Masayang-masaya si Dianne habang magkahawak-kamay sila ni Ulysses na namamasyal sa dalampasigan. Nasa private front naman sila ng kwarto ni Ulysses kaya panatag siyang walang makakakita sa kanila. Okay lang. Tanggap naman niyang hindi siya nito kayang ipakilala sa publiko. Binitawan ni Ulysses ang kamay niya at huminto sa paglalakad. Napatingin siya rito nang umupo ito sa buhanginan. Tumabi naman siya. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila. It was Dianne's dream before. Ang makasama si Ulysses na mamasyal sa dalampasigan. "I bought Fish Island records dahil alam kong mahalaga iyon sa'yo," basag ni Ulysses sa katahimikan. "Di ba nangako ako sa'yo na tutulungan kitang mabawi iyon? Hindi mo man lang nahintay na magawan ko ng paraan." "I'm sorry," sinserong pahayag ni Dianne. "I le

