Matutulog sana si Ulysses nang makaramdam ng matinding pagkauhaw kaya nagpasya siyang bumaba at kumuha ng tubig.
Hindi na siya nagbihis dahil panatag siya na siya lang mag-isa ang nasa bahay.
Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang hindi siya nag-iisa.
At may bisita pa ito.
Kahit nahihiya ay hindi siya nagpahalata. He remembered exactly who the guy was. At hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng matinding insecurity tuwing maaalala kung sino ito sa buhay ni Dianne at ni Ivan. Dahil alam niya na once bumalik na ito sa buhay ng dalawa, mawawalan siya ng lugar.
"Hi," he casually smiled at them. "Sorry kung naistorbo ko kayo. Tuloy niyo lang 'yan."
Nakatingin lang sa kanya ang dalawa na hindi pa rin nakasagot sa sobrang pagkabigla.
As expected, after a few minutes, someone knocked in his room. Inihanda niya na ang sarili sa isang mahaba-habang sermon.
"Kaya pala ganyan ka na magmalaki ngayon," nakaangat ang kilay na sabi ni Matthew. "Si Ulysses iyon, 'di ba? Sikat na banda nila ha? Kaya ba ayaw mo nang mabuo ang pamilya natin?"
"He has nothing to do with it," defensive agad na sabi ni Dianne. Pero alam niyang deep inside, may kaunting katotohanan ang sinabi nito. She had a hard time letting people in nang maghiwalay sila ng lalaki. "Isa pa, we're not together. Bisita lang siya ni Ivan. If he's great to my son, sino ako para paalisin siya?"
"Wala ka talagang pinagbago. Still using your son para sa sarili mong interes," sarkastikong sabi nito.
"Mabuti pa umalis ka na, Matthew," hindi na nakipagtalo pa si Dianne. "Sumasakit ulo ko sa mga pinagsasasabi mo."
Halatang masama ang loob na umalis si Matthew. Nang wala na ang lalaki ay tsaka lang nakahinga nang maluwag si Dianne.
Humanda talaga sa kanya ang lalaking iyon.
Isang galit na galit na babae ang bumungad kay Ulysses nang buksan niya ang pinto ng kwarto. Nakabihis na siya noon at lihim siyang napangiti nang tila nakahinga nang maluwag ang kausap.
"Mag-usap nga tayo," halatang gigil na gigil ito at gustong matawa ni Ulysses pero pinigilan niya.
Seryoso siyang tumango.
"First of all, may babae kang kasama. Please, dress properly. Pangalawa, how dare you come down tapos nakahubad pa e alam mong may bisita ako? Nang-aasar ka ba?"
Napabuntong-hininga si Ulysses. Honestly, hindi niya alam na may bisita ito. Para namang pag-aaksayahan niya ng panahon ang dalawa. Hindi yata alam ng mga ito na ilang beses siyang inalok maging model ng underwear pero tinanggihan niya.
"Hindi ko sinasadyang rumampa kanina. Hindi ko nga alam na wala kang pasok e."
"Binago na ang day-off ko," sagot ni Dianne. Syempre hindi niya aaminin na sinadya niyang makipagpalit dahil ayaw niyang makita ito. "Ikaw? Bakit ka nandito? Alam ko may pasok ka ngayon ha?"
"Bakit mo alam?" kumunot ang noo ni Ulysses.
"Sabi ni Ivan," nakahanap naman agad ng palusot si Dianne. "I need to know everyone's schedule since ako ang namamahala sa bahay. Bakit? masama?"
Nagkibit-balikat si Ulysses, "Hindi naman. Nagtaka lang ako. Well, under renovation kasi ang bar ni Otap so baka one week akong walang pasok. You remember Otap, right?"
Hindi nakakibo si Dianne. Mag-oovertime na lang siya ng one week.
"May narinig ka ba sa pinag-usapan namin?" paniniguro ni Dianne. Ivan shouldn't know na nagpunta si Matthew. Siguradong masasaktan ito sa pinagsasabi ng lalaki.
"Paano ko nga kayo maririnig e wala nga akong kamalay-malay na may tao sa baba," sabi ni Ulysses. "Ano'ng akala mo? Napagtripan kong mag fashion show nang nakahubad habang may tao?"
Malalim na napabuntonghininga si Dianne, "Just don't tell Ivan na nagpunta rito si Matthew."
"Why not?"
"Because it's none of your business," inis na sagot ni Dianne.
"Are you dating him again?" kumunot ang noo ni Ulysses.
Tiningnan siya nang masama ni Dianne, "And so? Baka gusto mong mapalayas dyan."
Lalo itong nainis nang tumawa siya.
"It's not funny," Dianne snorted. "I'm going to my room. Sana sumunod ka sa batas. Set as a good example to my son."
Muling kumunot ang noo ni Ulysses, "Ang alam ko good influence ako kay Ivan. Hindi na nga naglalakwatsa 'yon e. And guess what? Nag-rereview 'yon bago pumasok."
"You know what I mean. Wala ka sa survivor challenge na basta na lang maglakakad ng walang saplot."
"Mainit e," natawa si Ulysses. Akala naman hindi nito nakita dati ang katawan niya.
"Mag-aircon ka."
"Sayang kuryente," he chuckled.
"May pambayad ka naman e."
Ulysses grinned pero maya-maya ay biglang sumeryoso, "You know I miss this kind of conversation with you. Kahit lagi mo akong binabara noon. Natatandaan mo ba kung ano yung sinabi ko sa'yo noon? I won't be nineteen forever."
Napatingin si Dianne sa kanya. Halata ang kaba sa muka nito.
Dahan-dahang lumapit si Ulysses at hindi na nakaiwas si Dianne when he wrapped his arms around her.
"Are you scared of me?" matiim ang titig na tanong ni Ulysses.
"Of course not," sagot ni Dianne. She tried to escape pero talagang walang balak si Ulysses na pakawalan siya "Bakit naman ako matatakot sa'yo?"
"Bakit mo ako iniiwasan?"
"Hindi kita iniiwasan."
"Then stay," utos ni Ulysses. "Mag-usap tayo."
Naguguluhan pa rin si Dianne sa inaasal ng lalaki. "W-we have nothing to talk about. Hindi ba ikaw mismo ang nagsabing wala akong kwenta-"
"Wala akong sinabing about us. Pwede namang si Ivan pag-usapan natin."
"Bakit ka nakayakap sa akin kung si Ivan lang pag-uusapan natin?"
Natawa si Ulysses pero muling sumeryoso, "I miss you."
Hindi makapaniwala si Dianne sa narinig. Bago pa siya nakasagot ay tinawid na ni Ulysses ang pagitan nila. Natagpuan niya na lang ang sarili na tinutugon ang halik nito.
She missed him too. More than he ever know.
But he has a different status now. Sikat na ito. Hindi na ito ang teenager na kailangan siya para umangat ang career. Actually, hindi na ito teenager. He's already a man. A gorgeous man who can get whoever girl he likes.
Pwede na itong tumayo sa sariling mga paa at hindi niya na mapapasunod sa gusto niya. Sigurado siyang iiwan lang siya nito kapag nakahanap ng mas higit sa kanya. And he will surely find sa dami ng nakakasalamuha nitong maganda.
Gagamitin lang siya nito para makaganti sa nangyari noon.
But still, she was unable to restrain him. And she found herself in the same boat eight years ago, giving herself to the guy na hindi siya sigurado kung ano ang posisyon niya sa buhay nito.
Bumangon si Dianne at mabilis na nagbihis. Hindi siya makapaniwalang nahulog na naman siya sa patibong nito.
"Dianne," tawag ni Ulysses. Bahagya siyang nasaktan sa inasal ng babae. Hindi pa rin ito nagbabago. Still emotionless at cold pagdating sa kanya.
"Parating na si Ivan," sabi lang nito.
Bumangon na rin si Ulysses, "Mag-usap tayo. Kahit hindi ngayon kung hindi ka pa handa. I'm ready to hear your explanation."
Napatingin sa kanya si Dianne, "Wala na akong dapat ipaliwanag. It won't change the past."
"Then let's start again."
Hindi nakakibo si Dianne. Dapat ba siyang maniwala rito? Ulysses is a celebrity now. Kahit sa underground lang nagpeperform ay talk of the town ang banda nito. Paano pa kaya kapag lalong sumikat ang banda? She doesn't need another heartache now.
"As friends," sagot niya bago lisanin ang kwarto.
Naiwan namang masama ang loob ni Ulysses. After all these years, Dianne still see him as trash.
Aaminin niya na sinubukan niyang kalimutan ito but seeing her again after all these years bring back memories na kahit maraming mapait, some of them were the happiest he could recall. Mahirap kalimutan.
Handa na siyang bigyan ito ng isa pang pagkakataon. Pero umaasa na naman ba siya?
Nagbihis na si Ulysses. He'll show her what she's missing. Siguradong this time, ito naman ang maghahabol sa kanya.