Agad akong tumayo mula sa aking upuan upang malayang makita si Sie. I saw how they exchanged menacing stares with each other. Deeper. Soul to soul.
This is intensifying!
Bago pa man mauwi ang mga makakahulugan nilang palitan nang malalamig na tingin ay nilapitan ko na si Sie at may pinagsamang pag-alala at paghingi ng pasensya ang mga mata nang tumingin ako dito. "I-I can explain what you have seen, Sie."sabi ko.
He then divert his menacing stares away from Gon and looked at me deeply. "No need for an explanation, Alli. Iʼve seen the wholeness of treason," he said and glanced at his cousin.
Gon smirked as he stood up. "Accident, Sie. Ac-ci-dent." pagpapantig pa nito sa huling salita.
I glared at him, although, he is busy competing with his cousinʼs outrageous eyes.
"Iʼm telling you, Trevor...hindi ako magandang kalaro." Sie warned.
Kita ko mula sa aking peripheral vision ang ibang customers dito sa loob ng Jollibee na nakikiusyoso na sa table namin. Sa nangyayari ngayon sa table namin nina Gon.
Tumango-tango si Gon. Kinuha din nito ang iniinom kaninang sprite at nilagok ngunit ang mga mata ay na kay Sie. Animoʼy balewala lang ang binabala ng pinsan sa kanya!
Seryoso ba siya?!
Matapos ubusin ni Gon ang sprite niya, pinapungay niya ang mga mata nang tumingin kay Sie. "And you know me, too, Monrad La Galliene." makahulugang sambit ni Gon at sumulyap sa akin. "...kapag nagustuhan ko," he said and returned his eyes at Sie with a serious physiognomy. "...pinapahalagahan ko. Iniingatan ko. At..." he enumerated with an emphasis on each words then glanced at me again. "...at mamahalin ko." seryosong aniya.
I gulped the moment I looked at Sie and he did the same way. Just then, he pulled me closer to him and non-reluctance...kissed my forehead in front of Gon!
"Hala, ang sweet nila!"
"Grabe, magpinsan o magkapatid ba ang mga guy na iyon?! Ang gwaping!"
"Kaso mukhang warlalu ang mga bida natin, gostei!"
Usapan at reaksyon ng ilang mga nakakakita. Ngunit, sadyang wala na sa mga ito ang aking atensyon kundi sa ginawa ni Siegfried sa harapan ni Gon mismo!
Oo nga at sa noo lang iyon pero kitang-kita ko ang biglaang pagbabago ng reaksyon ng mukha ni Gon dahil sa ginawa ni Sie. Kung kanina, nakukuha niya pang umismid, ngayon nag-uumigting na ang kanyang panga at humihigpit din ang hawak niya sa baso...bagay na nagpagulo sa akin!
Malaki yata talaga galit nito sa mga may matatamis na relasyon at ugnayan kaya walang girlfriend!
"Sheʼs going to be my girlfriend, Trevor. Por favor, as a sign of respect---limit your actions towards Alli." may pagpapaintinding sabi ni Sie.
Humigpit ang hawak ni Sie sa aking balikat dahil hindi kaagad nakasagot si Gon. Imbes, tumitig lang siya kay Sie sandali then sa akin, mas matagal.
Napalunok ako. Hindi ko kasi alam kung anong tumatakbo sa kanyang utak!
Ilang segundo kaming nanatili sa ganoʼn tagpo hanggang sa sumuko si Gon at maglabas nang hindi mapangalanang expression. Kung dismayado ba o naiinis!
Gon made his gait towards my direction. "Iʼll bring her back to school, Sie." he coldly said and held my forearm.
My body shivered the moment he touched me. But I was unable to do counter actions 'cause I felt something like...spectacular? I donʼt know.
Sie shook his head. "Iʼll do the honor. Baka hindi ko na siya makita pagsapit ng hapon,"
Ano daw?! At bakit naman hindi niya ako makikita sa hapon?!
Gon smirked unbelievably. "Possessive, huh? Sorry, Mon but---I have taken the responsibility to keep her safe. And Iʼm her bodyguard so---"
"Baka higit pa sa pagnanakaw ng halik ang gawin mo, Trevor. So, no." Sie shot back with an authority in his voice.
Goodness. Bakit ngayon nagtatawagan na sila sa mga second names nila? Galit na galit ba?
Gon pulled me suddenly causing me to slammed in his bosom. "Aww! Mag-ingat ka naman, goodness!" angil ko dito at nginiwian siya.
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakahigit ni Gon, hinila naman ako pabalik ni Sie sa kanya, siya naman ay halos yakapin na ako!
"O-Ouch," mahinang daing ko, at pasimpleng inamoy si Sie.
"Ayokong magkagulo tayo dito, Trevor. So, please...let me drive her back from her school. Dahil unting-unti na lang...mawawalan na ako ng tiwala saʼyo." Sie denoted, almost out of patience.
Gon coldly stared at him and pulled me back to him. He even hid me behind his back. "Even if you lost all the patiece every mankind has just to prolonged your temper for me, I wonʼt swayed by it. 'Cause no matter what you would do and no matter how afrightening your words are, Alloira isnʼt coming with you---without me." he retorted with finality.
Goodness, goodness! I can feel the petrifying tension in betwixt! Whatʼs wrong with them ba?! Pinag-aagawan ba nila ako?! O dahil lang sa kiss na nakita ni Sie---na sinadya ni Gon?!
Pahamak talaga kahit kailan ang tungaw na ito!
Sie cussed. "Damn it, Trevor. No pruebes mi paciencia." pigil ang inis na sagot ni Sie at tangkang kukuhanin ako mula sa likod ni Gon nang mabilis akong hinarangan ni nito. "...what the hell, Trevor? Are you insane, huh?"
Gon snorted. "Ano bang mahirap intindihin sa sinabi kong ako na ang maghahatid sa kanya pabalik sa campus, huh? Iʼm the bodyguard and---"
Sie cut him off, impatiently. "Thatʼs the point, damn it! You are just a goddamn bodyguard and I," he burst out and pointed himself. "...I will be her man."
Goodness! How to stop an argument ba?! Nakakainis naman, bakit sila ganito sa harapan ko! Napaka-attention-getter na naming tatlo!
Akmang magtatalo na naman sila nang pumagitna na ako at kunot na kunot ang noong tiningnan sila pareho. "Goodness...para walang gulo---magsasakay ako pabalik sa UP! Mag-isa! Ang gulo niyo!" I finally exclaimed and told them my judgement!
Magsasalita pa sana ang isa sa kanila ngunit hindi ko na inabala pang pakinggan. Dinampot ko ang aking bag and made my gait, away from the two La Galliene with furrowed brow!
I should have done this a while ago, e! I should have say my repartee a while ago, goodness! Iyon nakapagpatigil sa angila nilang dalawa.
Bahala muna kayo diyan, kainis!
Nagpasya akong magsakay na lang pabalik ng UP at dumiretso sa CEM building at may ilang minuto din nag-review para sa susunod kong exams. Ilang sandali lang din, pumasok si Gon. Hindi ko na lang pinansin muna. Tumagal din ang hindi namin pag-uusap at pagpapansinan hanggang sa makatapos kami sa mga exams namin at umuwi, still, not talking with one another after what had happened.
Pagdating na pagdating sa bahay, agad akong nahiga sa aking kama at pumikit, not minding that Iʼm not changing my clothes yet. Ang gusto ko muna ngayon ay i-relax ang aking utak matapos nang sagutan ng magpinsan kanina. Idagdag pa na parang nagkanda-buhol buhol yata ang ugat sa aking utak at namali yata ang daloy ng dugo doon matapos ang lahat ng mga sinagutan namin!
Torture talaga mga exams sa buhay ng students!
...pasalamat ang exam, kailangan namin siya dahil kung hindi? Baka isinumpa ko na iyon!
Agad akong namulat mula sa aking pagpikit, ilang segundo lamang ang pagitan nang tumunog ang aking cellphone. Hindi ko na inabala ang sariling tingnan ang tumawag dahil inaasahan ko nandin naman na tatawag si Sie upang pag-uspan namin ang nangyari kanina doon sa Jollibee.
Nakakahiya ang tagpo namin kanina doon, ah!
I composed my self and answered the call. "Sie, about what happened? That k-kiss...promise, hindi ko alam na gagawin ni Gon iyon, e! Kung alam ko lang---nakaiwas na ako pero kasi biglaan na lang e. " I explained, guiltily!
But I heard no response.
Bumangon ako. "Sie? G-Galit ka ba? Sorry na~. Promise! Hinding-hindi na magagawa iyon ni Gon! Swear," I denoted and promised to him.
And still...wala pa ring sagot mula sa kabilang line!
Sinipat ko ang aking phone upang i-double check kung si Sie ba talaga ang kausap ko. Ngunit ganoʼn na lamang ang panlalamig ng buo kong katawan at halos mahulog sa sahig ang aking eyeballs nang sandaling makita ang ID caller na naka-registered sa aking phone!
Goodness! Fool me. Bakit hindi ko kasi tiningnan ang caller ID muna bago magsalita ng ganito, hala!
"A-Andi---"
[...youʼve kissed? With Gon?]
Parang umurong bigla ang aking dila dahil sa tanong ng aking kaibigan na nangungumpirma, batay sa aksidente kong pagtatapat!
Goodness, goodness! Bakit naman sumabay pa ang usapang ito?! Nakakainis naman!
I gulped. "...Andi, kasi hindi naman sadya iyon---"
"Young lady!" biglang tawag ni Gon sa akin nang makapasok sa aking kwarto. "Young lady! Letʼs talk!" dagdag pa niya.
Napapikit ako sa sobrang inis dahil sa biglaang pagsulpot ni Gon, kausap ko pa man din si Andi at nasa hot seat ako ngayon dahil sa kanya at magiging dahil na naman sa kanya!
Bwiset ka talaga kahit kailan, Gon! Argh!
[The hell, Alli?! Did I hear Gonʼs voice?! What is the meaning of that, huh?]
Ito na nga bang sinasabi ko, e!
Magsasalita na sana ako upang sagutin si Andi nang magsalita na naman si Gon, bagay na nagpa-usbong ng labi-labis kong inis!
"Young lady, your lips taste good, huh. So, talk to me---"
"Get out in my room, dumbass!" I shrieked and pointed the doorway. "Leave me alone!"
[Alli, whatʼs the meaning of that?! Bakit magkasama kayo, ha?! Ano?! May relasyon na ba kayo, ha?! Alli?!]
Goodness! Hindi ko na alam ang aking uunahin! Si Gon ba o si Andi!
I heaved a deep sigh as I glared at Gon but Iʼm still holding on to the phone call. "...Andi," I began.
[Explain, Alli! Or else, I will go there. Right. Now.]
Ramdam ko ang sakit sa boses ni Andi nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Nasasaktan din ako para sa kanya kasi pakiramdam niya at gayundin ako na niloko at pinaglihiman ko siya.
Gon creases his forehead while directly looking at me. Hindi niya din talaga ginawa ang aking utos na umalis siya sa aking silid at pabayaan ako!
I breathe and ready myself for explaining the result of her confusion. "I-Iʼm sorry, Andi...the reason why G-Gon and I are on the same h-house...t-thatʼs because..." I said but was cut to release a heavy breath.
[What?! Because of what?! Alli, nakakainis!]
I bit my lip as I looked down. "...Gon is my personal bodyguard," mahina ang boses ko nang sambitin iyon at tumingin na kay Gon na may naghihimagsik na mga mata habang siya ay kunot ang noong nakatingin lang sa akin, waring inaalam kung bakit ko sinabi iyon.
Natahimik ang kabilang linya and that made me sure na hindi niya alam ang ire-react o sasabihin. But one thing is for sure...Andiʼs hurt.
Thanks to me.
Hanggang sa madinig ko na lamang ang end call sound, indicates that the caller from the other line already hanged up the call.
Dahil dokn, sumama lalo ang aking tingin kay Gon. "Kasalanan mo kasi, Gon! Look what have done to me and Sie! And now Andi and me! Napakagago mo, alam mo ba ha?!" iritadong singhal ko dito.
The corner of his lips rose up. "Ang laki naman yata ng halaga ko para maging sanhi nang pag-aaway niyo?" he said with a hints of conceit!
Marahas akong tumayo sa aking kama at nilapitan siya upang itulak siya ngunit hindi man lang siya nagalaw sa pwesto niya kaya mas lalo akong nainis!
"Nakakabadtrip ka, Gon! Sasabihin ko talaga kay mom and dad na palitan ka na!" I shrieked and stomped my feet a bit to release extra annoyances building from within my system!
He gave me a dangerous smile. "Even of you do that, I wonʼt accept the fired title, young lady." he remarked.
Ganoʼn na lamang ang gulat ko nang biglaan niya akong hilahin at isandal sa wall. Ginamit niya ang parehong braso na pangkulong sa akin bago inilapit nang sobra ang kanyang mukha sa gilid ng aking mukha.
I gulped.
"Sa lahat ng pwede mong magustuhan...bakit pinsan ko pa,"
I gulped again. Ramdam ko sa pagbigkas niyang iyon ang pigil na iritasyon at gigil ngunit napakagaling niya lang talagang magdala ng emosyon!
Akmang itutulak ko ito palayo ngunit nabasa niya yata ang plano kong iyon kung kayaʼt naunahan niya akong makagawa ng hakbang, sa pamamagitan niya ng pagbabanta sa akin dahilan upang magtaasan nang husto ang aking mga balahibo!
"One wrong move, mapipilitan akong buntisin ka, young lady. Now, try me. Pabor sa akin ngayon iyon."