KEYLA Halos tatlong minuto pa ang ibinyahe namin papasok at paakyat sa bundok kung nasaan ang rest house na sinasabi ni Harvey. Malayo pa lamang kami ay tanaw ko na ang malaking bahay na napapalibutan ng matataas na punong kahoy. Bukas ang lahat ng ilaw kaya kita ang kabuohan ng bahay kahit madilim pa rin. Hindi kami nahirapan dahil semento naman ang daan. Tumigil kami sa harapan ng bahay at bumaba na rin kami. Naunang pumasok si Harvey sa loob at pinagtulungan nilang ibaba ang stretcher kung saan nakahiga ang wala pa ding malay na si Thiago. “Ipasok niyo na si Thiago.” Utos niya sa mga medical team na kasama din namin bukod kay Doc Alvin. Hinayaan ko munang magmasid sa paligid si Nara at Isaiah dahil sinigurado ko munang maayos ang kuwarto na pagdadalhan sa kanya. Yun din kas

