Chapter 11
Chie's Pov
Nagkatinginan kami ni Jake ng mapalapit si Janzen sa harapan namin.
"Tara na Chie, may motor akong bago baka gusto mo masubukan." Seryoso sabi ni Janzen habang ako hindi ko alam sasabihin ko.
"Malalate ka nito. 15 minutes na lang," pilit niya pangungumbinsi sa akin. Hindi ko mapigilan mapatingin kay Jake na ngayon nakabusangot ang mukha. Akong ito pilit na pinapalayo si Janzen sa kan'ya, pero ako naman ang napapalapit, hindi ako makaisip ng mabuti kailangan gumawa ng paraan. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahiin. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Teka lang," Sabay bitaw ko kay Janzen."
Ano ka-si may kasama ako," mahina ko sabi. Nang bigla tumunog ang phone ko na kanina ko pa hinihintay. Dadali ko sinagot, napalayo ako sa kanila ng matapos na nakatingin ako sa kanilang dalawa seryoso. Binaba ko bag at napalapit sa dalawa.
"Wala raw tayo pasok ngayon," sabi ko sa kanila. Napatingin sila sa'kin lalo't na si Jake, dahil buong akala niya wala akong kaibigan. Natampal ko, mukha ko ng maalala ko. Hala! Anong ipapalusot ko kay Jake sa oras na tanungin niya ako kung sino kausap ko hindi puwede malaman niya ugnayan namin ni Roy.
"Mauna na ako sa inyo," sabi ko sa kanila.
"Saan ka pupunta?" seryoso sabi ni Jake. Ito na sinasabi ko.
"May bibilhin sa grocery wala nang laman ang ref," sabi ko kay Jake."
Si Manang nakaassign ah!"
"Ako nagpumilit kay Nanang. 'Wag ka kay Manang magalit."
"Don't worry bro, ako na bahala kay Chie, sasamahan ko siya kung iyan kinakatakutan mo." Napatingin ako kay Janzen, nakangisi siya nakatingin sa'kin. Mukha wala akong choice kundi magpasama sa kan'ya. Akala ko pa naman nakalusot na akong ng tawagan ako ni Roy at sabihin lang walang pasok.
"Si Manang ang bibili ng grocery, may ipapadagdag pa ako kay Manang. Iyong trabaho mo atupagin mo. Baka nakakalimutan mo nandito ka para pagsilbihan ako at hindi iyon nakikipag-landian ka sa iba."
"Grabe naman bro ang word na nakikipag-landian, mukha na nakikipag-landian si Chie?" Sabay tawa ni Janzen.
"Shut up!" sigaw ni Jake. Hala! Mukhang gulo ito. Napalapit kasi si Jake kay Janzen habang ang loko tawang-tawa siya.
"Ikaw ang tumigil, wala kang respeto sa babae. Gago ka talaga sabihin mo harapan namin bagay na iyan." Seryoso sabi ni Janzen kay Jake.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Hindi ko kailangan ang pangaral mo. Tutal bagay naman kayong dalawa masyado mapapel sa buhay. Tangina para kayong linta dikit ng dikit. Bakit dahil wala kayong mauuto sa pamilya niyo."
"Gago ka." Mabilis ako nakaharap sa gitna. Isang lapit na lang nagsusuntukan na dalawang ito.
"Janzen, pakiusap 'wag ka magsalita." Sabay harap ko sa kan'ya. Si Janzen ang hinarap ko hindi ko kayang sabayan ang bawat tingin ni Jake.
"Hahayaan mo na lang bastusin ka ng gago na iyan. Masyado matabil ang dila ng gago ito. Bakit dahil nandito ka sa pamamahay niya. Gago ka, kung ako lang masusunod, ayaw ko manirahan dito dahil sa pakiusap ng parent mo, kaya ako naririto." Sabay tawa ni Jake sa sinabi ni Janzen. May nakakatawa na sa sinabi ni Janzen. Buti nga concern ang parent niya.
"Talaga lang ah! Oh, isa ito sa pakana mo? Tangina ito, sinasabi ko sa'yo kung anuman binabalak mo. Tangina hindi kita uurungan gago ka? Kung kinakailangan makipaglaro ako sa apoy makikipaglaro ako sa'yo." Seryoso sabi ni Jake. Nakita ko tumawa si Janzen sa harap ni Jake. Naloko na, parang gusto kong sapakin si Janzen, nanadya ba siya. Naguluhan ako sa sinabi nilang dalawa. Parang nag-iba na ang usapan hindi na ito simple pasarin nilang dalawa. May namumuong tensyon sa dalawa.
"See! Hanggang ngayon hindi ka pa rin tapos sa isyu na iyan. Tangina masisi mo ba ako kung sa akin siya nahumaling.
"Gago ka." Sabay sapak ni Jake kay Janzen. Natumba ako sa lakas ng pagka-tulak sa'kin.
"Tangina mo, gago ka. Kung iniisip mo, hindi pa ako naka move on. Para sabihin ko saiyo, wala akong paki. Iyong-iyo na siya tutal mahilig ka naman sa luma di ba. Sabagay, napaglumahan ko na siya kaya nga kinuha mo. Hindi na ako magtataka kung isang raw may ahas dito sa pamamahay ko na anong oras manunuklaw.
"Kung ahas man ako, eh ikaw? Ano naman tawag sa'yo. Isa kang malaking duwag tangina paano, kaya totohanin ko sinasabi mong ahas. Ano kaya tuklawin ko siya anong oras." Sabay tawa ni Janzen.
"Natahimik kang gago ka. Ano hindi mo siya kayang protektahan? Natatakot ka ba maulit muli? Puwes handa ako manuklaw ulit kung iyan gusto mo."
"Subukan mong gago ka. Kahit pinsan kita mapapatay kita gago ka." Sabay lapit ulit ni Jake. Ngayon kinukwelyuhan niya, si Janzen. Hindi ko na alam gagawin ko. Nang may matanggap akong mag-messages galing kay Raygie hindi na akong nagdalawang isip itext siya. Siya lang malapit kay Jake. Maya-maya may nag-doorbell mabilis akong lumayo sa kanila. Ang tigas kasi ni Janzen ramdam ko inaasar niya si Jake hanggang sa sumabog. Pagbukas ko ng gate. Mabilis pumasok si Raygie nagmamadaling pumasok. Ang weird nila. Sinara ko na ulit ang gate. Pag-balik ko wala na si Janzen si Raygie at Jake na nag-uusap. Napatingin sila sa'kin. Napakunot noo akong nakatingin kay Jake. Parang wala lang sa kan'ya nangyari. Bakit ganyan na lang kagalit niya kay Janzen. ano ba ginawa ni Janzen na humantong sa ganitong gulo?
"Maiwan ko na kayo," sabi ko kanila. Iniwan ko sila. Ang gulo kanina pa akong nalilito sa mga bawat linyahan nilang dalawa.
"Chie." Nagulat ako sa kay Manang.
"Lutang ka na naman. May sakit ka ba?"
"Wala po."
"May maitutulong po ba ako."
"Naku! Kaya ko na ito. Ikaw diyan ang magpahinga. Maaga kang nagluto kanina."
"Oo nga naman Chie. Isa pa bisita ka rito at hindi katulong.
"Manang hindi rin po ako katulong. Isa pa hindi pa naman ako matanda, kaya ko pa naman." Tumawa si manong nakinalingon ko.
"Sabi ko sa'yo Ate matanda ka na?" Ngayon ko lang naget kong bakit siya nakatawa.
"Hala! Manang wala po akong ibig sabihin sa sinabi ko."
"Ok lang, totoo naman matanda na ako." Nagtatawanan kami ni Manong.
"Oh siya! Magpahinga na muna tayo." Sabay alis ni Manang napatingin ako sa phone ko. 10 a.m. pa lang. Nakaluto na si Manang. Wala na naman akong gagawin. Nagpaalam na rin ako kay Manong na kumakain ng ice cream. Pagpasok ko sa kuwarto ko. Nagulat ako ng napansin ko, kalat na gamit ko. Sinong may gawa nito. Kinabahan ako at may takot na rin sa akin sarili mo. Sinong may gawa nito? Nakalock ang gate imposible ibang tao. Bakit sa'kin. Napatingin ako sa bintana wala naman akong nakita kakaiba. Saan siya dumaan. Eh! Wala naman madadaan sa bintana. May rehas sa bawat bintana. Sumakit ulo ko kaiisip isa lang suspetsa ko si Janzen lang may gawa nito. Siya lang naman suspetsa ko dahil simula manirahan siya rito gulo na kaakibat. Anong kasalanan ko sa kan'ya? Bakit nagawa pa niya guluhin gamit ko. Wala naman siya makukuha wala naman akong malaking halaga. Isa-isa ko tiningnan gamit ko. Wala naman nawala puwera na lang sa mga damit ko nagkakalat. Isa-isa ko inayos. Naglilinis na rin ako. Nang mapagod ako, nakatulog ako.