Chapter 3

1549 Words
Chapter 3 Chie's Pov Hiningal ako ng mapatigil ako sa harap ng campus. Loko kasi kapatid ko, pinakialaman ang alarm clock ko tuloy muntik pa ako malate sa ginawa niya. "Nag-jogging ka ba papasok?" Nagawa pa magbiro ni Kuya Guard. Nakangiti pa siya sa'kin. Nginitian ko rin si Kuya Guard. Sa tingin ko, magka-age lang kami ni Kuya Guard. Minsan ko na kasi siyang nakausap about sa life ni Kuya Guard. Kailangan niya tumigil sa pag-aaral alang-alang sa nakakataas sa kan'ya dahil isang taong na lang gagraduate na kuya niya. Sobra akong humanga sa kan'ya. Napakabait at inuuna kapakanan ng iba. "Sige po Kuya Guard, pasok na po ako" "Ingat ka lagi." Tumango na lang ako magka-sabi ni Kuya Guard. Nagmadali na akong maglakad ng may sumalubong sa'kin iilang estudyante. Ang iba pinag-babato ako ng mga papel na pinag-lulukot nila. Hinayaan ko na lang sila. Narinig ko sigaw nila ang landi mo. Nang mapadaan ako sa may hagdan na siyang daanan sa department may tatlong girl na humarang sa'kin. Napatigil ako seryoso nakatingin sa kanila. Nang may lumapit sa'kin. Naaalala ko saan ko siya nakita. Mukha kasi familiar siya sa'kin. Nagulat na lang ako ng pag-sasampalin niya ako magkabila dahil sa hindi maayos pagtayo ko. Napaupo ako sa sahig. Tawang-tawa pa sila nakatingin sa'kin. Sumosobra na sila. Wala akong ginawa sa kanila. "Iyan kasi napapala sa mga taong malandi," sabi nakared daig pa floorwax sa lipstick. "Anong gagawin natin Joana sa kan'ya?" Napatingin ako sa sinabi nila Joana. Siya iyong Joana girlfriend ni Jake. Naalala ko paano niya niloko at pinaiyak si Jake. Tumayo ako lumapit sa kan'ya. Hindi puwede magpa-api ako sa kanila. Kung anong ginawa ni Joana sa'kin gano'n din ginawa ko sa kan'ya. Isang magkapares na sampal binigay ko sa kan'ya sabay tulak ko. Ang siyang dating ng F7 nakita niya paano natumba si Joana. Todo arte si Joana ng makita niya si Jake. Ako naman bigla natakot. Iba tingin nila sa'kin. "Nakipag-kaibigan lang ako sa kaniya. Tinulak niya ako. Ganito ba mga estudyante mo?" Todo sumbong ni Joana. Best actress ang loka-loka. Nagulat na lang ako ng bigla ako hilahin ni Jake. Napa-sunod ako sa kan'ya. Napatingin ako kay Joana? Nangisi pa ang loka-loka. Sa bawat paghawak ni Jake sa kamay ko nasasaktan ako. Tiniis ko bawat sakit ng mapansin ako nandito kami sa office niya. Tahimik lang ako kapag si Jake kaharap ko hindi ko magawang magsalita. "Linisin mo ang office ko. Hindi ka aalis hangga't may dumi nagkakaintindihan ba tayo?" Tumango na lang ako. Kahit na may pasok kaming buong umaga, hindi ako pumasok. Umalis na siya. Kinuha ko na lang walis tambo. Winalisan ko ang bawat sulok para wala siyang masabi. Pagkatapos iyong sa table niya nilinis ko at inayos ko. Nakakalat kasi mga file tinabi ko lang kung sakaling hanapin niya nakikita niya. Iyong lagayan ng ballpen, inayos ko. Iba-iba na kasing posisyon may nakahalo ng ibang kulay. Inayos ko ulit sa isang kulay. Last ko nilinis ang C.R nilinis ko hanggang sa napagod ako. Tumayo ako bumalik sa office dahil sa nakaramdam ako pagod hindi ko mapigilan umupo. May chair kasi para sa mga bisita, doon ako napaupo pinikit ko na mga mata ko ng may nararamdaman ako nakatingin sa'kin. Daan-daan ko minulat mga mata ko. Sa gulat ko. Nakatayo sa harap ko si Jake, seryoso nakatingin sa'kin. Hala! Anong sasabihin ko. "Ano--kasi." Hindi ko magawa, mag-explain, nauutal ako sa tuwing kaharap ko siya. "Nagugutom na ako. Ayusin mo nga ito." Tiningnan ko ang table. Maingat ko binuksan may spaghetti, softdrink, ice cream at burger pero nagtataka ko bakit tig-dalawa binili niya. Siya lang naman kakain o baka kasama niya girlfriend niya. Isa-isa ko kinuha at maingat ko nilagay sa puwesto niya at sa katabi niya iyong isa pa niya pinamili. "Ok na po," mahina ko sabi. Masama niya akong tinitigan. "Upo," sabi niya sa akin. Nagtataka ako. Saan ako uupo. May nakita ako chair sa gilid. Kinuha ko ito tinabi sa likuran niya atsaka ako umupo. Napalingon siya sa'kin ng nakasalubong dalawang kilay. "Tanga ka ba? Anong ginagawa mo riyan?" Napatayo ako sa lakas ng boses niya. "Saan ako uupo?" Hindi ko mapigilan mapa-tanong sa kan'ya. "Saan pa ba? Tangina nagutom na ako, dumagdag ka pa. Upo! Diyan sa tabi ko." Napalunok ako kinabahan. Pasimple ako napaupo napatingin sa binili niya. Wala na akong pera. Iyong pera naipon ko para sa mga bata sana iyong nasaklaye na hindi nag-celebrate ng Christmas. One month na lang Christmas na. Hindi na ako makakaipon kahit buong baon ko hindi ko pakialam. Sapat lang pera hinihingi ko sa parents' ko. "Oh! Bakit hindi ka nakakain?" Kinuha ko spaghetti kinain ko siya. Nilapit niya sa'kin ang soft drink at burger. Ang weird? May plano ba siya laban sa'kin kung bakit siya ganito. Hindi ko magawa nguyain kada kain ko nilulunok ko. Natapos na ako sa pagkain ko. Napatingin siya sa'kin. Bigla na lang ako napayuko. "Anong nangyari sa braso mo?" Napatingin ako sa braso ko. Ito kasi naitukod ko kanina may maliit na bato na diin ko kaya sumugat siya. "Natumba lang ako kanina." Iyong lang nasabi ko. Seryoso niya ako tinitigan. "Linisin mo 'to at makakaalis ka na." Sabay alis niya ulit. Ako naman nagmamadali linisin. Baka bumalik pa siya at magbago ang isip. Nang maayos ko ng linisin. Nilock ko mahirap na may nakapasok ng iba ako pa mapagalit. Umalis na ako. Tumuloy na ako sa akin room. Ako pa lang tao ng may girl na lumapit sa'kin may binigay na 3 note. Kinuha ko nagtataka ako kanino kaya ito. Lumapit na ako sa chair ko. Binuklat ko isa note ng nagbigay sa'kin. Napanganga ako note ni Raygie. Binuklat ko. Binigay niya sa'kin para hindi ko mamiss lesson kanina. Dahil maaga pa inuuna ko sa math. Siyang una kong sinulat sa note ko. Saktong nag-silapitan mga kaklase ko. Tinago ko note ni Raygie. May isang kaklase ko lumapit sa'kin. "Napansin ko lagi kang mag-isa." Napatingin lang ako sa kan'ya. "Puwede mo naman akong maging kaibigan." Bigla ako napalingon sa harapan ang siyang pasok ng F7 pinangungunahan ni Jake. Hinarap ko ang kaklase ko. "No! Ayaw ko ng kaibigan." Napatingin lang siya sa'kin. Sabay alis. Naalala ko mga kaibigan ko tinuring pero iniwasan nila ako at iniwan ng walang paliwanag tanging sabi nila. Iwasan ko si Jake. Iyon lang sabi nila. Buong buhay ko iniisip ko may kinalaman si Jake kung bakit iniwasan nila ako, pero paano makikilala si Jake. Una sa lahat kilala ko lang siya, pero never ko pa siya nalapitan o nakausap. Hindi nga kami, friend. Ngayon lang ako napalapit kay Jake, dahil sa mga pang bubully niya sa'kin, pero lahat na iyon tiniis ko. "Bakit ni lock mo?" Napalingon ako sa kan'ya. "Anong ka---si." "Anong?" "Nilock ko, paano kung may nakapasok wala naman tao roon?" mahina ko sabi sa kan'ya. "Sa susunod 'wag mo ilolock may ilang officer pumapasok may iniiwan papeles." "Ok po." Iyon na lang nasabi ko. Ang dami niya sinabi sa'kin kahit na may prof. Sa unahan hanggang sa wala akong maintindihan hanggang sa natapos kami. Napatingin ako sa kan'ya. "May ipag-uutos na po kayo?" Sabay hagis niya sa'kin ng bag niya. "Ingatan mo iyan, bukas maayos pa rin." Hindi na lang ako nagsalita. Kinuha ko bag niya. Hindi naman, mabigat, magahan lang naman. Bago ako umalis napatingin ako kay Raygie gusto ko siyang lapitan para magpasalamat, pero hindi ko magawa. Lumabas na ako. Pasakay na ako ng may nakipag-unahan sa'kin ito ay si Raygie. Nagulat ako bakit siya sumakay mayaman ang loko ito. Anong trip niya? Tumabi ako sa kan'ya dahil siya lang may bakante upuan. Napatingin ako sa kan'ya. Nginitian niya lang ako. "Salamat," mahina ko sabi. "Wala iyon, isa pa binully ka na naman ng bugnutin namin kaibigan." "Hindi niya ako binully, inutusan lang niya ako." "I see, iyong about kanina?" Nakaangat ako hinarap siya. Hindi na siya nagtanong. Nang bigla tumigil ang ang jeep. "Nangyari Manong?" sabi nong isang pasahero. "Naloko na, napako gulong ko." Nakita ko pagkadismaya ni Manong. "Mga kabataan nga naman." Rinig ko sabi ng matanda babae. Bumaba na lang kami. Ako naman todo hawak ko sa bag ni Jake mahirap na may magnanakaw "Paano ito?" sabi ni Raygie "Sir sakay na po." "Tara na Chie, andito na driver ko. Hatid na kita. Atsaka gabi na rin. Napatingin ako sa relo ko 6pm na nga. Madilim na rin sa labas. Kahit nahihiya ako, sumakay na ako. "Saan ka?" sabi niya. Sinabi ko address at street. "Hindi naman nagkakalayo, malapit na naman kami sa inyo. Tumango na lang ako alam ko naman isa siya sa malapit kila Jake. Bumaba na ako pagkarating ko sa bahay. "Thank you," sabi ko sa kan'ya. Hinawakan lang niya noo ko. Sabay ngiti niya. Pababa na ako naalala ko note niya. Tapos na ako sa math kinuha ko math niya binigay sa kan'ya. "Iyong dalawa bukas ko na lang saiyo isasauli. Salamat ulit." Bumaba na ako. Nagpaalam na ako sa kanila. Pagkarating ko sa bahay tamang-tama nakahanda na nang pagkain. Lumapit ako sa parent ko at nagmano. Kumain na rin ako. Dahil sa gutom ako, ako nahuli, ang ending ako naghugas kinainan. Pagkatapos pumasok na ako sa loob. Kinuha ko noon ni Raygie isa isa ko kinopya. Nang nakaramdam ako antok natulog na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD