Chapter 5

2248 Words
Chapter 5 Chie's Pov Naramdaman ko ang lambot ng kama at nakayakap ako sa lalaki. Daan-daan akong napamulat napaisip tuloy ako kung panaginip ba ito? Ang dilim kasi pero nang may kakaiba akong napansin nakaupo ako. Sinampal ko ang mukha ko magkabilaan, pero hindi ito panaginip. Tumingin ako sa katabi ko. Totoo na ito! Walang saplot ang lalaki sa katawan niya. Napatili akong napakalakas ng bigla na lang napabalikwas ng tayo ang lalaki hindi ko namukhaan. Lumapit siya at pinailawaan niya ito. Nagulat akong makita siya. Bakit ako nandito? Bakit magkasama kaming dalawa. "Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?" Napakunot noo ako nakatingin sa kan'ya. Kahit ako naguguluhan. Napatingin ako sa may table may nakita akong sulat nilapitan ito at kinuha. Lumapit ako kay Jake para binigay ang sulat. "Basahin mo?" Nakapagpigil talaga lalaking ito. Binuksan ko daan-daan. Nang babasahin ko na sana. Napatigil ako napatingin sa kan'ya. "Anong sabi?" Irita sabi niya sa'kin. "Mag-fiance tayo. Itinadhana ng mga magulang natin. Hindi maaaring manirahan ako rito?" sabi ko sa kan'ya. Napatingin sa siya seryoso sa'kin. Kung susuwayin ko parent ko. Saan na man ako titira? Ito lang tanging paraan sundin ko parent ko. Paano si Jake? Kaya ko ba tiisin ang kabaliwan niya. Sa araw-araw na kasama ko siya sa school paano pa ngayon sa isang bahay kami?" Ipagluto mo ako? Nagugutom na ako." Ito na nga sinasabi ko. Pakiramdam sa ko pamamalagi ko rito maid niya ako. Sinunod ko na lang inutos niya sa'kin. Nagluto ako ng hotdog, itlog at sinangag. May tira pang kanin sayang naman. Tinawag ko si Jake, at kumatok ako. Hindi man lang pagbuksan. Pinaggagawa ng lalaki na ito. Nakailang katok na ako, wala pa rin talaga. Patalikod na ako ng hindi ko sinasadya napahawak ako may sa pintuan na out of balance ako. Derederetso, akong papasok sa kuwarto ni Jake. Pareho kami nagulat naka-brief lang siya. Ako naman na patayo nakatalikod sa kan'ya. "Sorry," mahina ko sabi. Pahamak kasing pintuan na ito. Kaya naman pala hindi sumasagot naliligo ang loko. "Humarap ka?" Hala! Sabi ko sa isip ko. Haharap ba ako o hindi? Pero kapag hindi ko sinunod magagalit siya. Wala akong choice, humarap ako sa kan'ya nakatapis na ang loko. "Anong ginagawa mo rito?" Napayuko na lang ako nahiya humarap sa kan'ya "Anong ka-si." Hindi ko matuloy sasabihin ko. "Ano?" irita niya sabi. "Anong kasi nakaluto na ako. Kanina pa ako katok ng katok, hindi ka naman sumasagot." "Kaya ka pumasok para masilipan mo ako." Anong daw? Pinagsasabi niya. "Hindi naman sinasadya makapasok ako. Hindi ko naman alam bukas pintuan. Patalikod na ako nawalan ako balanse tapos napahawak ako sa pintuan. Kaya derederetso ako nakapasok." Kinabahan ako sa explanation ko. Ito ata pinakamahaba na sabi ko sa kan'ya. Ang pinakamalaking palaisipan sa'kin. Paano napunta rito sa kuwarto ng lalaki na ito. Paanong naging fiance ko siya. "Anong pa tinutunganga mo riyan?" Ang sama talaga ugali nito. Pinagluto ng lahat-lahat. Nauna akong lumabas sa kan'ya. Nagmamadali ako sa kusina. Ramdam ko nakasunod siya sa'kin. "Lagyan mo na lang ng asukal kung matabang iyan. Hindi ko alam kung tama ba sa panlasa mo? Sana'y kasi ako coffee iniinom ko hindi gatas." "Kaya naman pala hindi nakapagtataka height mo pang bata. Ano ka elementary!" Sabay tawa niya. Problema niya sa height ko. Nagtataka ko nga rin bakit hindi ako tumatangkad samantala mga kasama ko tumatangkad. "Simula ngayon, gatas na inumin mo. Ayaw ko mabalitaan na tinitipid kita. Isa pa kung may kailangan ka sa'kin ka humingi hindi sa magulang mo. Nakausap ko sila. Nasa Cebu parent mo mukhang planado nila ito dahil ang parent ko nasa cebu at kasama ng kuya ko. Tayong dalawa lang dito pero si Yaya at si Manong Driver babalik sila pagkalipas ng pasko ngayon tayong dalawa lang dito." Napanganga na lang ako. Wala akong ligtas. Pinagkaisahan nila kami. Alam ko matagal ko ng naririnig isang araw may ipapair sila sa mga anak nila at iyon kami ni Jake. "May kinalaman ka ba rito?" Seryoso sabi ni Jake. Hala! Napagbintangan pa ako. Hindi na lang ako nagsalita. "Alam ko may tinatago kang nararamdaman sa akin. Ito ba iyon kinausap mo parent ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Talaga, ako pa pinagbintangan niya. Nanahimik na lang ako. Kung iyan paniniwala niya, bahala siya. "Puwes hindi ka magtatagumpay. Mas pinapahirapan kita hanggang sa kusa kang umalis." Napa-buntong hininga na lang ako. "Oh, bakit ka pa nakaupo. Gusto mo pagsilbihan pa kita. Sa susunod ayokong na ayoko ganyan na attitude mo. Naghihintay pa." Na paupo na lang ako. Ang dami niya masasakit na salita. Kaya ko ba tiisin siya? Kumain na lang ako, hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya mastress sa'kin. Isa pa hindi ko naman ito ginusto. Nagising na lang ako nandito na ako sa kanila dahil sa kagagawan ng family niya ay family ko tapos ako sisihin niya ako may dahilan bakit nandito ako. Bobo ba siya hindi ba ako sisigaw kong pakana ko ito. Eh! Di sana hindi ako magugulat makita. "Hoy." Sa gulat ko, nabulunan ako. Mabilis kumuha ng tubig si Jake. Kinuha ko at mabilis ko ininom. Nang ok na ako, napatingin ako sa kan'ya. "Sorry po," sabi ko mahina sa kan'ya. "Kahit kailan ka talaga clumsy ka." Sabay talikod niya. Hindi na ako nagtataka lagi naman siya ganyan, tatalikod na lang kapag naiinis siya o sadyang ganyan talaga ugali niya. Sabagay sana'y na ako simula ng bully niya ako. Ako naman tumayo na lang niligpit ko na mga kinainan namin at hinugasan. Pagkatapos wala naman akong magawa. Kahit na malinis bahay nila. Naglilinis na lang ako sa buong bahay. Ganito pala pakiramdam sa laking ng bahay aabutin ng tanghali. Grabe naman kasi sa yaman sila. Kami nga wala pa sa kalingkingan nila. Nagpahinga muna ako bago ako nagluto ng tanghalian namin. Ang loko hindi man lang lumabas sa bahay, hindi ba siya naboboring mga ding ding lang kasama niya. Sabagay may gadget nga naman kahit anong gawin niya. Kahit sinong pagtripan niya hindi na akong nag-tataka kong isa akong sa mapagtripan na ganyan siya nasusunod lahat gusto niya. Malaya siyang mang-bully kahit isa walang nagtangka magsumbong sa magulang nila. Hindi na ako magtataka isang araw gantihan siya ng mga taong sinaktan niya. Kaya nga ok lang na ako na lang ibully niya 'wag lang ang iba. Dahil sa araw-araw natatakot ako para sa kan'ya. Hindi man kami close pero gusto ko siyang mabago. Siguro na paraan baguhin siya, pero paano ako gagawin kahit ako natatakot para sa kan'ya. Nagulat ako ng tapikin niya noo ko. Nakahiga ako sa sopa nakatingala. Napaupo ako akong maayos ng makita seryoso niya mukha. Bakit ang hilig niya manggulat. "May pagkain na ba?" Hala! Oo nga pala. Anong idadahilan ko sa kan'ya. "'Wag mo sabihin hindi ka pa naka-pagluto." "Anong ka-si? "Anong na naman, ba idadahilan mo. Nagawa mo pa matulog. Hindi ka rin senyorita naiintindihan mo?" "Opo." Iyon na lang nasabi ko. Nakasalubong dalawang kilay niya. Ayan naman mukha niya. Kaya ayaw ko tumingin sa kan'ya. "Magluluto na ako." "'Wag na? Nawalan na akong gana. Atsaka wala akong nabalitan dito na may pinapasok kang ibang tao malalagot ka sa'kin nagkakaunawaan ba tayo? Isa pa ilock mo pinuntahan. Kung gusto mo mag-celebrate ng pasko. Magluto ka, pero ang habilin ko sa'yo wala kang papasukin ng ibang tao nagkakaintindihan ba tayo. Doon lang ako sa mga kaibigan ko. Wala naman silbi rito kung magsstay ako rito. Masisira lang araw ako." Sa haba ng sinabi niya. Tumango na lang ako. Mabuti nga wala siya rito magkaroon katahimikan ang pasko ko, kahit na mag-isa ako. Ito ang first time na mawalay ako sa parent ko na hindi ko sila kasama. Anong magagawa ko ito nakatadhana sa akin sa taong saksakan naman bugnutin. Mas gugustuhin ko pa wala siya ng walang manggugulo sa araw na ito. "Isara mo bahay at 'wag magpapasok ng ibang tao." Paulit-ulit na lang sinasabi niya. Sirang plaka siya. Buti na lang nakaalis na siya. Nakahinga rin ako maluwag walang asungo't at walang mag-uutos sa'kin. Nagluto na lang ako kanin may tira pa kasing hotdog at itlog. Hindi naubos ng loko. Mahina naman siyang kumain kaya naman kita naman sa katawan niya hindi naman payat, tama lang naman sa katawan niya kung baga sakto lang. Nang makaluto na ako. Kaya naman pala bigla ako nakaramdam ng gutom dahil 11.50am na konti na lang mag 12 na. Kumain na ako, ngayon lang ako nakakain ng maayos. Nang matapos ako kumain syempre hinugasan ko kinainan ko ayaw ko mapagalit at sabihan ng kahit na ano. Minsan kasi pranka rin isang ito wala naman sa lugar. Buti pa si Raygie at Roy mabait sa kanila. Raygie kahit dinadaan niya ako sa kalokohan ramdam ko naman na mabait siya. Si Roy kilala ko na rin bago ko nakilala si Jake. Si roy ang kababata ko kinder pa lang kaming magkakilala na kami. Close kaming dalawa pero simula ng nakilala niya si Jake ako na umiwas sa kan'ya. Ayaw ko mapalapit kay Jake. Naiirita ako kapag nakikita siya. Elementary pa lang kami kilala ko na bully talaga iyan hanggang sa nag-highschool kami, nakilala niya sila Raygie, Rom, Paul, John, Rafael nabuo kanilang F7. Dito nagsimula nang-bully sila. Maraming naiyak at walang nagawa. Napapahiling na lang ako si na sariwa ang mga alaala ng matapos ako paghuhugas ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng lungkot. Malungkot pala mag-isa kaya naman umalis ang loko para hindi niya naramdaman mag-isa siya. Dahil sa wala akong nagawa nanood na lang ako ng tv hangggang maghapon tutal wala naman sa'kin sisita. Susulitin ko na ito hanggang mamayang gabi dahil bukas andito na ang asungot. Nang bandang 5pm pinatay ko na tv. Lumabas ako diniligan ko mga halaman nila. Ang ganda mag-selfie rito kung puwede lang at ipost sa sss, kaya lang baka mapagalitan ako. Ang dami kasing makukulay na bulaklak ang iba galing sa'min. Ang iba galing pa sa cebu. Kapag nakakita akong bulaklak napapagaan niya ang damdamin ko, pakiramdam ko nawawala ang mabibigat na dinadala ko. Kahit pagod ako sa school at ang daming activity gagawin hindi ko maiwasan puntahan flower farm, kahit masilip ko ok na ako. Sa oras na makita ko mga iba't-ibang bulaklak. Ang presko nilang titingnan. Pumasok na ako sa loob. Hindi ko alam anong lulutuin ko mag-isa lang ako. Dahil pasko ngayon. May nakita ako spaghetti at fried chicken ready to cook na siya. Binabad ko na fried chicken tama lang sa amin ni Jake baka sakaling umuwi ang loko. 30 mins nakababad na siya saka ko niluto ang fried chicken. Kumain na akong mag-isa. Pagkatapos hugasan ko kinainan ko. Nanood muna ako ng tv maaga pa naman. Napasarap ang panonood ko hindi ko namalayan ang oras 10pm na. Pinatay ko na ang tv. Nakakaramdam na ako antok. Tinampal ko mukha ko. Kahit mag-isa lang ako kailangan mag-celebrate pa rin ako ng pasko. Naalala ko lulutuin ko. Tumayo ako at bumalik sa kusina. Dahil sa tinamad na akong magluto binalik ko sa basket ang spaghetti kong saan siya nakalagay. Kahit naman ako magluto ako lang naman kakain. Bumalik ako sa sala. Kinuha ko phone ko. Nag-scroll ako nakita ko nag-post si Roy. Si Roy lang sa F7 ang friend ko sa sss sa real account niya iilan lang sss niya, pero sa second account niya 6000 friend list niya. Karamihan mga babae. Ang loko accept agad. Nag change profile si Roy just now. Agad ko ni like profile picture niya. Nagulat ako sa may 1 notification ako nareceive. Bukas ako si Roy. "Chie bakit like lang." Natampal ko mukha. Bakit pa mention pangalan ko. Nag-reply ako kay Roy sa private message. "Pinalitan ko na, naka heart na happy. Delete mo iyong comment mo." Tinawanan niya lang ako. Hindi na ako na nakikipagtalo. Hindi niya ako susunduin. "Hindi mo pa kaya pinalitan." Kulit naman ni Roy. "Heto na po." Agad ko pinalitan like 'to Heart," sabi ko sa kan'ya. Maya-maya nakatanggap naman ako notification galing lang kay Roy. "Chie, good nakaheart na. Merry Chritsmas." Gustong kong sabunutan si Roy kung kaharap ko siya. Madaldal siya kapag ganito lang set up namin sa social media pero sa personal para kaming hindi magkakilala. Maya-maya may notification ako nareceive galing kay Roy. "Tangina may guwapo ako saiyo," sabi ni Roy. Binasa ko mga comment si Jake lang sinabihan niya mas guwapo siya. Sinabihan kasi siya pangit ni Jake. Hindi ko na pinansin ang bawat comment ang dami na kasi nagcocoment ang ilan pinsan niya inaasar lang si Roy. Nag-scroll ulit ako. Nagpost ng bago si Roy magkasama ang F7. Wala akong balak na ilike. Pascroll na ako ng mag hang cp ko napindot ko post ni Roy. Hindi ko maalis. Pahamak kasi cp na ito. Lahat pa naman tinag ni Roy. Dali dali akong nag-off line. 5 mins na lang pasko. Ngunit na naalala ko tuwing pasko nagcocount down ako sa cp ko at agad ko ito pinopost sa sss. Binuksan ko sss ko. Nakatanggap ako message kay Roy. "Merry Christmas Chie." Bati ni Roy sa'kin. Buti pa siya naalala niya ako. Nagreply ako sa kan'ya. "Chie: "Merry Christmas din Roy. Magbago ka na?" Hindi ko na siya nireply. Ako naman nag-countdown na. Sabay pindot ko sa UB "Merry Christmas Everyone!" Napatingin ako sa notification ko. Naglike agad si Roy at mga pinsan niya at bumati pa sila. Ako naman isa-isa ko sila binati. Nang mapatingin ako sa phone ko. 35 percent na lang lowbat na. Nagoff na ako. Dahil sa wala naman ako ice-celebrate. Natulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD