Naimbitahan ang banda sa isang rock festival sa bayan kaya naman todo practice sila. Marami rin kasing mga sikat na pupunta. Sila ang first performer kaya naman maaga pa lang ay nagpunta na sila sa venue. "Galingan niyo, mga anak," sabi ni Pete na pumunta roon para manood kasama ni Vanna. Nasa backstage sila at naghihintay na tawagin ng emcee. "Yes, boss," sabay-sabay nilang sagot. "Good luck, guys," sabi naman ni Dustin. Agad na nagpaalam ang mga ito nang marinig ang pagtawag ng emcee. "Let's all welcome, Red ticket band!" Nakita pa ni Ulysses na umalis ang dalawang lalaki. Aakyat na sana siya ng stage nang marinig ang pagtawag ni Dianne. "Ulysses." Lumingon siya at hindi na siya nakailag nang masuyo nitong guluhin ang buhok niya. "Mas bagay sa'yo magulo buhok," seryosong sabi n

