"You may now start answering." announced by the proctor.
Agad naman kaming nagsitunguhan sa aming mga answer sheet. Ang exam na ito ay up to 100 items at medyo kinakabahan ako dahil una, malayo si Gon sa akin, I mean---magkakalayo kaming lahat talaga. Second, hindi ko naman tanda ang ibang napag-aralan namin ni Siegfried kagabi.
Yes. Siegfried help me study and review. But, Gon and Andiʼs with us. Noong nakita namin kagabi si Andi narito din kahapon kasama si Gon super gulat talaga ako kasi ang lagay nilang dalawa, nakaupo sa sofa tapos hawak ni Gon ang mukha ni Andi at sobrang lapit nila together. Akala ko noong una, magki-kiss!
Napuwing lang pala si Andi at hinihipihan lang ni Gon ang eyes nito. Tinanong ko kung bakit magkasama sila at iyon!
Napadaan lang daw si Andi sa bahay namin bago pumasok. Sakto namang nag-DM ako sa kanya na hindi ako papasok dahil biglaan akong na-sprain kay nag-stay na lang siya sa bahay. Sakto din na mas naunang umuwi dito si Gon dahil nasabi niya yata sa kanyang pinsan na ito na lang ang sumundo sa akin.
Kaya iyan. Nadatnan niya si Andi sa bahay. Ang ending? Cutting si bestfriend. Na naman!
Dahil gustong makasama si Gon, for sure. Goodness.
So, ang kinalabasan ng pagre-review kagabi ay parang group na din dahil apat kami. As in, silang tatlo nagsanib-pwersa upang ako ay makaintindi at makapag-aral na mas epektibo.
...ewan ko lang kung magagawa kong ipasa ito.
Nagpatuloy ako sa pagsasagot. Hanggang sa umabot akong number 79. Doon pa lang ako nagsasagot ang iba ay nagpapasa na ng answer sheets nila!
Ang bilis naman nila?! Anong ginawa nila sa mga papel nila---inamoy lang?! Goodness. Bakit kasi ang hihirap yata masyado ng mga items dito ang masama pa, karamihan ay identification and enumeration ang format!
Mapapamura na lang dito, goodness.
Nagpatuloy na lang akong muli sa pagsasagot. Initindi kong mabuti ang mga tanong na natitira at iniisip kung saang banda ko ba naisip at nabasa ang mga tanong na iyon.
"10 more minutes,"anunsiyo ng proctor.
Kaya naman mabilis pa ako sa alas-kwartong nagsagot. Medyo naghalubidbid na yata ang aking isipan sa mga dapat kong isagot dahil kapag may minute strike at warning na talaga, magugulo ang buong sistema ng mga students lalo na at exams!
Bahala na si batman!
"Okay, timeʼs up. Give me all the papers. Finish or not. Late papers are not acceptable anymore." striktong sambit ng proctor.
Napasulyap ako ako kay Gon. Tumayo ito sa kanyang upuan at naglakad papalapit sa aming proctor. Kung kaya naman tumayo na din ako at ipinasa ang aking answer sheet. Mabuti na lang at iisa lang ang aking nalaktawang number na walang sagot!
Ang hirap kaya lalo na noong nagsagot sa Accounting, mabuti na lang napasama iyon sa pinaga-aralan naming apat kagabi kaya may nasagot ako!
Matapos makuha ng proctor namin ang mga sagutang papel ay nagpaalam na din ito sa maing lahat. Nagsilabasan naman ang mga blockmates namin ni Gon upang mag-take ng break.
Inayos ko muna ang aking mga gamit at itinago sa aking bago amg mga iyon. Matapos ay tiningnan ko si Gon. Busy ito sa kaka-type sa kanyang phone at kunot na kunot ang noo. Mukha yatang walang balak itong tumayo sa kanyang upuan kaya naman matapos kong isukbit sa aking bag ay tumayo na ako sa aking upuan at naglakad papalapit kay Gon.
Nang tumapat ako sa harapan niya, napatigil siya sa pagta-type sa cellphone niya at umangat ang kanyang mga mata sa akin. "Need something?" he asked.
I raised a brow. "Arenʼt we going to eat outside na, huh? My guard," tanong ko, hiding my shame.
He stood up and naunang maglakad palabas. Iika-ika naman akong sumunod dito hanggang sa makarating kami sa parking area ng UPLB malapit sa main gate.
Sasakay na dapat siya sa kotse na hindi man lang ako nagagawang kausapin ngunit dahil sa aking inis, marahas kong hinablot ang kamay nito at ihinarap sa akin.
"May problema ka ba saʼkin, Gon? Huh? Kanina ka pa, ah!" inis kong tanong.
He looked at me coldly as he shoved away my hand holding hisʼ in a careful manner naman but I can feel irritation on it. "...touch me not, young lady. Maano naman saʼyo kung hindi ka pansin, ha?" he asked coldly. "Mamamatay ka ba kapag hindi ka kinausap ng guard mo, ha?" nanunuya na niyang tanong.
I let out an amused sigh. "Really?! Gon? Hindi iyan amg point ko! Bakit iniiwasan mo ako? Bakit ayaw mo akong kausapin, ha?! Whatʼs with you now?!" pigil na pigil talaga ang inis kong tanong.
He smirked. "Ayos," aniya. "Kung iniiwasan kita, wala tayo dito. Kung hindi kita kinakausap, anong tawag mo dito? Ha? Props?" he asked with sarcasm.
I gritted my teeth. "Hindi ako nakikipagbiruan, Gon," sabi ko.
Hindi naman kasi pwedeng ganito kami. Nakatora kami iisang bahay. Pumapasok sa iisang paaralan at klase! Ayoko pa man din sa lahat, bigla-bigla na lang siyang aakto ng ganoʼn, bagay na hindi ko naman alam kung bakit at anong nagawa ko para magkaganoʼn siya!
Goodness. Ang hirap spelling-in ng tungaw na iyon ngayon, ah!
So not him!
He looked at me seriously. "Ano bang pinaglalaban mo, young lady? Bakit...nagkaroon ka naman yata bigla ng interes sa kilos ko, ha?" he asked with a touch of mock.
I gulped as I blinked consecutively.
O-Oo nga naman...
I furrowed my brows. "D-Dahil hindi ako sanay na ganyan ka, okay?! Tsaka hindi pretty n-na hindi tayo n-nag-uusap!" dahilan ko.
He smirked unbelievably and shook his head a bit. "Kailangan mo pa ba ako? Do you still need me--- given the fact that Siegfried is with you now, huh?" he asked, faking his chuckles.
My forehead knitted. "Bakit naman nadamay si Sie dito, ha? Daegon naman," sukong-sukong sabi ko at ihinalamos sa mukha ang parehong kamay out of frustration. "Ikaw at ako ang usapan dito, bakit idadamay mo si Sie?! Ang tanong ko lang naman, bakit bigla-bigla kang moddy, ha?! Ang gulo mong nilalang, alam mo ba 'yon?!"
"Ang dami mong problema saʼkin," walang kwentang sagot niya at pasakay na sana sa kotse ngunit muli kong hinablot ang kamay nito. "...isang hawak mo pa saʼkin, panggigigilan kita young lady. Donʼt try me." he warned. "Get in the car, tss."
Mabilis pa sa alas-singko akong bumitaw sa kanya at dali-daling sumakay sa shotgun seat.
Takot me, goodness.
Kalagitnaan namin ng biyahe, nagtatalo ang aking isipan kung kakausapin ko ba si Gon o hindi. Halata kasing wala siya sa mood. As in wala talaga. Iyong...para akong nakatingin sa bato? Parang ganoʼn ang feeling. Na kapag kinausap ko siya, I will gain no response. No answer. No reply. Nothing at all.
Ang hirap namang basahin ng lalaking ito!
I sighed and looked down on my knees. Pinagpantay ko na rin ang aking mga paa. "Gon," tawag ko dito, hindi siya tinitingnan.
Baka kasi lamigin ako bigla.
Ang inaasahan ko ay hindi niya ako sasagutin but
..I was nagkamali.
"Hm?" he answered.
Okay na iyan, kaysa naman hindi.
I sighed again. "'Yong true? You...mad at me?" I asked reluctantly.
"No," he shortly answered.
I pouted my lips as I played with my hands now. "Bakit bigla ka na lang naging mas cold sa akin, huh? Ano bang ginawa ko saʼyo kasi," ngiwing tanong ko, still not looking at him.
I heard him sighed softly but has a longer pace. "...donʼt mind me. Mind your relationship with my cousin." he answered.
"B-But Gon---"
"Palagi mo pa rin akong kasama, malamang. Huwag mo na lang pansinin presensya ko." sabi nito kaya napatigil ako sa pagsasalita.
I finally stared at him with creased forehead. "What?" I asked due to disbelief.
He glanced at me for a sec then smirked. "Iʼm your bodyguard, remember? Kung nasaan kayo, naroon din ako. Kahit nasa banyo pa kayo nagde-date, naroon ako sa labas ng cubicle. Mabantayan ka lang." sabi nito.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis! Seryoso ba siya sa sinasabi niya? As in?! Kahit hanggang banyo talaga? Goodness! Anong klaseng lalaki ba ito?! Nakakainis!
I frowned. "You serious?" I asked.
"Yes. Iʼm serious...to you."
I face-palmed. Magpinsan nga sila.
I huffed. "Ah! Goodness, Gon...goodness." sukong-sukong sambit ko na sinamahan ko pa ng pag-iling nang marahan.
He smirked again. "You know what, Alli?" he asked but was cut.
"O, ano?" walang-gana kong tanong.
"I need one santol..."
Kainamang lalaki. Ngayon pa naghanap ng santol! Mukha ba akong puno noʼn?! O mukha akong snatol talaga?! So, so not me!
I frowned. "Para saan naman?"
He then chuckled. "Kailangan ko ng santol...santolad mo."
I breathe carefully to prevent myself from nagging at him 'cause of his sudden punchlines. Kailangan kong pigilan ang aking sarili na bulyawan siya dahil parang kaka-ayos lang naming dalawa ngayon! Baka bigla na naman siyang maging bipolar dahil lang sa hindi ko sinakyan ang trip niya.
I smiled falsely. "A-Ah, hehe. N-Naiintindihan kita, Gon...ayos lang iyan, huh? Ayos 'yan. Saan mo ba natutunan ang---"
He cut me off by his glare. "Shut up, young lady, tsk."
"S-Sabi ko nga." sagot ko na lang para less talk amd away.
Tumigil ang aming saskyan sa isang fastfood chain. Particularly, sa Chowking. Sabi ko na bumili lang kami ng halo-halo doon tapos sa Jollibee na lang kami kumaing dalawa. Hindi naman siya umangal sa gusto ko.
Kalagitnaan namin ng pagkain sa isa sa mga table ng Jollibee, nag-ring ang aking phone. Napatigil tuloy ako sa pagnguya ng fried chicken para sagutin ang tawag.
"Yes, baby---I mean, Sie! Hehe."
[Pft. How are you doing? And how was your exam?]
I pouted. "Medyo mahirap ang exam, Sie. Pero nasagutan ko naman---hindi nga lang lahat, hehe." sabi ko at sumulyap kay Gon kasi may ibinulong siya under his breath.
"Liar. The exam was easy as 1, 2, 3."
I rolled my eyes and did not bother to lend a single attention to his side comment.
[Oh? Is that so? Then...ilang items lang nasagutan mo?]
I giggled. "99 items lang, Sie. Ang hindi ko nasagutan ay iyong question number 1!"kwento at uminom sa royal softdrinks ko.
"What an air-head, tsk. Seriously? Number one? Ayos, ah." side comment muli ni Gon at ngingisi-ngisi pa habang ipinapaikot sa fork niya ang spaghetti.
Mamaya ka saʼkin, Gon.
[Hahaha! Why is that, huh? Ano bang tanong doʼn at number one pa lang, hindi mo na nasagutan? Pft.]
Pasalamat ka din Siegfried dahil baby kita. Kung hindi? Baka sinigawan na din kita---ng I love you. Hihi.
I rewind the happening when I am thinking about the answer in number one after I read it. "Uhm...wait, hindi kasi tanong, e. Ang nakalagy doon sa number one ay---list down the instrumental and terminal values, Sie." sabi ko.
[Hahaha! Kinda, many. But the answers, yes answers to that are---]
Pakikinggan ko na sana si Sie sa dapat na sagot nang madinig ko na naman si Gon. Siya mismo ang sumagot!
"Under instrumental values, which refers to preferable modes of behavior to achieve the terminal values are ambition, honesty, self-sufficiency, courage, forgiving nature, helpfulness, self-control, independence, obedience and open-mindedness, young lady." he answered with chosen emphasized traits while his eyes are locked at mine.
Magsasalita na sana ako ngunit agad niyang ipinagpatuloy ang susunod na mga sagot.
Maangas niya akong tiningnan. "Under terminal values which happened to be represent the goals that a person would like to achieve. And these are happiness, pleasure, self-respect, freedom, world peace, equality, achievement, inner peace, beauty in art and nature and family security." patuloy niya bago dahan-dahang inumin ang sprite niya, iyong may pang-aakit na kasama. "Sarap..."
I winced at him. "Tungaw ka," I said.
[What?]
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking sinabi! Nakalimutan kong may kausap pa nga pala ako sa phone! Bwiset na Gon.
"A-Ah, ano...wala Sie. Hehe. Iyong langaw sabi ko...tungaw hehe." palusot ko at sinamaan ng tingin si Gon.
He just smirked.
[Ah...by the way, are you with Gon?]
Without divesting my eyes at Gon, "Yes, Sie. Iʼm with your good cousin. Why?" I answered and made an emphasis on a word, good.
[Uhm, nothing. So...see you later?]
With just a second, I smiled. "Sure! Hehe,"
[Alright. Iʼll hang up now. Eat your meal,]
"Sige~." I sweetly replied back.
Matapos ng tawag ni Sie, sobrang sama talaga ang tinging ipinukol ko kay Gon. "Nakakainis ka, alam mo ba?! Parang kanina lang wala ka sa mood tapos ngayon naman lakas mong mambwiset!" inis kong singhal at tinapon sa kanya ang isang piraso ng fries ngunit sumakto iyon sa bibig niya!
He smirked. "So, tell me...mapapasagot ka na ba ng pinsan ko, ha? Sa loob ng ilang araw? Sasagutin mo na---"
I cut him off and arched a brow. "E, ano naman saʼyo ngayon? Kung hindi mo natatanong---"
He cut me off. "Ayokong tanungin at ayokong sagutin kung hindi ikaʼy hindi para sa akin---"
I cut him off again and this time, inis na inis na. "Asa kang hayaan kong mapunta ang sarili ko," sabi ko at dinuro siya. "... saʼyo."
He then bit played with his lips. He even traced it using his index finger. Hindi ko mawari kung natatawa ba siya o ano. "...should I care? Huh, young lady?" he mockingly asked. "The last time I check...Iʼd never been in goddamn relationship. And as far as I know...hindi ako pumapayag na," pambibitin niya sa sinasabi at medyo inilapit ang mukha sa akin kaya napaatras ang mukha ko nang bahagya. "...na hindi ko makukuha ang babaeng una kong magugustuhan." he remarked with raucity in his voice.
I gulped as I diverted my eyes away from him.
Naramdaman ko muli ang paglayo ng kanyang mukha sa akin kung kayaʼt ihinarap kong muli ang aking mukha--- bagay na dapat hindi ko ginawa!
Mabilis kasing inilapit muli ni Gon ang mukha niya sa akin, sakto naman na kakaharap ko lang kaya,
...nahalikan niya ako!
"Three-points," nakangising sambit niya.
My lips parted due to astonishment caused by his sudden action!
N-Nakakailang halik na siya sa akin! Siya na nga kumuha ng first kiss ko noong lasing siya tapos naman noong nasa ferris wheel kami, ninakawan niya din ako ng halik! And then, this?! Sa Jollibee pa talag?!
Napakamanyak niyang bodyguard! Paano na lang kung malaman ito ni Sie-baby?! Magbe-break agad kami---kahit wala pang kami!
Goodness! Nililigawan kaya ako ng pinsan niya tapos ang labas dahil hinalikan niya ako---talo-to, ganoʼn? Ang sama!
Para akong nanunuhog ng magpinsan, ah! Hindi ako tirador ng magpinsan! So not me! Kasalanan ni Gon 'to, leche siya!
Nasa ganoʼn akong sitwasyon, nakikipag-usap sa sarili, mentally, nang madinig ang pamilyar na tinig mula sa aking likuran. At dahil doon, para akong binuhusan nang malamig na tubig!
"Three-points, huh? Dude, thatʼs foul." ani Sie.
A-Anong ginagawa niya dito?!