Chapter 4
Jake's Pov
"Laro tayo?" Nabingi ako sa sigaw ni Paul. Tangina sarap na sarap ang tulog ko nagising ako sa lakas ng boses.
"Tinatamad ako." Sabay baba ko. Kilala ko isang ito makulit pa sa makulit tahimik pero kapag nagyaya talaga kailangan sundin mo. Si Paul mahilig sa amin sumayaw iyan lang tanging talent meron siya. Kaya nga binaba ko para ano taga tingin kung ok na sayaw niya. Adik din isang ito. Bumaba na ako. Bigla ako nagutom.
"Aba! Naisipan mo pa bumangon." Tangina isa pa ito si Kuya Jaydee kaya ayaw ko siya nandito kapag weekend pakialamero sa buhay ko. Nang mapatingin ako sa gilid pasimple natuwa ako. Dinidiligan kasi niya ang mga halaman ni Mommy mahilig kasi si Mommy sa halaman. Nandito naman siya kada weekend sila kasi supply ng C2 flower farm na pag-aari ng parent ni Chie natawa ako sa naisip ko napalapit ako sa kanila.
"Chie," sigaw ko sa kan'ya. Napalingon siya sa'kin. Naghugas siya kamay atsaka siya lumapit sa'kin.
"Paki timpla nga ako." Lahat sila nakatingin sa'kin. Binatukan ako ni Kuya Jaydee ko.
"'Wag mo siya sundin," sabi ni Kuya Jaydee." Kahit kailan kontrabida talaga siya."
Magtimpla ka sarili mo. Hindi si Chie katulong mo. Yaya kapag may inutos siya sa'yo na kaya naman niya isumbong mo sa'kin. Tinawanan ako ni Yaya. Tatahimik na lang ako. Hindi na ako nag-matigas kilala ko kuya ko. Kapag sinabi niya ginawa niya. Tumayo ako at nag-timpla sa akin.
"Aalis na ako, sasama ka na ba Chie? Hatid na kita?" Tiningnan ko si Chie kung sasama kay kuya. Napatingin si Chie sa'kin.
"Hindi po, may bike po ako." Tumango na lang si kuya at nagpaalam na sa akin. May meeting daw siya imemeet. Nakahinga ako maluwag.
"Oh siya, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Maglalaba lang ako sa labas," sabi ni Yaya sa akin. Natawa ako. Masosolo ko na si Chie, peo hanggang tingin at utos lang ako sa kan'ya. Kami na lang natira habang si Chie sa gilid lang nakatayo.
"Iyong bag ko, hiningatan mo ba?" Umalis si Chie kinagulat ko. Pagbalik dala niya bag ko binigay sa kan'ya. Binigay ko sa kan'ya para may copy siya sa lesson na mamiss niya.
"Iningatan ko po iyan, ayan na po bag niyo."
"Wala ba nawala?"
"Hindi ko binukasan 'yan. Kahit tingnan mo pa.""
Tanga ka ba, o sadyang walang utak." Bigla ako nainis. Tangina wala siyang pakiramdam. Binigay ko sa kan'ya para buklatin niya. Nakayuko lang si Chie. Naiinis ako sa kan'ya.
"Aalis na ako." Paalam niya.
"Hugasan mo nga ito?" Sabay talikod ko. Nawalan na akong gana. Lahat na lang ginawa ko. Tangina kasing gulong ito.
Bumalik ako sa kuwarto ko. Tinawagan ko si Riever siya lang nakakaintindi sa'kin, pero may bagay akong hindi sinasabi sa kan'ya hindi katulad kay Raygie kahit maloko at babaero pagdating sa sikreto siya ang tanging maasahan dahil sa wala akong makausap si Reiver na lang ang tinawagan ko busy kasi Raygie nasa brgy. Paraiso ang loko.
"Hello! Anong na naman ba kadramahan iyan." Tangina ang lakas ng boses nabibingi ako na itaas ko ang phone ko sa sigaw niya.
"Anong updated sa pinapagawa ko?" Sigaw ko rin sa kan'ya. Narinig ko pa tumawa ang loko.
"Tangina tol! Mukhang mahihirapan tayo. Isa pa, inalam ko na ang lahat. Hindi ang mga gangster ang mga kaaway natin sa ngayon. Balita ko may mga ibang miyembro gumagawa ng sariling grupo ay iyong pa ang aalamin ko sa ngayon." Napaisip ako sa sinabi ni Reiver. Si Reiver kasi isang tao na mahilig makiparty kahit saan, sa'amin grupo siya ang may mga source dahil lahat na lang lumalapit sa kan'ya kinakaibigan niya."
Isa pa, hinamon tayong this weekend. Ano payag ka ba?"
"Anong hinamon? Gago ka, may ginawa ka bang kalokohan?" Tinawanan niya lang ako."
"Gagi 'wag kang highblood. Hinamon niya lang tayo ng basketball ang mananalo ay sa kan'ya ang teritoryo." Sabay tawa niya.
"No! Hindi natin sila papatulan. Isa pa, hindi sila ang priority ko." Tinawanan niya lang ako.
"Good luck sa pakulo mo. Sana paminsan-minsan pansinin mo naman siya." Pasarin niya sa'kin. Kilala ko ang pinsan ko siya ang taong hindi ko kayang utuin kaya nga mahilap ako magsabi ng totoo nararamdaman ko. Alam ko sino tinutukoy niya pero sa ngayon lihim muna at tanging si Raygie lang ang kaya kong pagkatiwalaan.
"Gago," sabi ko sa kan'ya. Sabay off ko. Nagbukas ako UB na ibig sabihin Ultimate Barkada na kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan na sikat na app. Una ko nakita ang mukha ni Chie na palihim ko kinukuhanan ng picture na ngayon nakasave sa phone ko. Tinitigan ko mabuti hanggang sa naisipan ko paglaruan ang picture ni Chie. Pinakapal ko ang kilay niya tapos kinulayan ko ng pink tapos ang ilong niya kinulayan ko ng brown. 'Yong bibig niya kinulayan ko ng yellow. Nilagyan ko ng bilog sa noo. Tawa ako ng tawa. Inupload ko sa UB. Pagpost ko wala pa mga ilang minuto naka2k agad ako. Tapos may mga comment. Tiningnan ko friend list ko. Walang Chie ako nakita. Ibig sabihin, hindi niya ito makikita. Nakita ko sa mutual niya si Raygie at Roy lang friend niya. Tangina kailan pa sila naging magkaibigan sa UB. May notification ako nareceive. Napatingin ako. Gago talaga tinag ni Raygie kay Chie. Hindi ko maiwasan istalk si Chie. Online siya. Wala man lang post siya. Nagulat ako may natanggap ako group messages.
'Yan ba ginagawa ng walang magawa? Pasarin ni John sa'kin. Nagcomment pa talaga siya
"Bentantol, tangina 1 hour pa lang 5000 na like mo tol at 1000 comments," sabi ni Paul
"Pinaghandaan mo ba iyan Jake?" sabi rin ni Rafael
Tangina pinagsasabi nila, pinagtripan ko lang si Chie.
"Ipaprint ko na ba?" Isa pa ito si Roy nakisawsaw rin ang loko.
"Gusto ko iyan!" sabi ni Rom lahat sila nagcomment
"Ang sama niyo. Tigilan niyo na nga si Chie. Wala naman ginagawa sa'tin masama. Punta na lang kami sa inyo Jake." Natahimik ako sa sinabi ni Raygie.
"Wala ako sa amin." Ayaw ko makita pagmumukha nila. Napatayo ako napatingin sa bintana. Gabi na pala. Kaya naman pala bigla ako nagutom. Bumaba ako ng may narinig ako tawanan. Binilisan ko pagbaba. Nagulat ako ng makita ko si Chie nakatalikod. Mukha paalis na siya. Nang maramdaman ko ihahakbang na niya, paa niya tinawag ko siya. Napalingon si Chie ngayon hindi na siya nakatawa.
"Kakain ka na ba?" sabi ni Yaya sa'kin.
"Hindi pa po." Nakita ko may maleta katabi si manang.
"Aalis ka po?"
"Oo! Isa pa nagpaalam na ako sa kuya mo. Pinayagan na niya ako. Kasama mo naman, ang kuya mo. Saka uuwi ang parent mo." Hindi na lang ako nagsalita. Karapatan naman ni manang umalis. Isa minsan lang niya, makakasama ang family niya, pasko na naman. Sino naman ako pigilan si manang. Araw-araw na nga nanilbihan sa'min. Ang inaalala ko lang, kuya kong kontrabida. Sana hindi siya tumuloy dito at ang parent ko naman asa pa ako. Katatawag pa nga lang niya hindi sila uuwi marami pa silang business aasekasuhin.
"Ako rin." Napalingon ako kay Manong naka-impake rin siya. Tumango na lang ako sa kanila. Ayaw ko silang pigilan ito na rin ang gift ko sa kanila isa pa gift ko na rin para sa kanila ang maging masaya ang pasko ni manang at manong."
Alis na ako anak, mahirap sakayan papunta sa'min. Isa pa 'wag kang aalis ng gabi ah." Habilin ni manang. Hindi ko mapigilan nakayakap kay manang. Siya na kasi ang itinuturing kong nanay ko. Si manang na mamulatan ko at nag-aruga sa akin hanggang ngayon at si manong na lagi kong kasama saan man ako magpunta at lagi kong sandalan sa lahat ng kalokohan ko sa oras na may gulo ako nagawa ay lagi niya ako pinagtatakpan kay mommy ko."
Ako rin," sabi ni Manong. Bago sila umalis binigyan ko sila ng konting pamasko. Naiyak pa nga si Manong ng binigyan ko. Umalis na sila manong at manang hinatid ko pa sila sa labas. Pagkaalis nila bumalik na ako sa loob. Napatingin ako kay Chie kami na lang dalawa ang natirang habang si Chie, pasimple nakatingin sa'kin. Napalapit ako ramdam ko may gusto siyang sabihin hindi lang niya matuloy.
"Ano?" sabi ko sa kan'ya.
"Aalis na po ako," mahina niya sabi. Napakunot noo ako nakatingin sa kan'ya. Anong aalis na siya! Pinagsasabi niya! Dito na siya nakatira.
"Samahan mo ko, ipaghanda mo kong makakain." Tinalikuran niya lang, ako lumapit siya sa kusina. Pinaghanda niya nga ako. Hindi man, lang siya nagreklamo. Napa-sunod ako sa kan'ya sabay upo ko sa hapag kainan habang naghihintay na pagsilbihan niya ako. Natawa akong palihim lumapit si Chie sa akin.
"Anong pa po ipag-uutos niyo sir." Tangina bakit siya ganyan. Para tuloy akong nahiya pinaggagawa ko.
"Puwede na po ba akong umalis."
"Stop kasasabi mong po, matanda ka pa nga sa sa'kin isang buwan. Makakauwi ka lang kapag tapos na ako, sino ang maghuhugas ng kinainan ko. Kumuha ka nga ng plato mo at samahan mo ako kumain habang naghihintay ka sa'kin." Tinalikuran niya lang ako. Hindi talaga siya nagsasalita. Hindi naman siya, ganyan bata pa. Ang daldal niya pa nga. Nakakabingi ganito, walang salita sa'min dalawa. Pagkatapos kong kumain. Tumayo si Chie. Hinugasan niya kinainan ko tahimik lang siya habang ako nakatingin sa kan'ya. Nakatingin ako sa phone pasimple ko si Chie pinicturan. Natawa ako ang ganda kasi pagkakakuha ko. Nakaside view, si Chie, habang nakatingin sa kawalan. Binuksan ko UB ko ang daming notification. Naalala ko nga ginawa ko. Napatingin ako kay Chie. Bakit ganyan siya, hindi siya nagalit, kahit nakita niya ako. Siguro naman alam na niya o sadyang wala lang siya pakialam. Idedelete ko na sana pinost ko ng makita ko ang share 2.1k ang dami na nagshare. Hindi ko na ito madedelete. Panigurado ako ang iba sinave sa phone nila. Napalingon si Chie mukhang tapos na siya. Nakatingin siya sa phone ko. Nakakunot noo siya.
"Wala bang sasabihin sa
sa'kin. Tiningnan lang niya ako.
"Wala hindi naman tayo close." Mahina pero rinig ko naman.
"Hatid na kita," sabi ko sa kan'ya. Nagulat siya sa sinabi ko.
"No! May bike ako."
"What? Safe ba iyan. Ihahatid na kita." Sabay talikod ko. Napasunod si Chie sa'kin kinuha ko motor ko sabay hagis ko sa kan'ya helmet. Kinuha ni Chie nilagay niya sa kan'ya. Sumakay na si Chie. Naghintay ako kakapit siya sa likod ko.
"Mag-gagabi na naman, baka naman gusto mo kumapit sa likod ko.
"Ah!" sabi ni Chie.
"Ah." Inulit ko sinabi niya.
"Kakapit ka ba o hahalikan kita? Mamili ka." Natawa ako sa sinabi ko. Kita ko itsura ni Chie paano ang salubong dalawang kilay niya.
"Isa, " sabi ko kan'ya. Kumapit nga si Chie sa likod ko, saka ko pinaandar. Todo kapit si Chie nang unti-unti ko binilisan. Halos nakayakap na siya sa'kin. Nang makarating na kami. Bumaba si Chie ramdam ko. Naramdaman ko nahilo siya. Napakapit ako sa kaniya. Nakita ko sa mukha niya pamumutla.
"Ok ka lang?" sabi ko sa kan'ya.
"May ok ba ganito. Sinadya mo ba ito?" Hindi ako makapagsalita. Hinarap niya ako seryoso ang mukha niya nakasimangot kasi siya.
"Pasok na ako." Tinalikuran niya lang ako. Naiwan lang ako tulala habang papasok na si Chie sa bahay nila. Umalis na rin ako at umuwi na rin. Nakaramdam ako lungkot sa bahay na ito. Ako lang tao. Mas gugustuhin ko pang maliit lang ang bahay ko at tanaw ko mga tao sa paligid ko at iyong nagkikita-kita kayo, hindi tulad nito na malaki nga bahay pero parang wala naman nakatira. Pumasok na ako sa kuwarto ko. Napadapa ako sa kama ko. Tangina, hindi ko makatulog. Nag-open ako UB ko. Delete ko post ko para kay Chie. Masaya ba ako pinapahirapan ko siya pero kong hindi ko gagawin ito. Siya naman, mapahamak. Mapaglaro ang mga kaaway ko. Kung sino malapit sa akin. Madadamay lang siya. Sa ngayon, nakikipaglaro ako sa kanila. Inoff ko phone ko. Napatingin ako sa bag ko. Paano napunta ito. Ang alam ko pinabalik ko ito kay Chie. Nainis ako bigla. Para mawala inis ko. Pinikit ko mga mata ko. Natulog na ako. Tangina bukas magtutuos kami sabi ko na lang sa isip ko.