Lumipas ang ilang buwan at unti-unting nakilala si Noelle. Pero napansin ni Ulysses ang pagbabago ng ugali nito. Bukod sa nawawalan na ito ng oras sa kanya na inintindi niya na lang dahil alam niyang busy ito ay hindi na ito sweet tulad ng dati. Lagi na ring napapadalas ang away nila dahil madalas ay naiinis ito kapag nag-dedemand siya ng oras. It was their first rehearsal sa venue ng concert ng banda. Dahil out of town iyon ay nag-stay sila sa hotel. Nakaramdam ng kaba si Ulysses dahil kahapon pa hindi sumasagot si Noelle. "Ule." Napalingon si Ulysses nang marinig ang boses ni Phoenix. "Kakain na kami, sumunod ka na lang." Tumango siya, "susunod na ako. Mag-shoshower lang ako. Hinihintay ko yung gagawa ng heater. Nawalan ng hot water sa kwarto ko." "Doon ka na sa kwarto namin," al

