KEYLA Kung hindi narinig ni Nara ang usapan ni Thiago at Harvey hindi ko sana malalaman ang plano nito. Ngunit dahil nagdalawang isip si Nara na sabihin yun sa akin dahil sa sinabi nito ang tungkol sa espiya na kasama lang namin kaya naging maingat din siya. Mabuti na lamang nagising ako at eksaktong naabutan ko siyang naghahanda para sundan si Thiago. Kinausap namin si Harvey at pinilit ko pa siya para puntahan lang si Thiago ngunit huli na…nahuli na siya ng mga pulis dahil sa pagbaril niya kay Tanita. At ngayon sinusundan namin ang police car kung saan siya lulan. “Nara, puwede mo bang tawagan si dad, Tito Nathan or hindi kaya si Mr. X? Baka sakaling matulungan nila kami ni Thiago.” Nag-alalang sabi ko sa kanya. Ayokong makulong si Thiago. Ayokong mag-isa kong ilalabas ang anak nami

