Chapter 9

1511 Words
Chapter 9 Chie's Pov "Sakay." Nagulat ako ng huminto sasakyan ni Jake. "Bakit po manong," sabi ko. "Sakay." Napating ako kay Jake. Iyong mukha niya nakabusangot. Problema nito. Kanina pa siya ganyan simula ng kasama niya si Janzen. "Ah?" sabi ko sa kan'ya. "Bingi ka ba ?" "Sakay na Chie, mukhang bad mood ang isang ito," mahina sabi ni Manong sa'kin. Sumakay na lang ako para walang gulo. Mahirap pag-tinupak isang ito. Tahimik lang ako sa tabi ni Jake habang hanggang sa hindi ko namalayan nakarating na kami. Nauna pa lumabas ang loko. "Nangyari roon?" sabi ni manong sa'kin. "Ewan ko po." "Oh siya! Lumayo ka na lang sa init ng ulo ng batang iyon." Tumango na lang ako kay manong. "Sige po alis na po ako. Ingat po kayo?" Tanging ngiti lang binigay ni manong sa'kin. Bago ako bumaba tumingin muna ako sa labasan. Mahirap na mabigyan na naman issue sa oras nakita nila ako nakasakay sa kotse ng master nila. Bakit kasi mga mga tao ganyan kapag mayaman ka sasaluduhan ka ng nakararami pero kapag mahirap ka aapakan ka lang dahil ba pera na ngayon ang basehan. Sana naman 'wag naman sila ganyan. Sana maging pantay sila sa lahat ng bahay kaya ako kahit anong gawin nila sa'kin hindi ko sila pinapatulan bakit dahil walang saysay kung mag-eexplain ka sa mga taong sarado ang isip tanging isa lang nila pinapakinggan ang taong makapangyarihan higit sa lahat maganda at guwapo ka iyan ang basehan ng mga tao ngayon. Nang maramdaman ko na konti lang naman mga dumadaan. Mabilis ako bumaba muntik pa ako mapasubsub buti na lang may isang tao humarang sa kan'ya ako napakapit. Pag-angat ko si Janzen nakangiti siya nakatingin sa'kin. Napayuko ako bigla sa hiya. kahit kailan lampa ako. "Tara na malalate pa tayo?" Sabay hila niya sa'kin. Natulala ako napa-sunod sa kan'ya. 'Wag niya sabihin dito rin siya mag-aaral. Hala! Paano na ito. Kung iisa lang pinapasukan namin at mas nakakatakot kung iisa rin ang course naman. Gusto ko mag-tanong pero hindi ko magawa. Kilala ko na si Janzen minsan kasi rito rin siya nagbabakasyon at madalas ko rin siya nakakausap hindi katulad ni Jake na walang ibang ginawa kundi barkada ang kasama niya kahit na bakasyon. Napasunod ako sa kaniya ng napansin ko same ang direksyon namin. Nang malapit na kami sa isang room. Napatingin na ako sa kan'ya. Mukha tama hinala ko kasama namin siya. Hindi ko alam matatawa ako sa sitwasyon ng dalawang magpinsan. Iyong isa inis sa kan'ya samantala iyong isa naman hindi ko alam nangbubuwisit o sadya niya inaasar si Jake dahil ramdam niya ayaw sa kan'ya ng pinsan niya. Hindi ko na pigilan hilahin si Janzen papunta sa kabilang room na wala naman gumagamit ngayon katabi namin. "Bakit?" taka niya sabi sa'kin. Hindi ko alam kung nagkukunwari lang ba siya. Seryoso ko siya tinginan. Wala naman pagbabago sa kan'ya. Bigla ako nahiya. Tinalikuran ko siya iniwan. Mabilis ako pumasok ng maalala ko si Jake nga pala ang katabi ko. "Chie." Napalingon ako sa sigaw ni Janzen ngayon nakahanap na siya upuan sa unahan pa siya. Hindi ko alam kong seryoso ba siya sa unahan talaga. ang pagkakaalam ko genius lang ang nasa unahan. Kadalasan kasi nasa hulihan mga lalaki tanging mga babae lang kalimitan sa sa unahan. "Dito oh! May bakante pa," sabi niya sa'kin. Hindi ko alam anong irereact ko sa kan'ya. Napatingin ako kay Jake na ngayon nakabusangot na siya. Hindi na ako nagtataka ganyan naman siya hindi maipinta ang mukha. "Subukan mo," mahina sabi ni Jake sa akin. Dahil sa gulong-gulo na ako. Pasulyap ako nakatingin kay Roy na ngayon busy sa katabi niya. Kahit kailan hindi talaga maasahan ang isang ito. Sabagay kasalanan ko naman. Tinutupad lang niya pangako ko sa kan'ya ang hindi kami mag-usap na parang hindi kami kilala at ganoon din siya sa akin. Hindi siya nakikialam kung ano man nangyari sa'kin. Alam ko nasasaktan siya pero kailangan tumupad siya dahil sa oras na makialam siya. Hinding- hindi ko siya kakausapin talaga iyon ang sabi ko sa kan'ya. Takot lang niya mawalay sa'kin. "Upo." Natauhan ako sa boses ni Jake. Seryoso siya. Pinili ko tabi kan'ya. "Bakit magkasama kayo?" Daan-daan ako napalingon kay Jake. Nakita ba niya kami. "Bakit hindi ka na kasunod sa'kin? Talagang hinintay mo siya." Ano raw pinagsasabi niya. "Hindi ko siya hinintay. Nagkataon lang magkasama kaming papasok. "s**t!" Nabigla ako sa gulat. Nakakatakot naman siya. Heto na ito nagsimula na pagkatigre isang ito. "Anong sadyang magkasama. Sabihin mo hinintay mo siya. Tangina magkasama tayo tapos hinintay mo siya. Ngayon sabihin mo sa'kin nagkataon lang. "Hindi ko siya hinintay tsaka umiwas ako sa mga fans mo sa oras na makita nila ako nakasakay sa kotse mo. Alam mo gagawin nila para sa'yo." Hindi ko mapigilan magpaliwanag sa kan'ya mahina ang tanging kami lang nakakarinig. Bigla na tahimik si Jake sa sinabi ko. "Fine! Pero 'wag kang lalapit sa ka 'ya." Kahit hindi niya sabihin alam ko tinutukoy niya ang pinsan niya. Nang pinili ko rito nanahimik na lang pinsan niya. Bigla akong naawa wala kasi siyang kausap tanging ako lang at mga kaibigan ni Jake kilala niya for sure. "Hindi ka ba naawa sa pinsan mo wala siyang kausap man lang." "Isang malaking tanga kasi iyan mokong na iyan. Lilipat ba naman siyang na wala man lang kasama. Malamang first time niya wala siyang kilala rito. Isipin mo rin kasi utak mo." Hindi na lang ako nagsalita. Wala raw kakilala ano siya invisible. Wala naman sa kan'ya ginagawa ang pinsan niya bakit siya ganyan. Napatigil lang kabunganga ni Jake ng magsimula ng magturo mga prof. Namin hanggang sa uwian na oras na mag-lunch dahil sa halfday na lang kami. Nauna ako lumabas iniwan ko sila. Hindi ko alam saan ako dinala ng mga paa tanging gusto ko lang katahimikan kahit ngayon araw. Madalas nandito ako nakatambay kung saan may mga bata naglalaro at may ilan seryoso sa kanilang talento mayroon sila tulad na lang pag-drawing isang tingin pa lang malingat ka lang tapos na sila ganoon sila kagaling. May iba nagbabasa ng book kaya madalas nandito ako nakatambay kapag kasi kasama ko sila parang napapasaya nila ako. Nang haoon na nagpaalam na ako sa kanila. Pumunta ako sa grocery store ng may nararamdaman akong may nakamasid sa akin. Sa tuwing lilingon ako nawawala iyon lalaki nakablack nakasunod sa'kin. Nagmadali akong kunin ang napkin ang tanging sadya ko lang. Mabilis ako pumunta sa cashier nang mabayaran ko na nagmamadali ako lumabas ng walang lingon-lingon. Naghanap ako ng masasakyan ko buti na lang may tricycle na papunta sa subdivision kung saan ako naninirahan sa mansion ni Jake. Sumakay ako kay kuya mukha kasing kasing edad ko lang siya. Nang makasakay ako sa tricycle doon lang ako makahinga ng malalim. Pumara ako kay kuya at mabilis ako nagbayad. Bumaba na ako nang mapalingon ako sa may gilid may nararamdaman akong anino ng lalaki nakasunod sa'kin ng bigla ako kinabahan. Mabilis kong binuksan ang gate sa kamamadali ko pumasok hindi ko napansin sa harapan ko si Jake bigla na lang ako naundog sa katawan niya. Hindi ko alam kung nakaramdam akong sakit ay dahil sa tindi ng kaba at takot naramdaman ko. Napatingin si Jake sa'kin ng seryoso. "Namutla ka?" mahina niya sabi. Nakaangat ako sa sinabi ni Jake. "Wala," mahina ko sabi sa kan'ya. "Anong wala. Tangina namumutla ka." Napaatras ako sa sigaw ni Jake. "Ano?" pag-uulit niya sa'kin. "Ano kasi may napansin akong parang may nakasubaybay sa'kin kanina ko pa siya napansin simula ng nag-grocery." Napatingin siya sa'kin ng seryoso. "Nilapitan ka ba niya? Ang sabi niya sa'yo?" Nalito ako sa naging reaksyon ni Jake. "Ah!" Iyon lang nasabi ko. "Wala. Sige na pumasok ka na?" Mabilis niya ako tinalikuran. Napatingin ako sa kan'ya kinuha niya ang phone niya mukha may tinatawagan siya. Para akong hindi makahakbang sa knatatayuan ko ng may anino ako napansin. "Hoy." Napasigaw ako sa gulat. "Bakit." Tinawanan lang ako ni Janzen na ngayon nakaharap sa'kin. Kinabahan ako at natakot akala ko na iyong lalaki nakasunod sa'kin. Iyon naman pala siya lang. "Nangyari sa'yo para kang nakakita ng multo?" pagka-sabi niya. Bigla ako kinutuban. Iyong lalaki nakita ko kanina. Iyong isang bagay na hindi ko makalimutan ay iyong sapatos ng mapatingin ako sa sapatos ni Janzen parehong-pareho sa lalaking nakita ko. Pero bakit niya ako sinusubaybayan eh! Magkasama naman kami sa isang bahay at anong pakana niya sa buhay? May nagawa ba akong kasalanan sa kan'ya? Bigla magulo utak ko sa nangyari sa akib ngayon araw. Tinalikuran ko si Janzen hindi ko na siya hinarap at kinausap. Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto ko. Mukhang kailangan ko maingat hindi mapagkakatiwalaan ang pinsan ni Jake kaya ba si Jake pilit ako pinapaiwas kay Janzen. Bigla sumakit ang ulo ko. Ang dami gumugulo sa isipan simula ng may nakasunod sa'kin na ngayon si Janzen suspect ko o baka nagkataon lang paeho lang sapatos nila. Kasi iba iyong suot niya imbes na black nakared siya na akala mo nag-cecelebrate ng kaarawan niya. Kailangan ko nang konting pahinga. Napadapa ako sa kama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD