IMBES na sagutin ni Rain ang tanong ni Kola ay ngumiti lamang ito at naiintindihan naman ng dalaga kung bakit ayaw nitong sabihin kung sino ang first love nito, siyempre hindi pa naman sila ganoon ka-close. "Ikaw? Single ka or married na?" Si Rain naman ngayon ang nagtanong. "Still single and halos kakabreak lang sa long time boyfriend ko," ani Kola sa mahinang tinig. Tila nagkaroon ng simpatya ang mukha ni Rain. "I'm sorry about that. Mukhang mahal mo pa ex mo. Tama ba ako?" Ngumiti si Kola ngunit bakit tila hindi niya masagot ng diretso ang tanong ng kaharap. Kung noon at may magtatanong ay agad niya 'yon sasagutin, bakit ngayon ay parang di na siya sigurado? Unti-unti na ba siyang nakaka-move on? "Kola?" "A-ah, ano na nga kasi ulit ang tinatanong mo?" Aniya na tila bumalik sa real

