NANG maramdamang tulog na si Demus ay mabilis na bumangon si Kola mula sa kama, medyo masakit ang katawan niya, lalo na ang kaniyang p********e dahil ilang beses siyang inangkin kanina ni Demus, wala nga yata itong balak tigilan siya kung hindi lang ito napagod. Mabilis niyang sinuot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig, pinulot niya maging ang kaniyang salamin na buti na lang hindi ay nabasag. Muli niyang nilingon si Demus na nakadapa sa kama at nakatakip ng comforter ang ibabang parte ng katawan nito. Nilisan niya ang mansion ni Demus kahit hindi pa tuluyang sumisilip ang araw sa kalangitan. Dahil exclusive subdivision iyon, nilakad niya hangang guardhouse, buti na lang at nakilala siya nito na kasama ni Demus. Nagpatulong siya sa guard na makahanap ng masasakyan hangang sa kanila.

