"Naging pasyente kita noong nag-iintern ako," masayang sabi ni Gracelyn. "Ikaw pa nga nag-aalo sa akin tuwing napapagalitan ako ng supervisor." Lalong kinabahan si Dianne nang mapansing nakatingin sa kanya ang lahat. "Y-yeah, I remember," pilit ngumiti si Dianne. "Ikaw nga yung nag-alaga sa akin noong naospital ako dahil sa car accident. Akalain mo nga naman. Ang liit ng mundo." "Car accident?" halatang nagtaka si Gracelyn. "Teka lang, 'di ba-" "Yeah, 'di ba?" agaw ni Dianne sa iba pang sasabihin ng babae. "I got into a minor car accident." Bahagya siyang nakahinga nang tumango lang ang babae. "Oo nga yata," sabi ni Gracelyn. "Matagal na rin kasi yon kaya medyo hindi ko na maalala. But I'm so happy nagkita ulit tayo." Ngumiti si Dianne bago bumaling kay Ulysses, "She was my nurse nu

