Nagising si Keyla dahil sa ingay na nasa paligid niya. Pagdilat niya ay nakapalibot na sa kanya ang buo niyang pamilya. “Ate!” “Anak…” Nag-aalalang sambit ng mga ito. Napatingin siya sa kanyang ama dahil ang huli niyang naalala ay naghihinagpis siya sa gilid ng kotse yung nasaan ang bangkay ng tumangay kay Baby Seb. Naupo siya sa kama at muli niyang naalala na wala na sa kanyang piling ang kanyang anak kaya muling nangilid ang kanyang luha at napahagulgol sa sakit ng kanyang nararamdaman. “Anak, tama na…alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat.” Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ng kanyang Ama. Kinuha nito ang pulang sobre sa ibabaw ng mesa na ibinigay ni Mr. X para sa susunod niyang misyon. “Anong ibig sabihin nito?” Nagtatakang tanong ni Keyla. “Open it...haha

