DUMATING ang araw ng paglipat ni Kola sa isang high end condo. Malaki ang unit na may isang kwarto, moderno ang hitsura n'on mula sa walls na may neutral color at sa laminated wood flooring nito, hangang sa mga gamit na naroon. Bawat detalye ay tila pinag-isipan, ngunit agad na mapapansin na lalaki ang may-ari ng unit na 'yon dahil sa gayak. Sa isip ni Kola ay tila napakaganda at komportableng manatili doon. Iyon din ang kauna-unahang beses na nakatuntong siya sa isang condo. "You'll stay here as long as I want you to." ani demus sa malamig na tinig. Ito mismong naghatid sa kaniya doon. Lihim na nasaktan ang dalaga sa tinuran nito at lakas loob na walang prenong sumagot kay Demus, "Hangang gusto mo? Paano kapag ayaw mo na? Goodbye, Kola na?" Nilingon siya ng binata. Madilim ang bukas n

