matthew. "Don't worry, desidido na akong sagutin ang college ni Ivan."
"Forget it," matamlay na sabi ni Dianne. "Sa public school ko na lang siya papapasukin. Just help me pay for his hospital bills. Baka hindi kayanin ng phil health ko."
"Don't you have a private health insurance?" tanong ni Berna. "Anong ginagawa mo sa sahod mo, Dianne? No wonder, pinipilit mong sustentuhan ni Matthew ang anak mo dahil lagi kang gipit at hindi ka marunong humawak ng pera."
"Maliit lang ho ang cover ng health insurance ko," pinilit na lang magpakahinahon ni Dianne para hindi na humaba ang usapan. "Isa pa, sa mahal na private hospital niyo dinala si Ivan. Magkano ang isang gabi rito? Paano pa yung procedure at mga gamot niya?"
Umirap si Berna para itago ang pagkapahiya at bumulong pero enough para marinig niya, "Buti nga dinala pa namin sa ospital 'yan."
"Ma, please," hiling na Matthew at hinila na ang ina.
Bago umalis ay nangako naman ito kay Dianne na tutulong, "I'll see what I can do."
Tumango lang si Dianne pero alam niya kung gaano kalabong kausap ang lalaki. Hindi na siya aasa.
Nang wala na ang mga ito ay doon lang nakaramdam ng kapayapaan si Dianne. Siguro nga masama siyang ina dahil hindi niya nabigyan ng mabuting ama ang anak.
Tila gusto na namang magwala ni Ulysses nang makita ang itsura si Ivan. Pinigilan niya na lang ang sarili at siguradong magkakagulo na naman.
"Hi, dad," nakangiting bati ng binatilyo.
Ngumiti rin si Ulysses at naupo sa bakanteng silya sa tabi nito.
"Manang-mana ka talaga sa pinagmanahan mo. Ang hilig mong pumasok sa gulo," napapailing na sabi niya.
"Kanino pa ako magmamana kung hindi sa'yo," tudyo ni Ivan sabay halakhak.
Natawa rin si Ulysses pero maya-maya ay naging seryoso ang mukha nito.
"Please, tell me what happened," Ulysses demanded.
Naging mailap ang mga mata ni Ivan.
"Ivan, please. Hindi biro itong nangyari sa'yo. Gusto kong malaman ang buong kwento para maiwasan natin sa susunod," paki-usap ni Ulysses.
Alanganing tumingin sa kanya si Ivan at napakamot ng ulo.
"Siguradong magwawala ka na naman kapag sinabi ko e."
"N-narinig mo 'yung usapan namin?" nakaramdam ng pagkapahiya si Ulysses. Ayaw niyang maging bad influence kay Ivan pero mukhang ganoon na nga ang nangyari.
Natawa si Ivan, "Usapan ba iyon? Akala ko may gyera sa labas."
"Sabihin mo kung ayaw mong lumabas ulit ako."
"Oo na," naging seryoso na si Ivan.
"I'm listening," sabi ni Ulysses nang makitang tila nag-aalanganing magkwento ang binatilyo.
"Matagal na kaming magkaaway ni Melvin," simula ni Ivan. "Eversince nalaman niya kung saan ako nag-aaral, lagi niya na akong inaabangan sa labas ng school kasama mga barkada niya. Magkalapit lang kasi school namin. Kaya minsan hindi na lang ako pumapasok."
Hindi makapaniwala si Ulysses sa narinig. Mukhang susugod na naman siya nito.
"Remember Trisha?" tanong ni Ivan.
Tumango si Ulysses, "Your girlfriend."
"Wala na kami. Hindi ko lang nasabi sa'yo," natawa si Ivan. "Niligawan kasi ni Melvin e. Siguro para na rin asarin ako. Ano namang laban ko doon? Maraming pera iyon, may kotse pa. Ayun, nakipag-break sa'kin. Pero okay lang. Kasalanan ko din naman dahil malakas ang loob kong maghanap ng girlfriend e wala naman akong perang pang-date. Puro time lang at effort lang."
Natigilan si Ulysses nang maalala ang nakaraan. Wala rin siyang pera noong maging girlfriend niya si Dianne at madalas na ito ang taya sa date nila. Pero lagi nitong sinasabi na masaya na ito sa oras at pagmamahal niya.
Hindi niya alam kung totoo iyon pero ngayon lang niya narealized how simple Dianne was. Ambisyosa at high maintenance kasi ang tingin niya noon sa babae.
"Kaya lang selos na selos naman si Melvin kahit wala naman akong ginagawa," reklamo ni Ivan. Bumalik ang isip ni Ulysses sa kasalukuyan kasunod ng muling pag-init ng ulo niya nang marinig kung paano binubully ng half-brother ang anak-anakan. "Palipatin niya kaya ang girlfriend niya sa school nila para hindi ko makita. Paano ko iiwasan iyon e kaklase ko?"
"Bakit hindi mo sinabi sa mama mo?" tanong ni Ulysses. "Sana nailipat ka niya ng school."
Napayuko si Ivan, "Ayoko nang dumagdag pa sa problema ni mama."
"Sa akin? Sana sinabi mo para nakagawa ako ng paraan."
"Tapos mag-aaway na naman kayo," bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Ivan. "Alam ko namang mainit ang dugo noon sa'yo at ayaw na nakikialam ka pagdating sa'kin. Kapag nag-away kayo, palalayasin ka noon. Hindi na naman tayo magkikita."
Hindi nakakibo si Ulysses. Hindi niya akalain na tinatago ni Ivan ang sariling problema para hindi sila mag-away ni Dianne. Hindi man lang siya nakakahalata. Hindi lang pala si Dianne ang dapat niyang sisihin dahil naging pabaya rin siyang ama.
"Gusto mo bang kausapin ko si Trisha?" tanong ni Ulysses. "Hindi dapat siya nagpapasilaw sa pera. Mukha namang seryoso siya sa'yo noon."
Hindi makapaniwala si Ivan at biglang natawa, "Seryoso ka, dad? Huwag mo naman akong igaya kay mama. Ayoko na doon. Isa pa, na realized ko na dapat tinutulungan ko si mama sa gastusin at hindi kalandian ang inaatupag. Hayaan mo na 'yon. Doon na lang siya kay Melvin."
Natatawang inakbayan ni Ulysses si Ivan at ginulo ang buhok nito, "Hayaan mo. 'Pag nakalabas ka rito, itutuloy natin yung balak kong isali ka sa banda. Dadami magkakagusto sa'yo. Isasama rin kita sa club para maghanap ng chicks. Mas maganda at sexy sa Trisha na 'yon."
Tawa nang tawa si Ivan.
Muling sumeryoso si Ulysses nang maalala ang nangyari. "Balik tayo sa nangyari kanina-"
Ivan rolled his eyes, "huwag na nating pag-usapan iyon-"
"I want to know, Ivan. Hindi ako naniniwalang ikaw ang nauna kaya please, magsabi ka ng totoo."
Hindi nakakibo si Ivan.
"Ano ba talaga'ng pinag-ugatan ng away niyo kanina?" pamimilit ni Ulysses. "Akala ko nagpunta ka roon para kausapin si Matthew."
"Hindi ako pinapasok ng guard dahil wala naman daw utos si Matthew," humina ang boses ni Ivan. "Sabi ko maghihintay na lang ako sa labas. Tapos dumating si Melvin. Ewan ko kung saan galing. Bumaba ng kotse at tinanong ako kung ano'ng ginagawa ko roon. Nung sinabi kong pinapunta ako ng daddy niya, nagalit agad. Huwag ko raw ipagsiksikan ang sarili ko sa pamilya nila. So sabi ko, uuwi na lang ako. Kaso hindi pa rin tumigil. Kaya sinabi ko na napilitan lang akong magpunta dahil kay mama pero kahit kailan hindi ko itinuring na tatay si Matthew. Sinabi ko na..."
Saglit na tumigil si Ivan na tila pinag-iisipan kung itutuloy ang sasabihin. Malalim itong napabuntong-hininga bago nagpatuloy.
"Sinabi ko na para sa'kin ikaw ang daddy ko at kanyang-kanya na 'yung tatay niya. Sabi niya bayarang babae raw si mama at... at kumakabit sa may pera. Kaya lang daw kami lumalapit sa'yo ngayon dahil mayaman ka. Kaya raw mas gusto kita kay sa kay Matthew dahil sikat ka."
Halatang masama ang loob ni Ivan at nahihirapang ipagpatuloy ang pagkwekwento. Tuluyan nang tumulo ang mga luha nito. "Hindi na ako nakatiis kaya nasugod ko. Kahit ganoon si mama, hindi iyon mukhang pera. Oo, naging kabit siya pero hindi pera ang habol niya kay Matthew. Mas mayaman pa nga sila mama noon sa pamilya nila. Ngayon lang siya humingi ng sustento dahil walang-wala na kami."
Tumingin si Ivan sa kanya, "Maniwala ka, dad. Hindi sinasadyang mangutang sa'yo ni mama. Nagalit nga siya noong nalaman na binayaran mo yung utang namin sa renta. Tsaka ako, kahit kailan, hindi ko naisip na gusto kitang makasama ulit dahil sikat ka na. Naalala ko lang kasi kung paano ka nagmalasakit sa akin noong bata pa ako. Matagal na talaga kitang gustong hanapin, eight years old pa lang ako..."
Lumapit si Ulysses at niyakap ito, "Tahan na. Alam ko iyon. Huwag kang makinig sa sinabi ni Melvin."
Bahagya namang kumalma si Ivan pero mukhang wala na sa mood ipagpatuloy ang kwento.
Hinawakan ito ni Ulysses sa magkabilang balikat, "listen to me, kahit kailan, hindi ko naisip na mukhang pera si Dianne. Kahit pa malalim ang dahilan ng away namin noon. I could say a lot of mean things about her but not a gold digger. Dahil kung pera lang ang habol niya sa mga nakakarelasyon niya, sa simula pa lang hindi niya na ako pinatulan. Siya ang tumulong sa akin noong lumayas ako sa'min. Sinagot niya ang gastos ko. Pero uunahan ko na sila at baka may masabi ulit. Hindi si Dianne ang dahilan kaya ako mabait sa'yo at hindi ko rin kayo tinutulungan dahil may utang na loob ako kay Dianne. She never asked me to pay her back at hindi niya rin ipinaramdam sa'kin that I owed her something. At tandaan mo ito, hindi kita ginagamit para mapalapit ulit o makaganti sa kanya. Anak ang turing ko sa'yo kahit noon pa and it will never change kahit pa magkaaway kami ng mama mo. Maliwanag ba?"
Marahang tumango si Ivan.
"Kaya huwag ka na uling magpapadala sa sinasabi ng kahit sino. Tingnan mo nga ang nangyari sa'yo. Wala man lang bang umawat sa inyo?"
Napatingin sa kanya si Ivan, "Actually, inawat ako nung guard."
"Tapos?"
"K-kaya hindi ako makalaban kay Melvin," alanganing pagtatapat ni Ivan pero tila gustong pagsisihan iyon nang makitang nagtagis ang bagang ni Ulysses.
"Go on," sabi ni Ulysses habang nakakuyom ang palad.
"Hawak kasi ako nung guard kaya hindi rin ako nakailag nung ihampas niya sa akin iyong detachable na glass window ng guard house-"
Akmang tatayo si Ulysses nang maagap na hinila ni Ivan ang dulo ng manggas ng suot nitong t-shirt.
"Dad," takot na pigil nito. "Sabi mo 'di ka susugod."
"This is f*****g insane!" gigil na gigil na sabi ni Ulysses. Noon lang nakita ni Ivan na nagalit ang dating step-father. "Pinagtulungan ka ng mga gagong iyon. Dapat doon dinedemanda e!"
"Hayaan mo na," bahagyang nalungkot si Ivan. "May kaso pang inaasikaso si mama. Kapag dumagdag pa ito, lalo lang mawawalan ng pag-asang mabawi iyong dating business ni lolo."
Bumalik sa upuan si Ulysses at pilit na pinakalma ang sarili.
"Basta hindi na lang ulit ako pupunta roon," sabi ni Ivan.
"Hindi na talaga kita papapuntahin doon," sagot ni Ulysses. "Lumipat ka na rin ng eskwelahan. And please, kung may kailangan ka, huwag kang mahihiyang lumapit sa'kin. Kahit pera o kung may gusto kang bilhin. Hindi makakarating sa mama mo, promise. Pero ayoko na ulit mangyari itong ganito."
"Ako na lang magsasabi kay mama na ilipat na ako ng school," sabi ni Ivan. "Siguro naman papayag na iyon pagkatapos ng nangyari."
Napailing na lang si Ulysses.
Maya-maya ay dumating ang doctor para tingnan si Ivan. Saglit na pinalabas si Ulysses.
Nakita ni Ulysses si Dianne sa isang sulok na halatang galing sa pag-iyak. Napatingin ito sa kanya nang umupo siya sa bakanteng silya sa tabi nito.