"Mag-meryenda ka muna," iniabot sa kanya ni Dianne ang isang bote ng juice at cupcake. Ngumiti rin si Ulysses at tinanggap iyon. "Salamat," sagot ni Ulysses. Doon lang siya nakaramdam ng gutom. Ilang oras na rin ang nakakalipas mula noong mag-lunch sila ni Dianne. Tahimik na kinain ni Ulysses ang cupcake. Hind niya rin alam kung anong sasabihin sa babae. "Did he tell you what happened?" basag ni Dianne sa katahimikan. Tumango si Ulysses. Napangiti si Dianne, "Alam kong sa'yo siya unang magkwekwento at hindi sa'kin. Hindi siya ang nagsimula ng gulo, hindi ba?" Muling tumango si Ulysses, "You know your son more than I do, Dianne. Alam nating pareho na mabait na bata si Ivan. Gusto ko sanang ikwento ang nangyari pero ayoko siyang pangunahan. Isa lang ang masasabi ko; kahit hindi niya sa

