Five

1284 Words
Friday ng umaga noon kaya naman panatag si Dianne na siya lang mag-isa ang nasa bahay. Maaga kasing umaalis si Ulysses para mag-practice at may gig naman ito sa gabi kaya naman nag request siya sa supervisor na ilipat ng friday ang day off niya imbes na lunes dahil ito naman ang walang pasok. Gagawin niya ang lahat huwag lang itong makita. May pasok din sa school si Ivan kaya solo niya ang bahay tuwing byernes. So far, wala pa namang nagiging problema sa pagtira ni Ulysses. Good influence nga ito kay Ivan at hindi na lumalabas ang anak niya para maglakwatsa kasama ng barkada. Nagtataka lang siya dahil hindi niya rin nakikitang may dumadalaw sa lalaki. Wala ba itong girlfriend? Agad na pinalis ni Dianne ang isiping iyon. Ano bang pakialam niya? Sa status ngayon ng binata, siguradong nag-eenjoy ito sa atensyon ng mga magagandang babae. Matutulog sana siya nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Tinatamad siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon. "A-anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Dianne. "Pwede ba tayong mag-usap?" balik-tanong ni Matthew. Napabuntong-hininga si Dianne at niluwagan ang pinto para makapasok ito. Inalok niya ng kape si Matthew pero tumanggi ang lalaki. Hindi siguro sanay sa instant coffee. "Anong kailangan mo?" tanong ni Dianne pagkatapos paupuin ang lalaki sa sofa. Imbes na sumagot ay nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap. "Nandyan ba si Ivan?" Bahagya siyang nagulat sa tanong na iyon. Kailan pa naging interesado si Matthew sa anak nila? "He's not here. May pasok siya," matabang na sagot ni Dianne. This man is up to something at hindi siya papayag na magamit ang anak niya. Kilala niya ito. Hindi ito magiging isang mabuting ama sa isang iglap. Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Matthew. "Dianne, about your request, pumapayag na ako." Sarkastikong natawa si Dianne, "It's not a request. It's your responsiblity to support him. Required ng batas na sustentuhan mo ang anak mo. I've never asked anything from you, alam mo 'yan. Eversince he was born, ako ang kumayod para sa kanya at hinayaan kita dahil may pera ang mga magulang ko. Ngayon lang ako nanghingi dahil walang-wala ako na kayo rin ng pamilya mo ang may kasalanan. Gusto ko lang makapagtapos si Ivan. Ayokong idaan ito sa korte dahil dadagdag pa sa problema ng bata. Kaya sana huwag mo na akong pahirapan pa." "Paano ko siya susustentuhan? That kid doesn't like me," tila batang reklamo nito. "You brainwashed him para magalit sa akin at magmuka akong masama sa paningin niya. Kung sino-sino ang dinadala mong lalaki sa bahay kaya hindi siya nagkainteres na mapalapit sa akin." Pakiramdam ni Dianne ay umakyat sa ulo ang lahat ng dugo niya sa narinig, "Hindi ko siya binrainwash. Matalinong bata si Ivan. Alam niya kung sino talaga ang may malasakit sa kanya. Tsaka paano 'yan magkakainteres na mapalapit sa'yo, you never visited him at kung dalhin ko man sa'yo, wala kayong time para mag-bonding. Kapag lumalabas kayo laging kasama ang dati mong asawa at mga anak niyo. He felt left-out pero wala kang pakialam." "Of course, may iba akong mga anak. Anong gusto mo? pabayaan ko ang mga iyon?" hindi nagpatalo si Matthew. "Kasal kami ni Eunice. Mas may karapatan sa akin ang mga anak namin." Hindi na napigilan ni Dianne ang sarili na magtaas ng boses, "See? Ganyan kakitid ang utak mo at hindi mo iniisip kung anong nararamdaman ni Ivan. May sinabi ba akong pabayaan mo sila? Ang gusto ko lang naman magkaroon ng time si Ivan kasama ang tatay niya nang hindi nanlilimos. Kahit isang araw lang. Tapos ako ngayon ang pagbibintangan mo na inilalayo ko ang bata sa'yo samantalang halos magmakaawa na ako pansinin mo lang si Ivan. Huwag mo ring kakalimutan na nakagawa ako ng kalokohan at nawala sa'min ang negosyo dahil sabi mo kapag pumayag ako sa balak mo, babawi ka kay Ivan." Hindi nakasagot si Matthew. "Pero ginawa mo ba?" masama ang loob ni Dianne at hindi napigilang manumbat nang maalala ang nakaraan. "Pagkatapos mong pagkakitaan ang mga alaga ko na nawalan ng career, umalis kayo ng asawa mo sa Davao. Para ano? Para hindi mo na makita si Ivan? Atensyon lang ang hiling ko noon, hindi ako humingi ng pera. Ngayon lang, Matthew. Hindi ka naman isang kahig, isang tuka. Huwag mong pagdamutan si Ivan. Kapag nakatapos siya, hindi na ulit kami lalapit sa'yo." "Yan ang ayaw ko sa'yo," galit na sumbat ni Matthew. "Ang tingin mo sa'kin business partner. Tatay ako ni Ivan. Gusto kong maramdaman na ama talaga ang tingin niya sa akin at hindi atm na pwedeng hingan ng kailangan niya. Bakit hindi mo siya hayaang pumunta sa akin? Gusto kong malapit muna ang loob niya sa akin bago ako pumayag sa gusto mo. May damdamin din ako at hindi ako cash machine na puntahan lang kapag may pera at balewala na kapag 'di na kailangan. Huwag mong sanayin si Ivan na ganoon ang maging tingin sa akin. Let him come to me at ayusin ang relasyon namin." Ngayon gustong magsisi ni Dianne kung bakit nagkaanak pa siya sa lalaki. Tama sila, some people grow old but never mature. "Excuse me, hindi kalakal ang tingin ko sa anak ko kung iyon ang gusto mong palabasin. Ikaw nga itong ayaw mag-invest ng panahon sa kanya kung hindi ka siguradong mapapalapit ang loob niya sa'yo e. Ano tawag mo sa sarili mo? Sigurista, hindi ba? At ano pa bang gusto mo? Kahit ayaw ni Ivan noon, he would visit you para mapagbigyan tayong dalawa. Bakit ayaw mong ikaw naman ang mag-effort? Kailangan bang laging kami?" "I'm still his father," walang emosyong sabi ni Matthew. "Alam ko ang anak ang dapat magpakumbaba. Ngayon ko nakikitang hindi siya naturuan ng mabuting asal. Natuto siyang magtanim ng sama ng loob which is wrong. If he grew up with me baka napaayos pa ang buhay niya." Napapikit na lang si Dianne sa sobrang inis. Pero malalim siyang napabuga ng hangin nang maalala ang sinabi ni Ulysses. Maybe, he's right. Siguro, she was a bad mother. "Masyado kang ma-pride, Dianne. It's been a year since my marriage got annulled and I want to fix my relationship with you para na rin kay Ivan pero ayaw mo. Talaga bang sustento lang ang mahalaga sa'yo at wala kang balak mabuo ang pamilya natin?" Hindi agad nakasagot si Dianne. "Sabihin mo nga?" may halong pang-uusig na tanong ni Mattew. "Kung mahal mo ang anak mo, hindi mo ipagkakait sa kanya na magkaroon ng buong pamilya." "Kung sa'kin lang, wala kang aasahan," pagtatapat ni Dianne. "Hindi ko na kayang bumalik pa sa'yo pagkatapos ng ginawa mo. Pero open ako sa idea na magkabalikan tayo para kay Ivan. But you know what, he never asked na magkabalikan tayo. Dahil kung siya ang hihiling noon, ako mismo ang magmamakaawa sa'yo." "Na sa'yo ang desisyon. Sa tingin mo ba hihiling ng ganoon si Ivan e wala namang pakialam sa pamilya iyon dahil nasanay siyang iba-ibang lalaki ang nakikita." Napabuntong-hininga si Dianne. Kailangan niya nang tapusin ang usapan at baka hindi niya na mapigilan ang sarili at masakal niya ang lalaki. "Anyway, may lakad pa ako," pagsisinungaling niya. "Bumalik ka na lang ulit." "Huwag mong ipagkait kay Ivan ang isang bagay na hindi mo naranasan." Bahagya siyang tinamaan sa sinabi ni Matthew. She too never had a happy family. Ipagkakait niya ba kay Ivan ang bagay na iyon? "Ako na mismo ang lumalapit tapos sasabihin mo hindi ako nag-eeffort? Bakit ba hirap na hirap kang tanggapin ako? Is there someone else? Bago pa makasagot si Dianne ay isang lalaking nakahubad na tila bagong gising ang bumaba sa hagdan. Boxer lang ang suot nito kaya naman kitang-kita ang magandang katawan na halatang alaga sa gym. Dahil nasa isang sulok ang sala, hindi agad sila napansin nito. Nagtungo ito sa ref at kumuha ng tubig. Napapikit na lang si Dianne habang hindi makapaniwala si Matthew sa nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD