Pagkatapos mag-enroll sa university at ipamili ng mga gamit ang anak ay inihatid muna pauwi ni Ulysses si Ivan para pumunta sa office ng Fish Island. Dumating na rin ang yaya at kasambahay na kinuha niya para may makasama si Ivan. Bukas naman darating ang driver kaya makakagala na si Ivan kung saan nito gusto. Naabutan ni Ulysses ang mga kabanda na naghahanda na para mag-ensayo. "Hinahanap ka ni Noelle," bungad ni Otap. "Hindi ka na nahintay kaya umuwi na. Hindi mo raw kasi sinasagot ang mga tawag niya. Pinaalala lang na libing ni Noah bukas." Hindi nakakibo si Ulysses. Hindi pa nga pala sila pormal na naghihiwalay ni Noelle. He decided na hindi iyon ang tamang panahon para makipaghiwalay kahit alam niyang tapos na rin sila para sa babae. Hindi na nga siya kinakausap nito kaya nagtataka

