“Mate,” masayang lumapit si Kiko nang makita siya sa entrance ng club. “Long time no see ha.” Hindi niya na inaya si Greg dahil may date ito. Isa pa, matagal niya nang hindi nakaka bonding si Kiko. “Anong oras kayo mag-peperform?” tanong niya at tinawag ang waiter para umorder ng beer. “Mamaya pang eight.” Inaya siya nito sa table ng mga kasama na magiliw naman siyang binati. Saglit niyang inilibot ang paningin sa paligid. Karamihan doon ay mga kabataan. Medyo tipsy na siya nang magsimula ang performance ng banda nila Kiko. Iinom sana siya ng beer nan biglang may dumaan sa likod niya at natabig iyon. Bahagyang natapon ang beer. Buti na lang hindi natapunan ang t-shirt niya. Original pa naman iyon at bagong bili. “Ano ba?” asik ni Ulysses. “Sorry,” tumawa lang ang mga ito at tila wa

