Bumilis ang t***k nang puso ni Dianne nang makita si Ulysses na naghihintay sa kanya sa labas ng bahay. Wala pa naman si Eureka. Lalo siyang kinabahan nang makitang seryoso ang lalaki. "Can we talk?" walang kangiti-ngiting tanong nito. Hinayaan na ni Dianne na makapasok ito sa loob ng bahay. "Tungkol saan?" tanong ni Dianne. "Tungkol sa anak natin." Natigilan siya nang bahagyang bumangis ang lalaki. "Nakausap ko na si Ivan. You don't have to come-" "Kaninong anak si Isela?" Hindi nakasagot si Dianne sa tanong ni Ulysses. Malakas ang kutob niyang alam na nito ang totoo. Si Pete ba ang nagsabi? But they promised to hide it hanggang hindi pa sila nagkakabalikan. Isa pa, kumukuha lang siya ng tyempo para sabihin ang totoo kay Ulysses. "Answer me, Dianne. Kaninong anak si Isela?" un

