“Anong sabi?” tanong ni Marco sa kaibigan. Malakas ang pakiramdam niya na hindi maganda ang naging pag-uusap nito at ni Mr. Chua base na rin sa problemadong itsura ng lalaki. Umiling si Ulysses, “He wanted me to pay the damages.” “Magbayad ka na lang.” Kahit malungkot ay bahagyang natawa si Ulysses, “Alam mo namang nagbabayad pa ako ng utang doon sa pagbili ko sa Fish Island. Siguradong kailangan kong ibenta ang restaurant para lang mabawi ang mga kanta at materminate ang contract natin. ‘Yung pera ko sa bangko, inilaan ko iyon para sa pag-aaral ni Ivan.” “Kung meron nga lang din akong pera, pinautang na kita,” apologetic na sabi ni Marco. “Pero alam mo namang may binuksan kaming bagong business. Don’t worry about the termination of contract, mag-aambag kami nila Otap.” “Okay lang iyo

