"Alli?"
Napatingin ako kay Gon nang tawagin niya ako. "Y-Yes?" medyo kabadong tanong ko dito.
Kasalukuyan kasing nasa loob ng block at magkatabi. Ako may hawak na reviewer pero siya naman ay wala. Nagre-review ako habang wala pa si prof habang siya ay pa-chill chill lang!
Goodness.
He stared coldly at me. "Review well," aniya.
Gusto kong ibagsak ang mga balikat ko dahil tinawag niya ako para lang doon!
I winced. "Sana all gaya mong genius, Gon." I said and focus again on my notes.
Pero kalagitnaan ko nang pagre-review, kita ko ang paglapit ng ka-blockmates naming sina Nezy at Precy. The twins in our batch. Also, sikat din sa UP dahil vlogger sila at mga nasa 280k subscribers na.
Naupo ang mga ito sa unahan namin upuan ni Gon. Hindi pa kasi narating ang mga nakaupo doon.
Imbes na ituon ang aking atensyon sa pagre-review ay sa magiging usapan nila kapag kinausap nila si Gon. At ewan ko lang kung makakakuha sila ng sagot!
Dahil he said never ask something about him.
"Hi Daegon!" si Nezy.
"Hi Trevor!" si Precy.
I bit my lip as I simply glance at Gon, whoʼs sitting next to me and he just nodded at the twins, a light one.
"Pwede ka bang makasama sa susunod naming vlog, ha? Alam mo kasi, one time...nahagip ka pala ng camera namin tapos tinanong ng mga fans kung sino ka daw dahil, they found you very handsome and appealing! Hihihi. So, pwede ka ba---"
"Ask Alli." biglang sabi niya at tiningnan ako.
Wala pang isang segundo ay nasa kanya na ang aking paningin. "H-Huh? Why saʼkin?! Life mo 'yan, go on." mabilis kong sagot at nag-iwas ng tingin. "Donʼt ask permission to me."
He snarled as he leaned closer to my ear. "Tsk. Should I tell them that youʼre my boss? That Iʼm your bodyguard, huh?" he asked with moderate voice, tama lang para ako lang ang makadinig.
I glanced at the twins, and goodness! Hindi lang sila ang nakatingin sa gawi namin ni Gon---lahat!
I pushed Gon, light one, and smiled falsely. "...e, gusto ka daw nila---makasama sa vlog." sabi ko.
He leaned his back on the chair at humalukipkip bago malamig na tumingin sa kambal. "Ask her. If she agreed then Iʼm in." he said cooly.
I snapped. "E, bakit nga saʼkin? Kung gusto mo, edi sumama ka nga,"
"Oo nga. Bakit kailangan pa na siya ang tanungin namin kung pwede ka? Ano bang relasyon mo sa kanya?" tanong ni Nezy.
Sa kambal, siya iyong may attitude problem pero para sa pangalang iniingatan, magpapaka-plastik iyan!
So not me, ah.
"Oo nga, Trevs!" seconded by Precy. "Dali na!" pilit niya at talagang hinawakan pa sa kamay si Gon.
Siya naman ang medyo may kalandian. At mas maraming crush sa campus!
Noong isang beses nga, kita namin siya ni Andi sa may Freedom Park at may tatlong lalaking hinaharot niya.
Seriously talking.
I rolled my eyes mentally. Gusto lang nilang magpadami ng mga subscribers! Isa pa baka isipin ng mga viewers nila, boyfriend niya ang bodyguard ko---no way! Kay Gold Andi lang siya pwede!
Kaya naman ang sinagot ko sa kanila ay,
"H-Hindi siya pwede, girls. Busy siyang tao, so---no. Hope you understand." pilit ang ngiting sabi ko at ibinalik na ang mga mata sa notes ko muli.
Aangal pa sana at kukulitin pa nila si Gon nang biglang pumasok ang aming Prof. "Ready for the quiz?" bungad niya at ipinatong ang mga dalang gamit sa desk sa unahan.
Sabay-sabay kaming nagsitayuan upqng batiin siya.
"Good morning, Miss!"
She nodded. "Take your seats. Iʼm expecting you all to got a passing scores, okay?"
I bit my lower lip as I glance at my seatmate only to find out that he is already staring at me kaya medyo nanlaki ang mata ko. Medyo lang.
"Listen to the questions and answer what you just know." paalala niya bago iiwas ang malamig na mga mata sa akin.
I sighed as I looked at our prof talking about the directions about the quiz. Strict din kasi siya kapag sa mga ganitong bagay.
For her, rule is rule.
Sana kasi ganoʼn kadali gaya nang sinasabi ni Gon. Pressure kasi talaga kapag may nage-expect sa capability mo. But knowing myself, alam kong disappointment agad makukuha nila sa akin. Ng mga taong nakapalibot sa akin dahil gaya nga nang sinasabi ko, hindi ako matalinong tao.
Hindi naman din sa bobo pero nakakaunawa naman ako kahit papaano.
I sighed again.
Thatʼs when I heard a snarled and kahit hindi ko naman tingnan, alam kong si Gon iyon. Parang ang laking problema ko sa kanya, a.
"Tsk,"
Hindi ko na siya nakuha pang pansinin dahil nagbigay ng answer sheet si Miss by row at nang mabigyan lahat ay may kaunti pa siyang paalala sa pagsasagot.
"Start answering." utos ni Miss.
Nang tunguhan ko ang quiz napamura agad ako!
"Damn this."
Nag-start na akong mag-cramming dahil ang mismong naka-figure ay iyong huling pinag-aralan namin kagabi ni Gon. Iyong kinds of business!
Kaya lang under ng Commerce may apat na box na dapat lagyan ng sagot tapos sa pinakababang box na blank may limang blank box pa na kailangang punan! Sa Industry naman ay apat lang. At sa Services ay tatlo lang.
Nanlumo ako sa Commerce bale nine blanks ang kailangan kong sagutan!
"Goodness," parang lulang sambit ko at bumagsak na ang aking balikat talaga.
Number one pa lang, mukhang zero score na ako, huhu!
"Tsk," singhal ni Gon at walang sali-salitang inagaw ang answer sheet ko tapos ang ipinalit niya ay iyong kanya. "Sagutan mo ang akin ng kung ano lang ang alam mo. Ako na bahala sa answer sheet mo." malamig an aniya.
Aangal pa sana ako kaya lang biglang tumingin sa gawi namin si Miss na may nagtatanong na mga mata. "May problema ba, Miss Del Rava?" she asked.
I gulped as I shook my head. "N-None po," sagot ko.
"Proceed answering."
"Yes, Miss."
Muli kong tununguhan ang answer sheet ni Gon at ganoʼn na lamang ang paghanga ko nang makita na may sagot na agad si Gon sa number 1 hanggang 22 pero sa mga susunod na numbers ay wala na at isa pang hinnagaan ko ay ang sulat-kamay niya! Ang ganda!
Nahiya ako, goodness!
Gaya nang sinabi ni Gon, sinagutan ko lamang ang mga alam ko sa questions then nilaktawan ko iyong mga hindi ko alam.
Bale out of 60 questions mga 12 lang yata ang nasagot ko...hindi pa sure kung tama!
Huhu! Sorry, Gon! Ikaw kasi!
Hanggang sa madinig namin ang boses ni Miss. "Finish or not finish, pass your answer sheet. Late papers are not acceptable anymore." she strictly said.
"Here. Ipasa mo na." sabi ni Gon at inabot sa akin ang sinagutan niyang papel ko. "Akin na ang akin."
Maingat kong tinanggap ang papel ko mula sa kanya at gayundin kung paano ko iabot ang papel niyang sinagutan ko. "G-Gon, b-baka mababa makuha mong scores..." alala kong bulong dito.
Imbes na sagutin niya ako ay tumayo siya. "Ipasa mo na din ang papel mo. Sayang 'yan kapag hindi na-record." aniya at naunang maglakad patungo kay Miss.
Tumayo na lang din ako at ipinasa ang sagutang papel ko kay Miss. Mamaya ko na siya kakausapin.
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Gon patungo sa Freedom Park. Doon din kasi pupunta si Andi ayon sa DM niya.
Mula sa hindi kalayuan, nakita ko si Andi na nakaupo sa indian seat na style sa may damuhan sa ilalim nang malaking puno ng acacia at may binabasang libro na nakapatong sa lap niya.
Bago makalapit dito, nasulyapan ko ang mga ilang palyers ng Frisbee na naglalaro. Pati ilang football player.
I smiled and glance at Gon. "Hayun si Andi, oh! Tara," masayang sabi ko at itinuro si Andi.
His brow furrowed. "Here you go again, young lady."
Hindi ko na siya pinansin pang mag-reklamo. Imbes ay hinawakan ko ang kamay niya at hinila papalapit kay Andi. Medyo nagulat siya doon, and so am I but I just ignored dahil at last, magkakasama na ulit si Andi at si Gon!
"Hi girl!" magiliw na bati ko kay Andi nang makalapit sa kanya.
Nag-angat ito ng tingin sa amin ni Gon at ganoʼn na lamang ang pagkislap ng mga mata niya nang makita si Gon sa tabi ko. Dahil din doon, mabilis niyang isinara ang book na binabasa niya at tumayo nang maayos bago hinawi-hawi ang buhok na hinahangin sabay ngiti nang maganda kay Gon.
"D-Daegon," utal na tawag niya kay Gon.
At dahil hindi bumabati pabalik si Gon, pinisil ko nang marahan ang kamay niyang hawak ko, giving him an urge to speak and greet my bestfriend.
He sighed and looked coldly at Andi. "Yes...hi." tipid na bati niya kaya napangiti kaming dalawa ni Andi.
Andi blushed. "B-Buti napapayag ka ni Alli n-na sumama hehe?" alangang pagsisimula niya ng usapan.
Gon nodded lightly and glanced at me. "She asked me to." sagot nito.
Tumango-tango si Andi pero nagpipigil pa din ng smile habang titig na titig kay Gon. "A-Ahm, balak kasi naming kumain ni Alli sa may Ellenʼs Friend Chicken, sama ka?"
Gon sighed. "Thatʼs why weʼre here. Weʼll be eating together." sagot nito.
Goodness, Gon! Huwag mo namang ipahalata na ayaw mong kausap si Andi, please!
Nasa ganoʼn kaming tagpo nang aksidenteng bumaba ang tingin ni Andi sa kamay kong nakahawak kay Gon!
H-Hindi ko alam na nakahawak pa rin pala ako sa kamay ni Gon, kanina pa!
Bago pa siya mag-isip ng kung ano ay mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa kamay ni Gon. Imbes ay kinuha ko ang kamay ni Andi at isinabit sa braso ni Gon bago sila ngitiang dalawa nang maganda.
"Nakalimutan ko, may kukuhanin nga pala akong schedule ng pictorial ko kay Macy. Mauna na kayo sa Ellenʼs Fried Chicken na dalawa, susunod na lang ako! Puntahan ko lang sa may Oble si Macy, ah? Hehe." paalam ko bigla at hindi na sila hinintay pang umangal at pigilan ako dahil nanakbo na ako papalayo sa kanilang dalawa.
Take your time, Andi.
Imbes na tumuloy sa Oble, sa Kwek-Kwek tower ako nagdiretso. Alibi lang naman na may tatagpuin ako, e. Gusto ko lang silang magkausap kahit sa maikling time lang!
Naupo ako sa may malapad na batuhan sa may Kwek-Kwek Tower at inilabas ang aking phone upang contact-in si Thalia at makipag-chikahan sa IG dahil magkasama sina Gon at Andi.
valene.monte
for real?! Hihi. Sige, sige! Chika-chika tayo mamayang gabi sa XoX Bar!
I giggled as I type replies.
alli.delrava
sure, girl! later later hihi!
Nasa ganoʼn akong lagay nang isang bulto ng tao ang tumambad sa aking harapan. Inangat ko ang tingin ko dito at laking gulat ko nang makita si Gon na may salubong na salubong ang mga kilay!
Inilibot ko muna ang aking mga mata sa paligid ko dahil baka nakasunod din si Andi tapos makita kaming nagtatalo and good thing wala!
Ibinalik ko ang tingin kay Gon at nagpasyang tumayo at litong nakipagtitigan sa kanya. "Whereʼs Andi? I-Iniwan mo?" alalang tanong ko.
He gritted his teeth. "I told you, donʼt forced me to be with her! Bakit ba ipinipilit mo, ha?!" galit na tanong niya kung kaya napa-atras ang isa kong paa dahil sa biglaang gulat.
I gulped. "G-Gusto niya lang naman m-makita at makausap ka, Gon." sagot ko sa mahinang tinig.
He let out an amused sigh. "f**k, Alli! You should have asked me if I want to do the same! How dare you leave me for her, huh?!" tanong niya at hindi niya na talaga mapigilan ang sariling magalit.
I lowered my gazes dahil natatakot ako sa galit niya. "...gusto ko lang naman maging happy si Andi. A-At mangyayari iyon dahil saʼyo---"
"And thatʼs bullshit!" mura niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot dito.
Hindi ko alam pero parang...parang humahapdi at umiinit ang gilid ng aking mga mata dahil sa pagsigaw niya saʼkin.
So not me, huhu!
"S-Sorry," sabi ko at muntik na akong pumiyok buti na lang medyo mahina ang aking pagkakasabi.
I heard him sighed. Kaalinsabay doon, naramdaman ko ang hawak niya sa aking kamay kaya bumalik ang mga mata ko sa kanya na may nanlalabong mga mata.
"f**k. Why are you teary-eyed?" he asked, gone the madness.
Wala sa sariling umiling ako. "...napuwing lang." dahilan ko.
He stared at me deeply. "Sorry," he sincerely said.
"G-Gon---"
"Ayokong makasama ang iba...maliban saʼyo."