Two

1472 Words
Trisha was waiting outside Celestial bar nang dumating si Ulysses. Sarado ang restaurant ng 2:00 pm to 6:00 pm kaya nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap sa loob. Nandoon na ang banda at ready nang mag ensayo. "Wow, may bisita," masayang bungad ni Otap. Bumaling ito kay Ulysses  "Ano gusto mong inumin, boss?" "Kahit ano," sagot niya. "Thanks." Curious na lumapit ang iba pang myembro. "Si Trisha pala," pakilala ni Ulysses sa kasama. "Di ba yan yung kasama nung lalaking nag-walk out nung concert natin sa The Palm?" tanong ni Phoenix. Tumango ni Ulysses at bumaling na kay Trisha. "Kailan pa siya nawawala?" "Kagabi lang po," halata ang pag-aalala sa mukha ng dalagita. "Tumawag siya sa akin at nag sorry. Sabi ko pupunta ako sa kanila pero ayaw niya. Huwag ko na raw siya hanapin. Wala raw siya sa kanila. Hindi ko naman po matawagan ang mama niya dahil hindi pa ako napapakilala ng pormal ni Ivan." Napabuntong-hininga si Ulysses. "S-sorry po kung naistorbo ko kayo. Ikaw na lang kasi ang malalapitan ko at baka makinig siya sa'yo," patuloy ni Trisha. "matagal ka na niyang hinahanap." Hindi nakakibo si Ulysses. Naguguluhan namang napatingin sa kanya ang mga kaibigan. "May ideya ka ba kung saan siya nagpunta?" maya-maya ay tanong ni Ulysses. Tumango si Trisha, "Nagtext po sa'kin yung barkada niya. Nasa boarding house raw po nila." "Teka, kaano-ano mo ba si Ivan?" interesadong tanong ni Marco. Hindi nakasagot si Ulysses. "Ivan was a troubled kid nung elementary kami," kwento ni Trisha. "Hindi ko nga akalain na manliligaw yun sa'kin. Ngayon namang highschool kami, puro pagbabanda ang inaatupag niya. Madalas siyang mag cutting at maglayas dahil lagi silang nag-aaway ng mommy niya. Pumapasok lang siya kapag napipilit ko. But he once confessed to me na namimiss niya raw ang daddy niya. Sabi niya ikaw daw ang inspirasyon niya kaya gusto niyang maging musician." Gulat na napatingin kay Ulysses ang mga kaibigan. "May anak ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Otap. "May hindi ka pala sinasabi sa'min," dagdag ni Marco. "Sino'ng nanay nyan?" tudyo ni Phoenix. "Anak ni Dianne si Ivan," pagtatapat ni Ulysses. "Dianne Claveria?" paniniguro ni Phoenix. Tumango naman si Ulysses. Tumahimik ang lahat nang marinig ang pangalan ng dating manager. Alam niyang maraming tanong ang mga kaibigan pero piniling huwag nang pag-usapan ang babaeng naging dahilan kaya hindi natuloy ang debut nila. "Sorry, Trisha pero baka hindi kita masamahan. Honestly, hindi kami okay ng mommy niya at ayaw ko namang magkagulo." Tumango si Trisha. "Naiintindihan ko po." Nagpaalam na ito pero bago 'yun ay nag-iwan ng note. "Kung sakali pong magbago ang isip mo, nandito po siya sa address na ito. Alam ko gustong-gusto ka niyang makausap." Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila pag-alis ni Trisha. "Anak niyo ni Dianne?" kaswal lang na tanong ni Otap. Hindi rin ito nakatiis na magtanong tungkol sa nakaraan. Umiling si Ulysses, "Iyon yung anak na tinutukoy ni Pete." "So, naging seryoso nga kayo?" tudyo naman ni Marco. "Akala ko biruan lang iyon e. Daddy pa ang tawag sa'yo." "Tumira ako sa kanila nung naghahanda tayo para sa debut," napilitang umamin si Ulysses. There's no reason to hide it. Matagal nang tapos iyon. "Kung ako sa'yo, kakausapin ko 'yung bata. Mukhang na trauma sa nangyari e. Huwag mong idamay sa gulo niyo ng nanay niya," payo ni Phoenix. "Bakit? Bata pa rin naman si Ulysses noon," katwiran ni Otap. "Kahit nga tayo na trauma sa pinaggagawa ng babaeng iyon." Natawa si Marco nang makitang walang kibo si Ulysses. "Puntahan mo na, pare. Ikumusta mo na rin ako sa nanay niya. Sabihin mo ibalik yung mga ninakaw na kanta natin." Nagtawanan ang grupo maliban kay Ulysses. It's still a difficult topic to talk about kahit pa matagal na panahon nang nangyari iyon. Ngayon na nga lang ulit nila napag-usapan. Hindi nila akalain na ang mga taong pinagkatiwalaan nila ay lolokohin lang sila. "Practice na tayo," aya niya sa mga ito. "Hindi ka aalis?" gulat na tanong ni Phoenix. Ito kasi ang mas maraming alam sa naging relasyon nila ng dating manager. "It's none of my business, Phoenix," sabi ni Ulysses bago kunin ang electric guitar mula sa stand. Hindi na siya kinulit ng mga kaibigan at nawala na rin sa isip ng mga ito ang nangyari. Pero hindi kay Ulysses. Pauwi na siya nang muling maalala ang sinabi ni Trisha. Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay naaalala pa siya ni Ivan. They used to be closed at naalala niya ang pangako rito na hindi siya aalis kahit kailan. But he was young. He wasn't matured enough to be father. He didn't know how to keep a promise. At nang malaman niya ang kalokohang ginawa ng pamilya ni Dianne at kasabwat ang babae, napalitan ng galit ang lahat ng nararamdaman niya para rito. He left without hearing her side of the story. He didn't even say goodbye to Ivan na natutulog nung umalis siya. Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ni Ivan ang ginawa niyang pagalis nang walang paalam. He should have said goodbye. Pero hindi na rin siya nakabalik nang magkagulo sa hacienda. Siguro, ito na ang tamang oras para mag-usap sila. Pero kaya niya bang harapin ang lahat? Wala siyang problema kay Ivan. Mahal niya ito kahit ngayon niya lang narealized, he's too young to be a father figure to him. Eleven years lang ang tanda niya rito. Pero handa na ba siyang makita ulit ang babaeng nanakit sa kanya at sa mga kaibigan niya? Kung natuloy ang debut nila, baka nakaalis sila ng hacienda bago nagkagulo. Buhay pa sana ang mga magulang niya. Marahas na napabuga ng hangin si Ulysses nang muling sumagi niya ang huling pag-uusap nila ni Dianne. "Ulysses..." Narinig niyang tawag ng babae. Nasa kotse siya kasama ito pagkatapos ng meeting nila kung saan nalaman ng grupo na hindi na matutuloy ang debut nila at ang mga kanta na pinaghirapan nila ay ibang banda ang magpeperform. Hindi sumagot si Ulysses. Kumukulo ang duog niya nung mga oras na iyon. "Hayaan mo akong magpaliwanag." "Ipaliwanag ang alin?" tanong niya sa isip. Anong kasinungalingan na naman ba ang sasabihin nito? Nagulat ito nang bigla niyang kabigin at halikan. He's trying to find forgiveness kaya niya ginawa iyon. Alalahanin ang masayang relasyon nila pero bigo siya. He realized everything was a lie. Napaigik ito nang marahas niyang itulak dahilan para mauntog sa bintana ng kotse. "Paano mo nagawa sa amin iyon?" namumula na ang mga mata sa galit na tanong ni Ulysses. Hindi nakasagot si Dianne. "Alam mo kung paano umasa ang grupo na matutulungan mo kami. Paano na ngayon? Sira na ang pangarap namin. Hawak pa ng kompanya niyo ang copyright ng mga kantang pinaghirapan ng grupo. Lalo na ni Phoenix." "You still love her..." mahinang bulong ni Dianne. "Ano?" "Yung mga kantang ginawa mo, para sa kanya iyon, hindi ba? It's not for my future album na plano nating gawin para matupad ko rin ang pangarap ko." Hindi makapaniwala si Ulysses. Pero kahit guilty siya dahil totoo namang mas nauna niyang gawan ng solo na kanta si Phoenix at ang kantang akala ni Dianne ay para rito ay ginawa niya talaga para sa babae, hindi pa rin makatarungan ang ginawa ni Dianne sa banda nila. "Dahil lang doon, niloko mo kami?" hindi niya napigilang hawakan ang braso nito at galit na niyugyog ang babae. Nag-aapoy ang mga matang tiningnan niya ito. Ang kaunting pagmamahal na nalalabi para sa babae ay parang bulang naglaho. "Oo, niloko kita," pag-amin ni Ulysses. Kahit deep inside, alam niyang nahulog na rin siya babae. "Ginamit kita para kami ang gawing priority ng recording company. Pero sana ako na lang ang ginantihan mo. Sana hindi mo na dinamay ang mga kaibigan ko!" Magpapaliwanag pa sana ito pero isang malakas na sampal ang sumalubong dito. Nasapo ng babae ang namumulang pisngi. Nakita niyang umiiyak na ito and it was the first time she did that in front of him. Pero wala siyang pakialam. "Napakasama mong babae.Hinding-hindi kita mapapatawad. Sana lang sumikat ka gamit ang mga kantang ninakaw mo!" Bumaba na si Ulysses at kahit narinig niyang tinawag siya nito, asking for forgiveness ay hindi na niya pinansin. He went home para kunin ang mga gamit bago pa siya maabutan ng babae. Napadaan siya sa kwarto ni Ivan at nakita niyang natutulog ito. He wanted to say goodbye. Mayakap man lang ang anak-anakan kahit sa huling pagkakataon pero alam niyang mas mahihirapan siyang umalis. He quietly went inside Ivan's room at iniwan doon ang acoustic guitar niya. Maybe, itatapon din iyon ni Dianne. Pero gusto niya lang malaman ni Ivan na kahit hindi na sila magkita, he will be his number one supporter at gusto niya itong maging magaling na gitarista at magtagumpay someday. Taliwas sa nangyari sa kanila. The band fired Dianne through an e-mail and went in the company to reach an agreement and terminate the contract. Hindi na nila nabawi ang mga kanta. Hindi na rin nila nakita si Dianne dahil nabangga ang kotse nito at naospital pagkatapos niyang komprontahin sa kotse. Iyon ang huling beses niyang nakita ang mag-ina. Isang malakas na busina mula sa likod ang nagpabalik sa isip ni Ulysses sa kasalukuyan. Natagpuan niya na lang ang sarili na binabagtas ang daan patungo sa address na binigay ni Trisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD