Chapter 10
Jake's Pov
Tangina naman Raygie sagutin mo tawag ko. Kagabi pa akong hindi mapakali. Simula ng makita ko si Chie namutla. Ito na kinatatakutan ko. Tangina hindi patas lumaban mga gagong ito hanggang ngayon banta pa rin sila sa amin at mas kinakatakutan ko itong pinsan ko na nandito sa pamamahay ko. Hindi ko alam anong pakana niya at bakit naisipan niya makasama ako na alam naman niya na mortal ko siyang kaaway. Siya ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay dahil siya lang naman ang taong nang-agaw sa taong na minsan ko ng minahal ngayon nandito siya parang balewala lang sa kan'ya. Sa bagay hindi na ako nagtataka. Simula pa lang siya na pinaniniwalaan kahit na siya ang may mali. Ang parent ko anong ginagawa ni minsan hindi niya ako pinaniwalaan dahil sa simula't sa simula ako tanging mali lang nakikita ko. Sa inis ko naibato ko cp ko sa kama ko.
"Oh! Nangyari sa'yo tanghaling tapat nakasimangot ka. Sino ba iyan tinatawagan mo at ganyan ka?"
"Wala po ito Manang," sabi ko kay Manang. Seryoso niya ako tinitigan.
"Bakit po?" Tanging tawa lang narinig ko kay Manang. Napakunot noo lang ako kay Manang.
"Anong ba nangyari sa inyong mga bata kayo. Si Chie kanina pa hindi mapakali tapos madalas nagulat siya." Na seryoso ako nakatingin kay manang. Tangina hindi ko magawa lapitan si Chie dahil sa oras na lapitan ko siya baka makita kami ni Janzen at gawan niya ng meaning. Kailangan kong magpanggap at kung kinakailangan utusan ko si at pahirapan araw-araw gagawin ko para mapalayo ang suspetsya niya sa'kin. Alam ko spy si Janzen at alam kong may binabalak siya laban sa amin. Tangina nagsimula lang ito ng bumalik siya at nagkaganyan si Chie. Mukha si Chie ang target nila laban sa'kin. Isa lang nasa isip ko tanging taong susubaybay kay Chie, ay walang iba si Janzen.
"Chie po Manang?" sabi ko kay Manang.
"Nasa baba kausap si Janzen. Oh! Siya bumaba ka na nang sabay-sabay kayo kumain." Tumango na lang ako kaya manang. Pagkaalis ni manang naibato ko ulit unan. Tangina 'wag lang si Chie kantihin nila. Magka-kamatayan na kami kung kinakailangan, pero tangina sa tuwing nahihirapan si Chie, wala akong magawa sa harap niya. Ang tanging magawa ko lang subaybayan siya at ipagtanggol sa mga taong nang api sa kan'ya kahit palihim lang ako basta maiganti ko lang siya. Paalis na ako ng bigla tumunog ang phone ko. Mabilis ko hinanap ang phone kung kailan kailangan ko saka pa hindi ko na hanap. Tangina, saan ko ba tinapon iyon? Panay silip ko sa kama ko. Naiinis na ako hindi ko pa rin mahanap hanggang sa natigil ang tunog ng phone ko. Napatayo ako nagulat ng muntik ko pa mabangga si Chie na seryoso siya nakatingin sa'kin. Napatingin lang ako sa kan'ya seryoso.
"Ito ba hinahanap mo?" Sabay pa kita niya sa'kin ng phone ko. Bakit na sa kan'ya phone ko. Napakunot noo ako kinuha phone ko sa kamay niya.
"Nakuha iyan sa ilalim ng unan. Kahit saan-saan ka naghahanap," mahina niya sabi.
"Bakit nandito ka?" sabi ko sa kan'ya.
"Oras na po Sir, pagsilbihan ka. Isa pa tanghali na po.' Wag mo sabihin wala kang balak na kumain. Hindi ka na nga kumain kaninang umaga." nakayuko niya sabi sa'kin.
"Sige mauna na ako." Paalis na si Chie. Hindi ko mapigilan, hinila ko siya at sabay yakap sa kan'ya.
"Dito ka lang. Kung kinakailangan dito ka na lang sa kuwarto ko para ma bantayan ka." Napabitaw si Chie nakatingin sa'kin.
"Ang weird niyo," sabi ni Chie sa'kin. Naguluhan ako sa sinabi ang weird namin. Sino ba tinutukoy niya niyo?
"Ah?" sabi ko sa kan'ya.
"Mauna na ako. Baka hinahanap na ako ni Manang."
"Anong ibig sabihin niyo na ang weird niyo. May hindi ka ba sinabi sa'kin."
"Wala," mabilis niya sabi. Tangina hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya. Kilala ko si Chie kapag hindi siya mapakali nakahawak siya sa ilong at namumula ito.
"Chie iyon isang araw. Isang lalaki nag-manman sa'yo mukhaan mo ba?" Napaupo si Chie kama. Ramdam ko, nabigla siya sa sinabi ko.
"Ulitin ko kilala ko ba lalaki naka-sunod sa'yo?" Tahimik pa lang si Chie.
"Si sagutin mo tanong ko. Tangina hindi ito biro. Nakita mo ba ang lalaki."
"Hindi, pero-." Sabay tingin niya sa'kin.
"Pero." Pagdudugtong ko sa kan'ya.
"Wala! " Tangina hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Nilapitan ko si Chie. Pilit ko siya pinapaamin.
"Chie, please sabihin mo?" Nakayuko lang si Chie.
"Ano ba tangina naman." Sa inis ko napasigaw ako sa kan'ya. Nagulat si Chie bigla na lang siya umiyak. Sa inis ko nasipa ko ang pader paulit-ulit. Nang bigla ako hawakan ni Chie nakinatigil ko."
Hindi ako sigurado dahil hindi ko siya nakita kaya wala akong maisasagot sa'yo, pero isa lang maipapayo ko saiyo mag-ingat ka sa pinsan mo. Mag-ingat ka sa kabaitan niya.
"Anong ibig mo sabihin." Nakaharap ako sa kan'ya."
Tulad ng sinabi ko, hindi ako sigurado. Hindi ko siya nakita pero iyong sapatos niya palatandaan ko. May maliit na J sa gilid na alam kong sadya niya iyon nilagay, pero hindi ako sure baka isa ito sa design ng sapatos niya."
"Chie makinig ka." Sabay hawak ko sa braso niya. Konti na lang mahalikan ko na siya. Pinipigilan ko lang sarili ko. Napatingin ako seryoso sa kan'ya.
"Layuan mo si Janzen." Mahina ko sabi sa kan'ya.
"Bakit?" Iyon lang sabi ni Chie.
"Dahil hindi siya mapagkakatiwalaan. Hindi mo siya kilala," sabi ko sa kan'ya.
"Bakit naman kita susundin. Sa Inyong dalawa sa'yo ako natatakot, pero 'wag kang mag-alala wala naman akong balak na mapalapit sa kan'ya sapat na isang tao lang pinagkatiwalaan iyon ay ang bestfriend ko." Nagtaka ako sa sinabi ni Chie.
"May bestfriend ka?" sabi ko sa kan'ya. Bigla siya tumayo at iniwan ako. Natampal ko mukha ko. Dahil sa nakaramdam ako ng gutom bumaba na ako. Nakita ko nga si Chie tumutulong kay Manang habang si Janzen busy sa sala nanonood ng tv. Ang sarap sapakin ng isang ito. Buhay hari. Kumain na lang ako. Ang dami ko nakain. Alam ko si Chie ang nagluto ng adobong baboy.
"Anak, mukhang ganado ka."
"Paano naman Ate hindi ganahan iyan ikaw ba naman lumabas ng ganitong oras 3pm na sa malamang gutom ang alaga mo," sabi ni Manong kay Manang.
"Hindi ka ba aalis Sir?" sabi ni Manong sa'kin.
"Hindi po."
"Hay salamat makapag-pahinga na ako."
"Hoy! Anong makapag-pahinga. Tumulong ka rito bilis." Tinawanan ko si manong. Akala niya, makakatakas siya sa ate niya.
"Oh! Siya manong goodluck po sa pahinga mo." Sabay tawa ko kay Manong. Ganoon kami ni Manong minsan inaasar ko siya at minsan ako naman inaasar niya. Bumalik
na ako sa kuwarto ko. Tangina anong pinag-gagawa nila kahit mag-online hindi niya magawa mag-online. 'wag nila sabihin gumimik ang mga ito. Dahil sa wala naman, akong magawa. Nakaramdam, akong antok. Natulog ako