Isang nagkukumpulan na grupo ng teenagers ang naabutan ni Ulysses pagkatapos siyang pagbuksan ng pinto.
Tumahimik ang kaninang maingay na nag-iinuman.
"Ulysses Mendoza?" nakilala naman siya ng isa sa mga barkada nito. "Ikaw yung vocalist ng Red ticket, 'di ba?"
Tumango si Ulysses.
"Ivan," tawag niya nang makita ang binatilyo na may hawak na bote ng beer.
Nahigit nito ang paghinga, "Anong ginagawa mo rito?"
"Can we talk outside?" tanong ni Ulysses.
Hindi naman makatingin nang deretso si Trisha kay Ivan.
"Busy ako," sabi ni Ivan bago tinungga ang beer.
"Hayaan mo na lang muna siya," sabi ng isang kaibigan ni Ivan. "Lalo lang 'yang magagalit kapag pinilit mo."
Hindi iyon pinansin ni Ulysses, "Please, gusto kitang makausap."
"Kausapin mo na, Ivan," sabi ng isa pang barkada nito. "Para matuloy na inuman natin."
"Sino ba 'yan?" tanong naman ng binatilyong katabi ni Ivan.
Hindi sumagot si Ivan kaya tumingin sa kanya ang mga kasama nito.
"Tatay niya ako," sagot ni Ulysses.
Napatingin sa kanya pati si Ivan.
"Ano bang kailangan mo?" sa huli ay pinaunlakan din siya ng binatilyo.
Nasa labas sila samantalang pinili ni Trisha na maghintay sa loob ng kotse ni Ulysses.
Matagal bago siya nakasagot, "Sinabi ni Trisha na naglayas ka raw."
"Ano naman ngayon?"
"Ihahatid na kita pauwi."
Sarkastikong tumawa si Ivan, "Bakit? 'Di ba lumayas ka rin? Ikaw nga hindi na bumalik."
"Ivan..."
"Bakit ka umalis? Kasi hindi na kayo magkasundo ng nanay ko,' di ba? So, bakit mo ako pababalikin? E hindi ko na rin siya makasundo."
Nahigit ni Ulysses ang paghinga, "pag-usapan niyo ang problema niyo."
Tila hindi na matiis ni Ivan na ilabas ang kinikimkim na sama ng loob. Galit nitong sinipa ang basurahan sa tabi ng poste.
"Tama ka. Problema namin ito. Hindi ka na dapat nakikialam. Ano bang pakialam mo sa'kin? Wala naman, hindi ba? Bigla ka na nga lang nawala e. So, bakit pumunta ka pa rito? Baka nakakaistorbo pa ako sa'yo."
"Ivan..."
"Anong kalokohan ito? Pagkatapos mong hindi magpakita ng walong taon, susulpot ka na kunyari concern ka. Huwag na tayong maglokohan, Ulysses. Kung pinapunta ka ni mama rito, umalis ka na. Hindi ako uuwi. At huwag kang mag-alala, aksidente lang 'yung pagkikita natin. Sinamahan ko lang si Trisha. Hindi kita hinanap. At kung naguiguilty ka sa pagalis mo nang walang paalam, huwag. Hindi mo kailangang mag-sorry dahil hindi mo ako responsibilidad. Hindi mo naman ako tunay na anak."
"I'm sorry, " hindi napigilang sabi ni Ulyssses. "Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo. Sorry kung dinamay kita sa away namin ng mama mo. Pinagsisihan kong umalis ako nang hindi man lang tayo nakapag-usap. Pero gusto kong malaman mo na kahit sandali lang kita nakasama, itinuring kitang anak ko. Hanggang ngayon."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Ivan.
Lumapit si Ulysses at niyakap ang binatilyo. Kahit hindi ito gumanti ay hindi rin naman siya pinigilan.
"Naalala ko yung huling beses kitang nakasama," garalgal ang boses na kwento ni Ivan. "Excited ako noon dahil nangako kang ipapasyal mo ako sa dagat kaya maaga akong natulog. Pero paggising ko si mama lang ang nasa kusina. Sabi niya nagbakasyon ka lang daw sa inyo. Hanggang sa nagtagal, naintindihan ko na hindi ka na babalik."
Hindi nakasagot si Ulysses. Hindi niya akalain na ganoon ang naging epekto kay Ivan ng pagalis niya. Alam niyang marami na itong naging stepfather bago siya ayon na rin sa kwento nito pero hindi ito nagpakita ng pagkagiliw sa mga iyon.
Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ito sa magkabilang balikat.
"Hayaan mo akong bumawi. Kahit wala na kami ng mama mo, I'm still here for you."
Napayuko si Ivan hanggang sa hindi rin nakatiis at mahigpit siyang niyakap.
Ramdam ni Ulysses ang sobrang pagkamiss sa kanya nito at kahit pinagsisisihan niya ang naging relasyon nila ni Dianne, ipinagpasalamat niyang nakilala niya si Ivan.
"Hindi na kita ginising dahil mas lalo akong mahihirapang umalis kapag humabol ka," pagtatapat ni Ulysses. "Akala ko makakalimutan mo rin ako kapag nagkaroon ka ng bagong stepdad."
Nagpahid ng luha si Ivan, "Hinihintay kitang bumalik, alam mo ba iyon? Hanggang sa ipagtapat ni mama noong thirteen years old ako na matagal na pala kayong hiwalay. Pero umasa pa rin akong babalik ka para sa'kin."
"Nagkaroon ako ng problema sa pamilya. Napatay ang mga magulang ko at matagal naming inilaban ang kaso kaya hindi ako nakabalik. I'm sorry."
Hindi nakasagot si Ivan. Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.
"S-sabi mo hindi ka aalis," tila bumalik ito sa pagiging bata. Noong mga panahong nagtatampo sa kanya. "Sabi mo ikaw na magiging daddy ko habambuhay."
"I'm sorry," naramdaman ni Ulysses ang pamamasa ng mata. "Huwag kang mag-alala. Nandito na ulit ako."
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila habang yakap ang isa't-isa.
Nakangiti na si Ivan nang kumalas sa pagyakap, "Uuwi na ako. Baka hinihintay na ako ni mama."
Ginulo ni Ulysses ang buhok nito, "Wala ka pa ring pinagbago. Iyakin ka pa rin."
Nahihiya naman itong nagpunas ng luha.
"Kunin mo na ang bag mo. Ihahatid na kita pauwi."
Bumalik naman sa loob si Ivan para kunin ang bag at magpaalam sa mga kaibigan.
Lihim na napabuntong-hininga si Ulysses. Wala na talaga siyang takas.
Inihatid muna nila si Trisha bago tumuloy sa bahay nila Ivan.
Nasa kalagitnaan sila ng byahe nang makatanggap ng tawag ang binatilyo. Hindi alam ni Ulysses kung bakit bahagyang bumilis ang t***k nang puso niya nang marinig ang pamilyar na tinig.
"Sorry na, ma," sabi ni Ivan. "Pauwi na ako. Huwag ka nang mag-alala."
Agad na nagbawi ng tingin si Ulysses pagkatapos patayin ni Ivan ang cellphone.
"Saan kita ihahatid?" tanong ni Ulysses.
"Sa Cubao," sagot ni Ivan habang nakatingin sa lisensya niya na nakasabit sa hawakan ng compartment.
Saglit itong natigilan.
"Ilang taon ka na?" tanong nito pagkatapos.
"Twenty seven," nangingiting sagot ni Ulysses.
"Twenty seven? Ilang taon ka noong maging kayo ni mama?"
"Mga nineteen siguro."
Halatang hindi makapaniwala ang kausap.
"So, teenager ka lang noon?"
Tumango si Ulysses.
"What the... hindi ko naisip iyon. Eleven years lang pala ang tanda mo sa akin. Akala ko kasing-edad ka ni mama."
Natawa si Ulysses.
"Okay lang bang daddy pa rin ang itawag ko sa'yo?"
"Oo naman."
Muling napangiti si Ulysses nang makita ang katuwaan sa mga mata ng kausap.
Nakarating na sila sa bahay nila Ivan at kapansin-pansin ang pagbabago ng lifestyle ng mga ito. Malayo sa magandang tirahan dati sa Davao.
"Mauna na ako," paalam ni Ulysses. Kinuha niya ang isang calling card at iniabot iyon kay Ivan. "Tawagan mo ako kung may oras ka. Labas tayo. Huwag mo na lang munang sabihin sa mommy mo na nagkikita tayo."
Bahagyang nalungkot si Ivan pero ngumiti ito at tumango.
Bumalik na sa sasakyan si Ulysses pero saglit niya muna itong pinanood mula sa bintana.
Urong-sulong ito at tila natatakot pumasok sa loob ng bahay.
Napailing si Ulysses at muling bumaba ng sasakyan.
"What's wrong?" tanong niya.
Napakamot ng ulo si Ivan, "natatakot ako kay mama e."
Natawa si Ulysses nang maalala ang nakaraan. Sa kanya kasi ito tumatakbo kapag pinapagalitan ni Dianne.
"Pwede bang sumama na lang ako sa'yo?" seryosong tanong nito. "Magpapakabait ako, promise."
Lalo siyang natawa, "Baka gusto mong ipabarangay ako ng mama mo."
Hindi ito kumibo at muling tumingin sa loob ng bahay.
"Isasama kita kung ayaw mo na talaga sa inyo," sabi ni Ulysses. "But not now. Kapag eighteen ka na at pwede ka nang magdesisyon para sa sarili mo. Deal?"
Masayang tumango si Ivan,"Deal."
"Pumasok ka na," utos niya.
"Samahan mo ako."
Malalim na mapabuntonghininga si Ulysses.
"Halika na nga," naglakad na siya patungo sa bahay.
Masaya namang sumunod sa kanya si Ivan.
Hindi na nila kailangang kumatok nang matagal dahil may nagbukas agad ng pinto. Halatang kanina pa naghihintay.
"Ivan," nag-aalalang niyakap ng ina si Ivan.
"H-hi, ma," alanganing bati ni Ivan at niyakap din ang ina.
"Saan ka ba nagpunta?" naiiyak na tanong nito. "Alam kong galit ka sa'kin and I'm sorry kung nasigawan kita. Kapakanan mo lang naman ang iniisip ko e."
Napayuko ang binatilyo.
"I'll compromise, okay? Papayag na ako sa gusto mong mangyari-"
Napansin ni Dianne na may kasamang dumating ang anak at napatigil ito sa pagsasalita.
She was speechless nang makilala kung sino iyon.
Hindi naman alam ni Ulysses ang sasabihin. His heart was throbbing. Maybe, it's because he's still angry for what she did.
Seeing her again brought back painful memories at gusto niya nang tumakbo palayo roon.
"Ahm, ma..." basag ni Ivan sa katahimikan. "Remember Ulysses? Nagkita ulit kami. Hinatid niya ako pauwi dahil gabi na."
"Thanks," sabi ni Dianne bago pabalibag na isinara ang pinto, kung hindi agad nailayo ni Ulysses ang mukha ay siguradong nasapol siya. Gawa pa naman iyon sa narra.
Naiwan sa labas ng bahay si Ulysses.
"Ma naman," reklamo ni Ivan at akmang bubuksan ang pinto nang pigilan ng ina.
"Ivan, please," napapikit sa galit si Dianne. "Ayaw kong mag-away ulit tayo pero bakit hindi mo sinabing nagkikita ulit kayo? Tsaka alam mo naman kung bakit pinigilan kitang hanapin siya, 'di ba?"
Napayuko si Ivan.
Mula sa labas ay rinig ni Ulysses ang usapan ng dalawa. So, hinanap talaga siya ni Ivan.
"Gusto ko lang namang makasama ulit si daddy Ule," pagtatapat ni Ivan. "Nag sorry naman siya e. Hayaan mo na akong makipagkita sa kanya."
Hindi sumagot si Dianne.
"Ma, papayag na akong makipagkita ulit kay Matthew," patuloy ni Ivan. "Kung 'yon ang gusto mo. Pero hayaan mo rin akong makipagkita kay daddy Ule ha?"
Niyakap ni Ivan ang ina. "Hindi ko naman hinihiling na magkabalikan kayo e. Basta hayaan mo lang akong maging close kami ulit. Sige na, ma. Sa lahat ng mga inuwi mo rito sa bahay, sa kanya ko lang naramdaman na may tatay ako."
Napabuga ng hangin ang babae at kinuha ang baso ng kape sa mesa.
"Matutulog na ako," paalam ni Dianne. "Isara mo 'yang pinto bago ka matulog ha. At pauwiin mo agad yan, may pasok ka pa bukas."
Tuwang-tuwang niyakap ni Ivan ang ina, "Salamat, ma. Love you."
Napailing na lang siya nang nagmamadali nitong buksan ang pinto.
Mabilis siyang nagtungo sa kwarto bago pa makapasok ang lalaki.
Tila nakahinga nang maluwag si Ivan nang makitang nandoon pa si Ulysses.
"Pumayag na si mama na makipagkita ako sa'yo," masayang pagbabalita ni Ivan.
Napailing si Ulysses, "Rinig ko usapan niyo sa labas."
Natawa si Ivan, "Gabi na. Dito ka na matulog."
"Loko ka talaga. Pumasok ka na sa loob. Susunduin na lang kita bukas sa school mo."
"Pangako 'yan ha?" halatang nalungkot si Ivan. "Baka mamaya mawala ka na naman bigla."
Nakaramdam ng awa si Ulysses kay Ivan. Lalo pa at narinig niya ang usapan ng mga ito kanina. How he tried to find him sa kabila ng pagtutol ni Dianne at nang magkita ulit sila after several years ay agad siyang pinatawad. Tinanggap agad ang explanation niya. Hindi rin nakalusot sa kanya ang pagbanggit sa pangalan ni Matthew, na walang iba kung hindi ang biological father nito. Alam niyang hindi malapit noon si Ivan sa tunay na ama at hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nagbabago ang tingin nito kay Matthew. Ivan called him by his first name samantalang sa kanya ay daddy ang tawag.
Lalo tuloy tumindi ang pagnanais niyang makabawi rito.
"Maluwag ba ang kama mo?" tanong ni Ulysses. "Bukas na lang ako uuwi."
Isang malawak na ngiti ang sumilay sa labi nito, "Queen size. Pero kung gusto mo sa lapag na lang ako matutulog. May extra rin akong pantulog. Papahiramin kita."
Natagpuan na lang ni Ulysses ang sarili na nasa loob ng bahay.
Saglit siyang iniwan ni Ivan para maligo. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto.
It's a room of a typical teenager. May pagka emo ito at puno ng posters ng mga rock alternative band ang kwarto. May isang photo frame sa tabi ng kama na nakalagay ang picture nito at ni Trisha.
Natigilan siya nang makita ang itim na gitara sa isang sulok ng kwarto. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang dati niyang gitara. Dahan-dahan niyang kinuha iyon at tiningnan ang likod.
Ule08
Napangiti si Ivan nang pumasok at makita siyang hawak ang gitara.
"Medyo sintonado na yan pero gumagana pa rin. Alam mo, magaling na rin akong maggitara," kwento nito. "Kasali na rin ako sa banda. Pero sa school lang kami tumutugtog."
Ngumiti si Ulysses, "Hayaan mo, tuturuan ulit kita kapag wala kang klase."
Saglit pa silang nagkwentuhan. Mostly ay tugkol kay Trisha na third girlfriend na pala nito. Hindi rin siya nakaiwas sa tanong nito kung may girlfriend na siya.
At syempre naikwento rin nito si Dianne.
Nalaman niyang hindi na muling nagdala ng ibang boyfriend sa bahay ang babae magmula nung umalis siya.
Hindi niya alam kung matutuwa sa narinig.
Madaling araw na nang makatulog si Ivan pero si Ulysses ay hindi pa rin dinadalaw ng antok. Lalo na at katabi lang nila ang kwarto ni Dianne.
Sumagi sa isip niya ang unang beses nilang pagkikita ni Ivan. The first time Dianne brought him home.
"Ma, pasalubong ko," isang batang lalaki ang sumalubong kay Ulysses at Dianne pagdating sa bahay ng mga ito.
Speechless si Ulysses nang makita kung gaano karangya ang bahay ni Dianne. Kahit hindi naman sila mahirap, wala pa rin silang muebles na ganoong kamahal.
"Kate, napakain mo na ba si Ivan?" tawag ni Dianne sa kasambahay. Agad namang dumating ang isang babaeng ang hula ni Ulysses ay kasing edad lang niya.
"Opo, ate," sagot ng kasambahay.
Napansin ni Ulysses na nakatingin sa kanya ang bata.
"Hi," nakangiti niyang bati rito. "Anong pangalan mo?"
Tiningnan lang nito si Ulysses bago walang paalam na tumakbo palayo at nagtago sa kwarto.
"Huwag mong pansinin 'yan," sabi ni Dianne. "Mahiyain 'yan sa mga hindi niya kilala."
"Anak mo?" tanong ni Ulysses kahit obvious naman dahil magkamuka ang dalawa.
Tumango ang babae.
"Ipakilala mo ako," sabi ni Ulysses. "Magiging tatay niya na ako kaya gusto kong maging komportable siya sa'kin."
"You don't have to treat him like a son. Hindi mo siya responsibilidad," sabi ni Dianne.
Hindi na sumagot si Ulysses. Kahit bahagya siyang nasaktan dahil halata namang hindi ito seryoso sa relasyon nila kaya ayaw siyang mapalapit sa anak nito.
Bago pumasok sa kwarto ni Dianne ay nilingon niya ang pinto kung saan pumasok ang bata at nahuling nakasilip ito.
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ni Dianne nang nasa loob na sila ng kwarto.
Tumingin si Ulysses sa babae, "Sinabi ko uupa ako ng sarili kong apartment. 'Di na sila nagtanong. Hayaan mo na iyon, malaki na ako para magdesisyon para sa sarili ko."
Napailing si Dianne, "Isa lang ang gusto ko, concentrate with your training. Huwag kang mag-alala sa gastusin."
Ngumiti si Ulysses at yumapos dito, "Yes, ma'am."
"At matino ang usapan natin, walang pwedeng makaalam na nandito ka."
Tumango si Ulysses bago halikan ang babae. Ginantihan naman iyon ni Dianne.
Ihiniga niya ito sa kama at hinubad ang suot nitong bestida. Wala siyang nararamdamang takot nung mga oras na iyon. Handa na siyang magkapamilya.
"Ule, bata ka pa para matali sa akin," may pag-aalala sa boses ng babae. Tumigil si Ulysses sa ginagawang paghalik sa leeg nito. "Sisikat ka someday, marami kang babaeng makikilala-"
"Pero nag-iisa ka lang," putol ni Ulysses sa iba pang sasabihin nito. "Kung mahal mo na ako, huwag kang matakot na sabihin sa'kin. Tanggap kita kahit may anak ka. Mamahalin ko ang anak mo. Sasama ba ako sa'yo kung hindi ako seryoso?"
Hindi sumagot si Dianne.
Nagpatuloy naman si Ulysses sa ginagawa. Mariing napapikit si Dianne nang maramdaman na lalong nagiging mapusok ang mga halik niya.
Hanggang sa muli silang nakalimot.
He never heard Dianne saying na mahal na siya nito. Not even once.
Maybe, masyado siyang umasa.
Hanggang magsawa na rin siyang maghintay dahil nasasaktan na siya. Kinumbinsi niya ang sarili na ginagamit niya lang ito para sa career at nasaktan lang siya nang iwan siya ni Phoenix.
He succeeded convincing himself at kahit si Dianne ay naniwala.
Pero hindi ang puso niya.