Chapter 6

2000 Words
Chapter 6 Gariel's Pov Tanghali na kami nagising ng mga kaibigan ko. Ang saya ng pasko dahil kasama ko mga mokong na ito. "Mauna na ako sa inyo?" sabi ko sa kanila. "Uuwi ka na?" sabi ni Roy. Nakaakbay pa ang loko. Tangina kagabi pa siya namumuro sa'kin iba kasi ang ngiti niya ngayon. "Ang saya mo gago ka." Sabay lapit ni Raygie sa'min. Bagong gising pa lang ang loko lumapit agad sa'min hindi pa magawa maghilamos ng mukha. Napalayo ako sa loko amoy pa ang alak. "Ganoon talaga, sa tagal ng panahon, iyong best friend ko nagmessage sa'kin." "Bestfriend?" Sabay sabi namin ni Raygie. Napaisip ako sa sinabi niya bestfriend kagabi pa akong napaisip ang dami pa baka sakali ng isang ito. "May Bestfriend ka?" Takang tanong ni Raygie. Na seryoso hinintay ang sasabihin ni Roy, kahit ako hinintay ko sabihin niya tangimg tawa lang niya sinagot sa'min. Tangina malapit na ako napuno sa mokong na ito. "Gulat lang! Anong ngayon may iba pa akong bestfriend. Isa pa bago ko kayo nakilala siya unang kaibigan ko. Umiwas lang siya dahil andiyan kayo." Bigla akong kinutuban sinabi ni Roy. Si Chie ba tinutukoy niya? Pero imposible naman si Chie hindi naman natin nakikita nag-uusap ang dalawa, kahit minsan hindi ko silang nakitang dalawa mag-kausap. "Girl ba iyan?" Pagkukumpara ko sa kan'ya. "Yes," ngiti niya sabi sa'kin. Hindi lang si Chie kachat niya kagabi atsaka inutos lang niya palitan niya, ang like gawin heart. Kilala ko naman si Chie talagang sinusunod niya. Imposible si Chie ang tinutukoy niya. Ang dami niya kachat kagabi may isa roon kalandian niya. Baka iyon ang sinabi niyang bestfriend. "Maganda ba bestfriend mo?" Seryoso sabi ni Raygie. Bigla siya nalungkot base sa itsura niya. Problema nito, kanina lang labas ngipin niya tapos ngayon hindi maipinta mukha sa kalungkutan. "Ang lungkot pala bestfriend ko. Mag-isa lang magdiwang ng pasko." Ano raw? Pinagsasabi ni Roy. Iba rin trip nito sa buhay. Talaga todo acting pa siya sa harap namin. Nagkatinginan lang kami ni Raygie. "Sinamahan mo sana?" sabi ko para matigil ang kadramahan niya. "Tanga! Hindi puwede." "Bakit hindi puwede." Seryoso ko sabi. "Hindi ko alam saan siya nakatira. Ang sabi may iba tinutuluyan ang bestfriend ko Malihim kasing bestfriend ko. Sa kapatid niya lang nalaman ko, siya lang mag-isa rito naiwan. "Aalis na ako, madamay pa ako sa kadramahan nito." "Hindi ka ba kakain?" "Hindi na, sa amin na lang." Sabay tawa ng dalawa. Tangina ako masisirahan ng bait kapag nagpatuloy pa ako rito. "Ano Ang madadatnan mo pagkain wala si manang at mag-isa ka lang doon." Napatingin lang ako, masama kay Roy. Nakangiti lang ang loko. Hindi nila alam magkasama kami ni Chie sa isang bahay at wala akong balak na ipaalam sa kanila. Tanging si Raygie lang nakakaalam. Siya lang ang taong kaya kong pagkatiwalaan sa ngayon, kaibigan ko sila pero tanging mas isip bata sa isip bata, palibhasa mayaman mga ito. Nakukuha ang isang iglap lang. Bigla ko naalala si Chie. Alam ko may niluto si Chie pagkain. "Ok lang." Sabay talikod ko sa kanila. Umuwi na ako iniwan ko ang mga loko. Nang nakauwi na ako, bumaba ako ng saglit na kalock aming gate. Daan-daan ko binuksan saka akong pumasok ulit sa loob. Paakyat na ako sa hagdan ng may mapansin ko sa may lamesa. May mga nakahanda pagkain. Napaatras akong lumapit ang daming pagkain. Tangina nagawa pa ni Chie magluto, mauubos ba namin ito. Hindi ko siya napansin. 'Wag niya sabihin umalis siya. Sinuway niya ang utos ko. Malilintikan siya sa'kin. Bigla akong nainis. Pabalik na ako sa hagdan ng may narinig ako tawanan. Umatras ulit ako. Tangina mukha may pinapasok siya. Nagmadali akong lumabas nagulat ako sa nakita ko si Chie nakatalikod siyang nagsasayaw. Habang si Manang at Manong driver nakisama nagsasayaw. Nakatingin lang ako sa kanila. "Sunog na isda," sigaw ni Manang. Sabay lapit ni Manong. "Ayan kasi sayaw pa inuna." "Ito kasing bata na ito" "Exercise po." Sabay tawa ni Chie. "Luto na po barbecue ko." "Oh siya! Kumain na tayo. Samahan natin si Chie mag-celebrate ng pasko. Itong batang 'to hindi man lang nagluto." Napatingin ako kay Manang na seryoso pinapagalitan si Chie. 'Wag niya sabihin hindi siya nagluto pero gising siya hanggang ang 12. "Ok lang po," mahina sabi ni Chie. "Buti na lang naisipan ko magdala ng kahit konting handa." "Ako nga si Chie rin inisip ko. Si Jake, alam naman natin Ate, sa kaibigan punta non. "Anong pa nga ba Manong." Nagmamadali akong pumasok sa loob, papasok na sila. Nakahinga ako ng makapasok ako sa kuwarto ko. Nang maamoy ko sarili ko. Nagmadali akong pumasok sa Banyo naligo akong mabilis nakaramdam ako ng lamig. Lumabas na akong naghanap ng masusuot ko. Napatingin ako sa salamin. Natawa ako, guwapo pa rin ako. Magugulat sila sa'kin pagkikita. Natawa ako ng palihim. Bumaba na akong sa hagdan, hindi pa sila nagsisimula kumain. "Ok na po ito." Sabay pakita ni Chie kay Manang at kay Manong. "Ok na iyan! Ganda ng kuha mo Chie, gumanda ako." Kaya naman hindi pa sila nagsisimula ng selfie pa sila. Natigil lang sila makita ako. "Andito ka na pala! Kakain ka na?" Anong gusto mo kainin?" sabi ni Manang sa'kin. "Diyan na lang sa hapag kainan." Seryoso ko sabi sa kanila. "Pero sir, hindi ito mamahalin. Isa pa dala namin ito ni Manong." "Kakain po ako." Kahit na may pag-alinlangan kita ko sa kilos nila. Si Manong, napapakamot na lang samantalang si Manang, hindi maipinta mukha nakasalubong kasi si kilay ni Manang, samantala si Chie, tahimik lang sa isang gilid."Ito na lang, luto ni Chie fried Chicken at may barbecue, pero Jake hindi ka sanay sa food namin na ganito. "Manang, bakit ayaw niyo akong bigyan galing sa inyo. Siguro naman walang lason ito." Gusto ko lang takutin sila? Masyado kasing mabait mga ito. Nakatingin lang sila sa'kin ng seryoso. "Chie, lagyan mo nga ako ng pagkain ko sa plato." Agad naman sinunod ni Chie utos ko. Ganyan naman siya sa tuwing may ipag-uutos ako hindi siya nagdalawang isip na sundin ako. Kailan ba siya magsasalita? Palihim lang ako nakatingin sa kan'ya. Kumain na ako ng pagsilbihan ako ni Chie. Lahat sila nakatingin sa'kin. Ramdam ko kaba nila. Bata pa kasi ako nang may mabully ako tapos inagaw ko sa kan'ya. Kinain ko magka-alis niya. Nang bigla na lang ako sumakit ang tiyan ko. Simula noon maingat si Ya. "Manang relax lang, hindi na po mauulit. Isa pa ikaw naman nagluto nito di ba?" Tumango si Ya. Nginitian ko na lang si Manang. Ramdam ko pa rin pag-aalinlangan ni Manang panay tingin niya kay Manong. "May gusto ka pa kainin?" mahina sabi ni Manang. "Barbecue Manang gusto ko, Chie barbecue ko." Tatayo na lang si Chie nang pigilan siya ni Ya. "Kumain ka, at ikaw ang kukuha ng barbecue. May paa ka. Di ba sabi ng Kuya mo hindi katulong si Chie. Isa pa kanina ka pa utos ng utos malapit lang sa harapan mo. Hindi makakain ng maayos si Chie sa'yo. Nandito kami ni Manong dahil dinalhan ko kayo ng pagkain. Mamaya aalis rin kami." Si Manong at si Manang magkapatid. Magkalapit lang bahay nila. "Aalis na naman kayo?" mahina ko sabi. "Gustuhin ko man anak, pe-ro." Napatingin ako kay Ya mukha may kinalaman din siya sa plano ng parent ko. Hindi na lang ako nagsalita. Sanay naman akong iniiwan. Tumayo na ako. Nawalan na akong gana. Tumuloy na ako sa kuwarto ko. Wala naman akong nagawa nagbukas ako ng sss. Tangina hanggang ngayon hindi pa rin sila umuwi. Nagawa niyang mag party at Palibhasa nakukuha ni Roy ang lahat. Buti pa siya may sarili ng bahay. Nang makagraduate kami ng high school niregaluhan siyang ate at kuya niya bahay. Buti pa siya may sarili ng bahay. Ako mansyon ka nga wala naman tao. Hindi ko na raw kailangan ng bahay. Dahil ako lang tanging magmamana ng bahay nito. Dahil ako raw ang bunso. Kaya naman si Kuya bumili ng sarili niyang bahay. Sabihin niya gusto lang niya makatakas sa parent ko. Wala akong sa posisyon na ito kung hindi sa kuya ko. Tinakasan niya ang dapat sa kan'ya. Mautak din ang kuya. Muntik ko pa mahulog phone sa tawag ni Roy. Tangina, bakit nagpatawag isang ito. Sa inis ko hindi ko sinagot. Pero ang loko hindi man lang nagawang tumawag ulit. Lumabas na ako, naiinis lang ako kapag hindi ako nakalabas. Pababa na ako sa hagdan ng nakasalubong ko si Chie "Nakaalis na sila Manang at Manong," sabi niya sa'kin. "May ipagluluto ka ba?" "Gusto ko ng sinigang na baboy. Iyong maasim ah!" Tumango lang si Chie. Saka niya ako tinalikuran. Nakatingin lang ako pababa. Nang maalala ko kung bakit ako umuwi. Bakit ka chat niya si Roy at mukhang close siya. Hindi kaya siya ang bestfriend ni Roy na matagal na niya sa'min tinatago at madalas niya rin binibida sa'min. Napa-sunod ako sa kan'ya. Habang si Chie, kumuha na sa ref. ng karne. Tinitigan ko siya. Mukha na halata ni Chie, nakayuko lang siya hindi mapakali. "Anong relasyon mo kay Roy?" Nagulat siya sa sinabi ko. Nahulog pa karne hinihiwa niya. "Anong relasyon mo kay Roy?" Inuulit ko ang tanong sa kan'ya. Seryoso tanong sa kan'ya. Gusto ko lang malaman ang totoo kung tama hinala ko, pero paano imposible naman magkaibigan dalawang ito iba ang attitude ni Roy kay Chie. "Wala!" Iyon lang sabi niya. "Wala, pero ka chat mo siya." Mas lalo si Chie naputla sa sinabi ko. Kita naman hindi siya nagsasabi ng totoo. "Uulitin ko! Anong relasyon mo sa kan'ya?" "Wala kaming relasyon. Sa online, kami close." "Tangina sa online lang kayo close. Talaga roon pa sa pinaka-main account na iilan lang nakakaalam at private iyong account na mahalaga sa kan'ya friend niya. Bakit friend kayo sa Ub?" Kanina pa akong naiinis. Hindi siya sumasagot ng tanong ko. "Ano?" sigaw ko sa kan'ya. Nagulat siya sa sigaw ko. Hindi sinasadya magulat siya. Hindi kasi sagutin ang tanong nakakaselos eh. "Ako nagadd sa kan'ya. Tapos hindi ko iniiexpect na iaaccept niya ako." Tumawa ako palusot ni Chie. Seryoso ko siya tinitigan. Tingnan ko bawat galaw niya. Kakita ko panginginig niya sa takot. "Fine! Kung ayaw mo sabihin sa'kin, pero ayaw na ayaw ko nakikipag-usap ka roon. Nagkakaintindihan ba?" Tumango lang si Chie. Sabay talikud ko sa kaniya. Andito ako sa may likod ng bahay namin nakaupo sa may malaking po. Dito ko unang nakilala si Chie. Nakatingala siya sa taas ng puno. Maya-maya nilapitan niya. Umupo siya sa malaking puno. Ako naman, nasilip ko siya tiningnan. Ang tagal niya sa puno parang hindi siya gumagalaw. Kinabahan ako napalapit ako sa kan'ya. Natampal ko mukha ko iyon naman pala natutulog siya. Ito unang pagkikita namin pero bata pa iyon. Si nagising ako sa tapik ni Chie. "Luto ng sinigang," mahina niya sabi. "Ginising mo lang ako para riyan. Nakikita mo natutulog ako. Ang tanga mo kahit kailan." Sabay tayo. Nawala antok ko. Pumasok na ako sa loob. Nakaluto na nga siya. Tumuloy na ako sa kusina at umupo. Kumuha ako ng kain at sinigang na baboy niluto ni Chie. Nang matikman ko. Ito iyong gustong-gusto kong lasa. Napatingin ako kay Chie, nakatingin siya nakatayo. "Oh! Bakit hindi ka pa umupo." Tangina ina ang hirap magpanggap. Sobra-sobra na nagpapanggap ko sa kan'ya. Para ito sa ikakabuti niya. Umupo si Chie kumuha ng pagkain. Konti lang kinuha niya. Nakasimangot ako nakatingin sa kan'ya. "Nag-diet ka ba or may nilagay ka rito?" sabi ko sa kan'ya. Ininis ko siya. Kumuha ako ng kanin ang dami ko nilagay sa kan'ya at binigyan ko siya ng sinigang na baboy. "Kainin mo iyan para maniwala akong wala kang nilagay sa niluto mo." Tahimik lang si Chie kumain. May konti pang kanin sa plato niya. Natatawa na lang ako palihim pilit ni Chie kinakain kahit nasusuka na siya. Inagaw ko plato niya. "'Wag mo pilitin kung hindi kaya." Sabay tayo ko. Iniwan ko siya pumunta ako sa sala, binuksan ko tv hanggang sa unti-unti ako nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD