THIRD PERSON’S POV Tahimik na nakamasid si Thiago sa veranda ng kanyang kuwarto. Nakaupo sa kanyang wheelchair. Pagkatapos ng accidente ay nagising na lamang siya nasa hospital na siya. Tandang-tanda niya ang lahat ng nangyari bago pasabugin ni Eldon ang bangka na sinasakyan niya. Nawalan ng pandama ang kanyang mga paa at tuluyan siyang naging baldado. Habang hindi pa rin siya nakakapagsalita dahil naapektuhan ang kanyang utak sa pagsabog. Nasunog din ang ilang bahagi ng kanyang katawan. Sinabi ng Doctor kay Tanita na maaring maging baldado na siya habang buhay. Bagay na labis na ikinasaya ni Tanita dahil hindi na niya kailangang putulan pa ng mga paa si Thiago. Pinalabas ni Tanita na patay na ito upang hindi na sila hanapin pa ni Keyla. At dinala siya nito sa Sweden. Pagkatapos ay lumi

