Chapter 63

1474 Words

THIAGO After one week ay nahatid na rin namin sa sementeryo ang labi ni Cherry. Sa isang malawak na sementeryo namin siya dinala halos ilang metro lang ang layo nito sa libingan ng magulang ni Harvey. Lahat ng tauhan ko ay naka-puwesto sa hindi kalayuan upang magbantay. Tangan ang matataas na kalibre ng baril upang masiguro namin ang kaligtasan ng bawat isa. Habang pinapanuod namin ang paglalagay ng pangalan sa kanyang libingan ay naramdaman ko ang pagtunog ng phone ko. Dumistansya muna ako sa kanilang lahat at nagtungo ako sa likod ng puno. Ang mga kapatid lang ni Harvey ang wala dito. Dahil walang maiiwan sa rancho. “Hello?” “Thiago, magkita tayo mamayang gabi sa global port Tacloban. Ikaw lang at walang iba. Subukan mong magsama ng iba. Malalaman mo kung ano pa ang kaya kong gawin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD