"Masaya ka nang nasaktan mo siya?" sarkastikong tanong ni Phoenix. Hindi makatingin nang maayos si Ulysses. "Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ni Dianne," galit na dagdag nito. "I know you still love her at nasasaktan ka dahil sila na ulit ni Matthew pero Ulysses naman, paano ka naman niya pipiliin sa ginagawa mong iyan?" "I should have known pero kahit ikaw na kaibigan ko, hindi rin sinabi sa'kin na nasa hospital na pala siya," masama ang loob na sumbat ni Ulysses. "So paano ko malalaman?" "Interesado ka bang malaman? Hindi ba super in love ka kay Noelle?" "Wala na kami," pag-amin ni Ulysses. "And you know, of all people, na hindi ko talaga mahal si Noelle. Na mahal ko pa si Dianne. Besides, she's Ivan mom. Karapatan ko pa rin sigurong malaman kung anong nangyayari sa kanya kahit

