Copyright 2021 By: @c_sweetlady
All Rights Reserved
Disclaimer: This is a work of fiction, Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons Living or dead or actual events is purely coincidental
Chapter 1
Chie's Pov
Ako po si Chie Sandejas. 17 years old. First year college, salukuyan nag-aaral ako sa Guavas University na pag-aari ni Jake Guavas
Habang papasok pa lamang ako sa loob ng campus, may narinig akong mga sigawan.
Hindi na ako nagugulat na sikat ang grupo ni Jake, sapagkat ngayon ay pinagkakaguluhan na sila ng mga kababaihan. Kaya't kahit malayo ako, naririnig ko ang ingay ng kanilang boses.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad nang mapalapit ako sa kanila.
Napahinto ako nang nakatitig lang sa kanila.
Hindi kasi ako makaalis ay dahil lahat sila nakaharang, lalo't na sa gitna pa si Jake.
Totoo naman, hindi maikakaila na guwapo si Jake at matangkad pa, kaya't maraming kababaihan ang humahabol sa kanya. Napahiling na lamang ako sa kanila.
Ano’ng nakita nila sa grupo na ito saksakan naman na bully sa mga tao walang kalaban-laban.
Nang dumaan ang lalaki, hindi niya sinasadyang mabangga si Jake.
Nakayuko lang ang lalaki nang biglang siya'y mabangga nang malakas ni Jake. Natumba ang lalaki sa sahig.
Napatingin lang ako sa kanila ay wala man lang tumulong at pinagtawanan pa nila ito.
Habang ang tingin ko ay masama kay Jake, siya naman ay tahimik na nakatitig sa lalaki nang tila hindi niya ikinakahiya ang kanyang ginawa.
Sabagay, sana'y naman ako kay Jake, bata pa lang kami ay bully na siya.
Hindi ko napigilang lumapit at tinulungan ang lalaki na bumangon. Mukhang nasaktan siya nang malala nang madapa, kaya't hindi siya makalakad. Hinalalayan ko siyang magtungo sa klinika.
Nang makarating na kami ay pinaupo ko siya, habang hinihintay ang nurse na gagamot sa kaniya.
Bigla akong nangalay, ngunit hindi ko pinakita sa lalaki na masakit ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya ng may seryosong ekspresyon.
Bakit hindi siya lumaban? Bakit pinabayaan na lamang niyang apihin siya? Duwag ba siya? Lalaki ba siya? Sabagay, mahirap kalaban si Jake, lalo na't siya'y may kilalang pangalan at may-ari pa ng paaralan na kanilang pinapasukan.
"Ayos ka lang?" sabi ko sa kaniya.
Sumang-ayon siya sa akin nang patango. Sa aking banda, ako’y nagmamasid lamang sa aking relo. May limang minuto na lang bago magsimula ang aking klase.
"Sige na, iwan mo na ako rito. Andito naman si nurse." Napalingon ako sa likuran ko nang mapalapit na si nurse sa'min habang nakangiti ay labas lahat ngipin nito.
Napahiling na lang ako. Babae nga naman kapag nakakita ng guwapo ay kilig nang husto.
Sa bagay, ang guwapo naman ang lalaki kung pagmasdan mong maigi.
"Pasensiya na po, may klase pa po kasi ako. Puwede ko po bang iwan sa inyo ang aking kasama?" ang aking sinabi sa nurse.
Habang ang nurse kinilig sa sinabi ko. Nagpaalam na ako sa kanila ay nagmamadali ako pumasok.
Buti na lang ay nakasalubong ko ang propesor namin na si Ma'am Anne.
Binati ko si Ma'am Anne. Napakabait nitong propesor namin.
Siya ay ang propesor namin sa P.E., at kasalukuyan pang nakangiti si Ma'am Anne.
Napatitig tuloy ako sa mukha ni Ma'am Anne,napansin ko ang lalim ng kanyang dimples at mayroon siyang matangos na ilong, at medyo may makapal na kilay.
Ito ay isang bagay na inaasam ng maraming kababaihan – ang may medyo makapal na kilay, matangkad, parang isang modelo na tila handang lumaban sa Miss Universe, maganda at may kakayahang magbihis nang maayos.
Nagulat na lang ako nang tapikin ako ni Ma'am Anne.
Sa hiya ko ay bigla ako nakatalikod at aking sinampal ang aking sariling mukha. Nakayuko ako habang nagpaalam kay Ma'am Anne, at nauna pa akong umalis.
Palapit na ako sa assign chair ko nang mapatigil akong nagulat sa tabi ng chair ko si Jake.
Hindi ko siya kayang tingnan pakiramdam ko ay may nagawa akong mali sa kan'ya.
Nakatitig pa siya sa'kin, kinabahan tuloy akong umupo.
Natakot ako. Baka sakaling maging biktima ako ng kaniyang pang-bubully. Kahit na magkakilala kami, never pa akong lumapit at makipag-tsismisan sa kaniya.
Nang makita ko si Ma'am Anne na papasok na sa aming silid-aralan, hindi na ako nag-atubiling umupo sa tabi niya.
Sa buong haba ng talakayan ni Ma'am Anne, tila wala akong naintindihan, hanggang sa umalis na siya.
Takot at kaba ang nadama ko tuwing kasama ko si Jake, at ito'y nanatili hanggang sa mga sumunod na propesor. Gano’n pa rin ang nadama ko, na kahit isa sa mga itinuro sa amin ay wala akong naintindihan.
Bigla akong nagutom.
Nauna akong lumabas, hindi ko kayang makita si Jake at ang mga grupo nito.
Lumabas ako ng campus nang makakita ako ng malaking puno sa labas nito. Napalapit ako roon dahil sa magandang kapaligiran, kaya't doon ako nagtambay at naglunch. Araw-araw ay may dala akong baon at doon kumakain.
Hindi ako nakikipag-kaibigan ay dahil takot ako sa nakaraan.
Magpahinga muna ako ng ilang oras nang tumunog ang phone ko, kaya naman ako’y nagulat.
Napatingin ako sa relo ko, 10 minute na lang pala ay 1pm na.
Bumalik na ako sa campus nang bigla akong nagtaka ay lahat sila masama ang tingin nila sa'kin.
Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Nang biglang may mga babae na humila sa akin na hindi ko kilala.
"Ang tapang naman na banggain mo ang F7," sabi ng babae na naka-red na jacket.
Ang init-init na nga nakajacket pa ito, sabi ko na lang sa isip ko.
Hindi ko na lang siya pinansin. Walang mangyayari kung papatulan ko sila tulad noon.
Bigla akong nag buntong hininga.
Ihahakbang ko lang ang paa ko, nang bigla akong sinabunutan ng naka-white.
Sa tangkad niya ay hindi ko siya kaya.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko.
Narinig ko ang bawat tawanan nilang lahat.
Unti-unti kong minulat ang mata ko nang makita ko sa harap ko ang F7.
Seryoso lang silang na nakatingin sa'kin.
Ang tanging nagawa ko na lamang ay mapalunok habang papalapit sila sa akin, ngunit nagulat ako nang bigla na lang nila akong lampasan.
Nagmamadali akong umalis nang makita kong papalayo na sila sa akin.
Pumasok na ako sa room nang bigla ako napatigil. Oo nga pala! Katabi ko nga pala si Jake. Ang malas naman ng araw na ito ay iyong taong iniiwasan mo ay siyang makakatabi mo pa.
Kinuha ko na lang ang note ko para sa exam namin sa math, mahina pa naman ako rito.
Bakit kasi Civil Engineering kinuha ko? Wala kasi akong choice ito kasi gusto ng parent ko. Ako naman taga sunod sa kanila. Ayaw kong matulad sa ate ko ng minsan suwayin niya ang parent ko.
Pabalik-balik ako sa note ko, inaral ko ang bawat formula ay may humila sa note ko.
Napatingin ako sa likuran ko si Raygie na nakangiti lang siya. Sa grupo nila tanging si Raygie lang ang mabait.
"Pahiram ng note mo?" sabi ni Raygie. Tumango na lang ako sa kan'ya
Wala naman akong magagawa, hawak niya na ang note ko.
Napatingin si Jake ng masama sa'kin. Problema nito, sabi ko na lang sa isip ko.
"Thank you, alam ko na ang isasagot ko." Sabay kindat ni Raygie.
Iyong mga mukha ng mga kaibigan niya tawang-tawa pa sila.
"Tangina Raygie, Iba ito ah! Mukha may target ka na man Chick," sabi ni Roy.
Ang pinakabata sa group, 17 pa lang ang loko. Napatingin ako kay Roy, tanging tawa lang siya.
"Gago" sabi ni Raygie.
"Hindi ba puwedeng nakihiram lang?" Pinagtawanan siya ulit ng mga kaibigan niya habang si Jake ay nakabusangot ang mukha nito.
"Huwag kami, style mo bulok," sabi ni Rom sa kaniya.
Napapatingin lang ako sa bawat usapan nila.
"Stop!" sigaw sa kanila ni Jake.
Nagulat ako sa sigaw niya.
Bilang na tahimik ang mga loko.
Nasa harap ang tingin ko, habang naghihintay ng prof namin.
Ang tagal naman ng prof namin.
Hindi ko alam. Ano ba ‘tong nararamdaman ko, parang naiihi ba ako, o hihimatayin dahil sa katabi ko.
Naghintay kami ng 5 minuto, ngunit wala pa ring dumating na propesor namin. Hanggang sa may isang estudyante na pumasok at ipinaalam na hindi papasok ang aming propesor ngayong hapon.
Nang marinig ko ito ay hindi ko mapigilan na mag-yes nang mahina.
May sinasabi ang lalaki, ngunit ang tanging narinig ko lamang ay ang pangalan ni Jake. Pinapapunta siya sa opisina dahil siya ang SSG President namin.
Napatingin lang ako kay Jake, habang paalis siya.
Napatingin ako sa mga kaklase ko laking tuwa ng mga ito.
Ako naman paalis na nang maalala ko ang lalaki na dinala ko sa clinic.
Pinuntahan ko siya, pero sabi ng nurse sa paggamot sa kaniya ay may kumuha sa lalaki.
Kilig pa kini-kuwento ng nurse labas kasi ang ngipin niya sa kilig.
Nagpaalam na ako kaniya dahil aabutin kami ng gabi kung hindi ko siya iiwan, umuwi na ako ay dahil maaga pa lang pumunta muna ako sa flower farm namin na pag-aari ng parent ko.
Tumulong ako sa kanila, itong ang aming munting negosyo.
"Bilib ako sa'yo anak, kinaya mo ito. Na dapat magpahinga ka na?" Nginitian ko lang si Aling Martha.
"Tama si Aling Martha. Kailangan sa tulad mo nagpapahinga rin pa minsan-minsan."
"Opo," sabi ko na lang kay Mang Pedro.
Napatingin ako sa phone ay 5:30 na pala.
Kaya naman pala nakaramdam na ako ng gutom. Nagpaalam na ako sa kanila. Naglalakad ako nang nakasalubong ko ang parent ko, lumapit ako at nag-mano ako sa kanila.
"Mabuti nandito ka na, wala kasi nag-deliver. Puntahan mo Mrs. Guavas, order niya ito." Tumango na lang ako kay mommy.
Kinuha ko ang flowers para kay Mrs. Guavas. Kinuha ko ang bike ko bago ko pinuntahan ang bahay ni Mrs. Guavas.
Sana'y na akong lagi rito sa mga Guavas tuwing sabado at linggo ako nag-delivered sa kanila.
Madalas ko makikita ang Kuya ni Jake.
Ang macho ng kapatid ni Jake.
Madalas kasi ay mag-isa na naglalaro ng basketball ang kuya ni Jake, tapos wala pang damit ang kuya nito.
Nag-doorbell na ako nang bigla ako natulala ng makita siya.
Ang alam ko ay na sa school pa siya.
Nagulat ako, si Jake ang nagbukas.
Napa-atras akong bigla, hindi ako makatingin sa kaniya, nanginginig pa ang kamay ko, at unti-unti na lang ay mabibitawan ko na ang hawak kong bulaklak.
"Anong?" sabi niya.
Nakaangat ako sa kaniya. Ang sama niya kung makatingin.
"Akala ko, mamaya ka pa." Ewan ko ba bakit iyon ang na sabi ko o dahil sa kaba ko.
Tinawanan niya lang ako.
"Bakit hinihintay mo ba ako? Para sa akin ba ‘yan?" Doon lang ako natauhan.
"Ah!" sabi ko sa kan'ya.
"Ah!" inulit niya sinabi ko.
"Oh! Chie, nandito ka na pala. Ayan na ba iyong bulaklak." Napalingon ako kay Yaya palapit sa'min.
"Opo." Sabay bigay ko kay yaya.
Tinalikuran ko na si Jake, napa-sunod ako kay Yaya.
Tinulungan ko si Yaya maglagay ng bulaklak sa bawat vase.
Pagkatapos nagpaalam na ako kay Yaya.
Hindi ko nakita ang mommy ni Jake.
"Pasensiya na Chie, kung hindi na kita ma ihahatid."
"Ayos lang po." Lumabas na ako nang may humila sa'kin.
Seryoso niya akong tinitingnan.
Ako naman ay natakot halos magkadikit na ang mukha naming dalawa habang nakatingin pa rin siya sa'kin.
"Sa lahat ng sumuway sa'kin may parusa. Kaya, kung ako sa'yo, humanda ka na bukas." Sabay talikod niya.
Kinalma ko sarili ko bago ako umalis.
Tulala ako tumuloy sa bahay.
"Hoy! Ate, problema mo?" Napatingin ako kay bunso.
Si bunso 16 taong gulang pero katulad ni Jake isip bata.
"Lutang ka?" sabi niya sa'kin.
"Wala, gutom lang ako." Tumango lang si bunso.
Deretso ako sa kusina kanina pa ako gutom.
Nang matapos kong kumain.
Iniwan ko si bunso, ang bagal kasing kumain eh! Siyang ang mag-huhugas nang kinainan namin.
Ako naman ay pumunta na sa kuwarto, napaisip ako sa sinabi ni Jake. Tumuloy lamang ako sa Cr at naligo.
Pagkatapos kong maligo, dahil sa pagod ako ay nagpahinga na ako at natulog.