Chapter 2

1499 Words
Chapter 2 Jake's Pov" Bilis Manong," sabi ko kay Manong ng matanaw ko si Chie papasok na sa gate. "Nagmamadali." Pilosopo sabi ni Manong. Hindi na lang ako nagsalita. Nang makarating na kami. Hindi ko na natanaw si Chie. Nagmamadali ako lumabas. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Manong ang bagal kasi. Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad. Nainis ako ng may kausap si Chie ibang lalaki. Nagmamadali ako lumapit sa kanila. Pagkakita sa akin ng lalaki bigla na lang siya umalis. Hinarap ko si Chie, hinagis ko sa kan'ya laptop ko. "Ingatan mo iyan, malalagot ka sa akin." Sabay talikud ko sa kan'ya. Palihim ako nakamasid kay Chie, hirap na hirap siya. Alam ko may hawak siyang tatlong libro sa kamay niya. Gusto ko lang siya, makita ito lang paraan, para mapansin niya ako kahit nahihirapan siya. Nakangiti ako palihim. Nang hindi ko na natanaw si Chie. Napasandal muna ako sa may puno. Tangina naiinis na ako sa mga babaeng pabebe. Araw-araw na lang nakadikit sa'min. Nakatanggap ako text galing kay John. "Hoy! Saan ka na? Andito na kami gago ka, kahit kailan late kang gago ka." Tangina John na ito walang matino itetext. Anong laging late. Maaga ako pumasok tamad lang ako pumasok sa room. Kinuha ko sombrero nakayuko ako habang naglalakad para hindi mapansin ng mga babae. Nakarating ako sa room namin. Una kong tinanaw si Chie. Lumapit ako sa kaniya. "Iningatan mo ba laptop ko? Alam mo ba halaga ni---?" "Alam ko," inunahan niya ako sasabihin ko. "Mabuti alam mo. Pakipaypayan mo nga ako. Tangina ang init." Hindi nagsalita si Chie. Kinuha niya notebook niya sa harapan niya. Pinapaypay niya sa'kin. "Hanep! Kami rin," sigaw ni Roy." Gago kayo, ako ang may karapatan umutos sa kan'ya. Lumayo kayo sa kan'ya." Natigil pag-uutos ko kay Chie ng may prof. Na dumating. "Isulat mo nga ako." Sabay bigay ko sa kan'ya ng notebook. Naiinis na ako sa kaniya. Kahit anong utos ko sa kan'ya, hindi pa rin siya nagsasalita. Sinunod niya utos ko? Ganoon ang ginawa ko sa lahat ng subject. Siya taga sulat ko. Matapos ang lahat ng subject. Napatingin ako sa kan'ya. Aalis na siya. Hinawakan ko kamay niya. Ito first time na nahawakan ang kamay niya. "Sasama ka sa akin. Sinong magdadala nitong laptop ko." Hindi pa rin siya nagsalita. "Tara na!" sigaw ni Raygie. Kahit kailan talaga matakaw isang ito. "Mauna na kayo! Sunod na lang kami." Tiningnan lang nila ako at umalis na rin ang mga loko. Nilagay ni Chie, book niya sa kan'yang bag. Nakita ko paano si Chie nahirapan? Tatlo ba naman libro dala niya tapos medyo maliit pa ang bag niya. Habang si Chie, maingat na dinadala laptop ko. Nang makapunta na kami sa canteen. Ang dami inorder ng grupo. "Kain na tayo?" sigaw ni Raygie. Nakaupo ako sa tabi ni Raygie. Habang si Chie nakatayo sa likuran ko. "Oh! Hindi ka pa umupo? Pagsisilbihan ka pa?" "May baon ako, atsaka puwede na ba ako umalis," mahinahon sabi ni Chie. "Ang dami namin inorder sayang naman. Sabay hila ni Raygie sa kan'ya. Magkatabi ang dalawa. Gusto ko sapakin ang kaibigan ko. "Nawalan na ako ng gana." Sabay tayo ko. "Gago sinong magbabayad nito," sigaw ni Roy sa'kin. "Si Chie, magbabayad niyan. Napatingin si Chie. Hindi na siya nagsalita. Tinawag niya kahera nasa 7000 lahat ng gastos. Kinuha niya, wallet niya. Binilang niya ramdam ko kulang pera niya. Nakatingin siya sa'kin. Hinintay ko siya magsalita, pero bigla na lang kinuha ni Raygie, wallet niya at binilang laman ng pera 5000. "Ako na sa 2000. Ibinalik ni Raygie wallet sa kan'ya. Hinila ko si Chie palabas. Hindi ko alam saan ko siya dadalhin. Gusto ko lang sigawan siya pero hindi ko magawa ng maramdaman ko nanginginig na siya. Napabitaw ako. Tinalikuran ko na si Chie. Dahil Friday, ngayon. Tuwing Tuesday at thursday half day lang pasok namin. Tenext ko mga kaibigan ko. Pumunta kami sa isang Teen bar na madalas namin puntahan exclusive para sa Guavas University lang puwede pumasok. Nasa rooftop ako habang hinihintay ko mga kaibigan ko. Ang dami ko na nainom wala pa rin ang mga loko. "Sabi ko na nandito ka." Napalingon ako. Kilala ko boses niya. Simula ng hiwalay kami hindi ko na siya nakausap. Anong ginagawa niya rito? Ngayon ko lang siya nagpakita kahit na sa iisang campus lang kami. Ngayon lalapit siya parang balewala lang sa kan'ya. Niloko niya ako at sinaktan. "Jake." Napalingon ako sa sigaw ni Roy. Si Roy lang tanging seryoso sa'min kung bakit siya pinaka-suwerte sa aming sa love life. Lumapit sila sa'min ni Joana. "Anong ginagawa mo rito Joana." Seryoso sabi ni Roy, nakakunot noo. "Masama kumustahin ang kaibigan niyo at makipag-usap sa kan'ya." Sabay alis ni Joana sa'min. Pagkaalis ni Joana, lahat silang lahat masama nakatingin. Nangako ako, hindi na ako, magpakatanga. Kaya nga hindi ako naniniwala sa forever. Kung meron man forever bakit nasasaktan ako. "'Wag mo sabihin nakipag-balikan ka sa kan'ya. Kaya todo text ka sa amin na magdali pumunta rito, iyon pala ito makikita namin." "Pinagsasabi mo Rom. Hindi ako nakikipag-balikan sa kan'ya. May gusto akong tao." Natampal ko bibig ko. Tangina lahat sila nakatingin sa'kin. Bakit iyon ang nasabi ko. Ito kasi si Rom ang daldal. "Wait may gusto kang iba! Lilinawin ko lang ah!" "Tangina Rom hindi ka naman bingi. Lahat kami nakarinig." "Gago ka Rafael." Ang ending silang nag-away. Buti na lang nakalimutan nila sa kakulitan ni Rafael. Si Rafael lang taong pa easy-easy lang walang sineseryoso. Iniwan ko sila mahirap na may masabi ako. Tangina alak ito pahamak sa'kin. Sa isang sulok ako ng matanaw ko liwanan ng kalangitan. Para kami ni Chie ang hirap niya abutin. Tanging magawa ko si tanawin siya sa malayo na tulad nito ginagawa ko. Nakatingala ako sa kalangitan pinagmamasdan ang mga bituin na sana madali lang sungkitin. "Alam mo Jake, mahirap itago ang nararamdaman. Hala ka! Malay mo isang araw wala na siya sa tabi mo. May mahal siyang iba." Tangina hindi ko nagustuhan ang bawat bibitawan niya salita nakatawa pa siya. Hindi ko mapigilan nasapak si Raygie. Tangina sa aming dalawa siyang magbago. Napatingin si Raygie sa'kin ng masama. "Alam mo Jake, kung may gusto sa ako sa isang girl. Wala nang patumpik-tumpik pa ligawan ko agad. Ngayon parang may gusto akong ligawan si Chie." Nang marinig ko pangalan ni Chie. Gusto ko siyang bugbugin pero hindi ako magawa. Hindi pa ito ang tamang panahon. Mahal ko siya pero hindi ko kayang napapalapit siya sa'kin. Ayaw ko siya madamay sa gulo ko. Kahit noon pa man highschool kami gustong-gusto ko siya lapitan pero hindi puwede mapapahamak siya sa gulo namin mga kaibigan. "'Wag si Chie, walang ibang puwede mag-utos sa kan'ya ako lang" sabi ko sa kan'ya sabay talikod ko kay Raygie. Narinig ko tawa ni Raygie. "Jake! Masyado kang halata. Wala naman nag-uutos ah! Ikaw lang nagpapahirap kay Chie noon pa man sa mga naging kaibigan niya. Ikaw ang may kasalanan kung bakit wala siya kaibigan dahil sa'yo." Tangina sumunod siya para ipag-mukha niya sa'kin ang nakaraan. Tangina ginawa ko iyong kay Chie dahil deserve ng mga itinuturing niya kaibigan. Ginagamit lang siya dahil alam nila malapit ako sa kan'ya kahit na sabihin hindi kami nag-uusap pero ang pamilya ko at pamilya ni Chie malapit na magkaibigan. "Stop!" sigaw ko sa kan'ya. Tawang-tawa ang loko. "Of fine! Suko na ako, pero hindi sa lahat ng oras maitatago mo sa kan'ya lahat ng ito."" Tangina gagawin ko lahat maprotektahan ko lang siya. Mahirap ba iyon." "Oo, dahil kahit sino mapapatanong. Ikaw ba naman iwan ng walang dahilan at iwasan ng parang walang pinagsamahan." Nanahimik ako sa sinabi ni Raygie. Lahat gagawin ko kay Chie. Masakit pero ito ang tama kasya naman bulag siya sa totohanan na ginagamit siya. "Hindi mo alam nararamdaman ko." Ang loko napaluhod pa sa katatawa. Gago ito kanina pa siya. Malapit na ako mainis sa kan'ya. "Tangina hindi alam. 'Wag kami Jake. Kilos mo pa lang alam na namin. Goodluck sa kung ano man pinaplano mo." Sabay talikod niya. Naiwan ako tulala napaisip. Ang dami ko na kasalanan kay Chie, pero hindi ako nagsisisi dahil alam ko tama ginawa ko. Mas ok na wala siyang kaibigan kaysa naman ginagamit lang siya. Nararamdaman akong hilo. Bumalik ako sa mga kasama ko. Mukhang lasing na silang lahat. Ako naman nagpaalam na sa kanila. Hindi naman ako na bahala kahit lasing na sila, alam ko maiiwan sila rito dahil may nakalaan sa kanila sakaling malasing sila. Bago ako umuwi kinausap ko guard kapag lasing na mga kaibigan ko, wag nilang hahayaan magmaneho ng lasing kung magmatigas buhatin nila at ikulong sa kuwarto. Tumango sila sa akin. Ako naman umalis na. Hindi na ako nagtataka wala na naman silang lahat dito si Kuya Jaydee may sarili ng bahay minsan lang ang loko nakitulog dito ang parent ko pabalik-balik sa cebu. Sana'y na akong mag-isa. Tumuloy na ako sa kuwarto ko. Napadapa ako sa kama ng nararamdaman akong hilo pinikit ko na mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD