"Hasten up, young lady."
"Sandali kaya!" sagot ko habang inaayos ang pagkakatali ng aking buhok.
Balak naming bumyahe patungong Sta. Rosa, Laguna dahil mamasyal kami ngayon. Napilit niya akong sumama dito na mamasyal kanina!
Chika niya lang din na kasama namin si Andi mamasyal. Actually, noong sinabi niyang kasama niya si Andi kapag hindi ako sumama, nakuha na agad niyon ang aking atensyon. Sʼyempre nagkasagutan kami ni Andi kaninang umaga at balak ko sanang kuhananin ang pagkakataong ito upang makapag-sorry dito. E, dakilang manloloko si Gon kaya imposible ang nais kong usapan namin ng kaibigan ko dahil hindi naman siya kasama, e!
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. "Hindi ako magpapasalamat, kung inaakala mo." agap ko at inirapan siya. "Pati akala mo nakakalimutan ko din iyong banat mo noʼng araw na mahalin kita tapos ikaw na bahalang mag-seryoso, ha? Asa! Hindi effective in all fairness!" I recalled, for additional annoyances.
"Alam ko. At baka akala mo din na nakakalimutan ko na ang ginawa mong pagtakas kaninang umaga, ha? What if someoneʼs watching from a far at bigla ka na lang taniman ng tingga sa katawan, ha? Mas importante iyon kaysa sa mga sinasabi mo about sa akin. Sinampal mo pa ako, remember?" seryosong aniya bago isarado ang pinto ng sasakyan at umikot sa driverʼs seat.
Pinanood ko siyang ipasok sa ignition ang susi ng sasakyan. Pati ang ginawa niyang pagbuhay sa makina hanggang sa simulan na niya magmaneho.
I am waiting for him to speak again about the topic he has opened, minutes had passed.
Medyo kinabahan ako at medyo nakaramdam na nang guilt, e. Goodness.
Akala ko io-open niya iyong topic sa pagsampal ko dito pero hindi.
"Alli, baka nakakalimutan mo kung bakit mayroon kang ako ngayon? May mga kalaban ang mga magulang mo sa pangalan and any moment by now, they can make a move...at kasama ka sa pwede nilang gamitin para pagbagsakin ang parents mo. Kaya hindi ka dapat umaalis nang wala ako." seryosong aniya na may pagdidiin sa ilang bahagi ng mga salita habang nasa daan ang tingin.
I blinked multiple times and was unable to answer.
"Sana din maintindihan mo na ikaw na lang ang meron sila kaya dapat kang ingatan. Donʼt be hard-headed. And please, donʼt make things hard for me. Iʼm doing my work for a purpose." he continued, still speaking on a serious manner.
Napatungo naman ang aking ulo nang bahagya at piniling sa labas na lamang ng sasakyan ituon ang mga mata.
My heart felt thunderstruck 'cause of what he said, goodness. So not me.
Kalagitnaan namin ng biyahe, hindi ko maiwasang hindi pakiramdam si Gon. Kung sinusulyap-sulyapan niya ba din ako or what. Paulit-ulit ding sumasagi sa aking isipan ang kausapin na ito dahil hindi magandang idea na pupunta kaming dalawa sa theme park, kung saan pawang masasaya ang mga naroroon tapos kami, bagong away lang?
Iʼve decided! Kakausapin ko na muna siya. Tapos sa pagdating uli namin sa bahay, hindi na ulit? Sige, better idea than like this set-up.
Huminga ako nang malalim bago nilingon si Gon. Akmang bubuka na ang aking bibig nang maunahan niya na akong magsalita.
"Letʼs set aside our grudges for niw, young lady. Rather, letʼs seized the rest of our hours enjoying through riding rides and laughing so damn hard while gasping for air out of exaltation." he seriously said.
I bit my lower lip. "...mm."
He glanced at me wearing an amused smirked. "...cute."
"Che,"
Hanggang makarating kami sa Enchanted Kingdom. Matapos iparada ang sasakyan, magkasabay kaming bumaba ni Gon at tumuloy doon sa pila sa pagbili ng ticket.
Hindi nagtagal ay nakapasok nandin kami sa loob ng EK. Namangha pa ako nang sandaling makita ang mga taong masayang naglalakad sa paligid. Tumatawa. At batid na batid ang kaligayahan dahil sa lugar na ito.
Medyo nakaramdam ako nang pangungilala sa aking mga magulang. Hindi ko matandaan kung anong taon ako noong huli naming punta sa ganito kasayang lugar. Puro kasi sila negosyo. Pagpapalago ng negosyo. Tila yata nakalimutan na nilang may anak pa silang nais makasama sila sa mga ganitong uri ng lugar.
I sighed as I stared at the extreme tower. Kasalukuyan iyong umaakyat nang mabagal pero grabe na makahiyaw ang mga nakasakay doon.
"Young lady, gusto mo bang sumakay tayo diyan?" untag ni Gon dahilan upang tingnan ko siya. "Masaya diyan," sabi pa niya.
I shrugged my shoulders a bit and smiled bitterly. "How would I know? Hindi ko pa nararanasan na sumakay sa mga rides, Gon." kwento ko.
We stopped walking and decided to sat on one of the bench. "Kaya nga sasakay tayo." aniya.
I shook my head. "Mas gusto kong sumakay sa mga rides na kasama ang mga magulang ko. Para kapag nagsisigaw ako at natatakot, hindi ko kailangang mag-alala na baka magalit sila sa ingay ko. Hindi gaya mo," sabi ko.
He chuckled.
Marunong na siyang tumawa. Pero hindi nawawala ang angas doon at panlalamig. Ewan ko kung paano niya nagagawa iyon!
"Tara," yaya niya bigla at tumayo. Inilahad pa niya ang kamay sa harapan ko. "Sakay tayo sa mga rides. Sayang punta natin dito, young lady. Then, later...letʼs buy souvenirs." he said.
Tinitigan ko ang kamay niyang nakalahad sa aking harapan nang ilang segundo. Iniisip kung tatanggapin ba o hindi. Tama naman din kasi siya na sayang ang punta namin dito kung hindi kami mag-eenjoy.
Sa huli, tinanggap ko rin ang kamay niya at nagpaalalay sa pagtayo. "Fine," I agreed.
He smirked as he held my hand towards the line-up of extreme tower rides. At dahil medyo hapon na, marami-rami pa ang mga nakapila.
Habang naghihintay kami sa pila para sa turn namin, dinig ko ang ilang usapan ng mga babae sa likod ni Gon. Ako kasi ang nasa harapan ni Gon at impossible na hindi nadidinig ni Gon ang chikahan ng mga kababaihang iyon.
"Ang bango ni kuya,"
"Mukhang foreigner, beshie! Hihi."
"Ssh ka lang! Nasa harap ang girlfriend, oh."
"Pamilyar si girl---ah, 'yong model sa Del Rava Apparel, hindi ba?!"
"Sigurado ka ba, beshie? Hala~pa-picture tayo later!"
Usapan nila kaya napangiwi ako. Abot pala dito ang pangalan at mukha ko. Well, hindi naman talaga maitatanggi na kilala ang apparel kong iyon dahil may ilang celebrity na dinadayo talaga iyon. Ngunit dahil busy ako sa school, hindi ko magawang pagtuunan ng buong atensyon. Kaya kumuha ako nang taong pansamatalang magma-manage noon habang abala pa ako. Pero sa bakasyon naman, ako na ulit ang bahala doon.
"Tayo na,"
Nabalik ang diwa ng aking isipan dahil sa sinabing iyon ni Gon. "H-Huh?" I stammered.
He then pointed those people na nasa unahan namin. Naglalakad na ang mga ito papalapit sa ET. Pero bago tuluyang makasakay, ipinaiwan ng crew ang mga dala naming phones and gadgets na maaaring mahulog o masira.
Inasikaso muna ng crew ang aming mga safety belts bago ibaba ang nagsisilbing protection upang hindi kami madisgrasya kalangitan nang pagbagsak ng tower.
Nang masigurong okay na ang lahat at safe na, sinimulan nang paakyatin ang tower.
"Relax, young lady. Pft." untag ni Gon na katabi ko lang.
Napahawak ako nang mahigpit sa hawakan at may pinaghalong takot at kaba nang tumingin ako kay Gon. "N-Nakakatakot, Gon. A-Ang taas na!" I panicked.
He smirked cooly. "Hold my hand, then." he said.
"M-Makakatulong ba 'yan, huh? Chansing ka,"
Hindi na ako nakapalag nang kuhanin niya ang kamay ko at hawakan niya nang mahigpit. "...3...2..." he counted.
My forehead creased. "Anong---"
"1,"
At kaya naman pala siya nagbibilang dahil---babagsak na!
"AAAAAHHHHHHHH----WAAAAAAAAAHHHHHH! SHEEEEEEEEEETTTTT! GOOOOOONNNN!"
"WOOOOOOOOOOHHHHHHHHHHH!"
Hanggang sa makababa kami doon. Goodness, para akong ninakawan ng kaluluwa dahil sa rides na iyon, ah! Noong biglaang ibinagsak ang tower, ilang segundo yatang nawala ang aking hininga at nakalutang pa ang aking pwet sa upuan!
"Here. Drink water first, pft."
Tinanggap ko ang ibinigay ni Gon na mineral water sa akin. "S-Salamat," sabi ko na parang lantang-gulay bago inumin ang tubig.
Naupo ito sa tabi ko. "Ang saya, hindi ba?" he mocked.
I glared at him. "Mukha mong masaya! Tungaw ka," inis kong sagot.
He smirked. "Tara naman sa bumped car?" yaya na ulit.
"Mamaya ka nga! Kita mong hindi pa ako nakakabawi sa rides na iyon, e!"
He put his hands up. "Fine, fine...donʼt be mad." he ceased. "Anyway, I got our photos on the tower,"
I rolled my eyes and drank water again. "...tago mo na iyan. Ayokong makita mukha ko diyan! Sama, goodness!"
Gaya ng plano, ay sunod naming sasakyan ay ang bumped car. Mabuti na lamang at hindi gaanong matao kaya mabilis kaming nakapag-ride. At dahil dakilang siraulo ang bodyguard ko, wala nang ginawa kundi ang banggain ako nang banggain!
"Gon nga! Huwag mo akong banggain! Nakakainis ka!" angil ko at iniiwas ang aking sinasakyan dito.
Pero binagga niya pa rin ako!
"Bumped car kaya 'to, young lady! Pft. Go on, bumped me too."
"Nyenye! Tungaw ka," asar kong sagot dito.
Matapos namin sa bumped car, na ako lang naman ang tinarget nang tinarget ni Gon na banggain---habang ako ay inis lamang ang naiganti dito---nagpasya naman kaming sa roller slide sumakay.
Magkatabi kaming dalawa sa dulong upuan. As usual, hilo na naman ang aking natamo habang si Gon ay chill chill lang!
"Bakit ba ako pumapayag sa mga rides na gusto mong sakyan, ha?! Kainis! Aaaaaaaahhhh! Last na 'to!"
Joke lang pala ang last na sakay naming iyon dahil muli na naman akong napilitan na magpatangay dito sa Junggle Log Jump naman at mabuti naman, hindi gaanong nabasa ang aming mga damit ni Gon!
Hinampas ko ito sa braso nang makababa kami. "Nauntog ako kanina, Gon! Bwiset ka talaga!" inis kong amok dito habang naglalakad kami paalis doon.
He chuckled. "Youʼre cute. Pft. Cʼmon, letʼs get our photo. For sure, ang epic na naman ng mukha mo doʼn." pang-aasar na naman niya.
I glared at him. "Tungaw ka,"
Matapos naming kuhanin ang photos namin na kuha doon sa Jungle Log Jump, inaya ko na lang si Gon sa may souvenir shop. Bumili kami pareho ng cap at t-shirts lang.
Matapos naming mabili at mabayaran ang mg nagustuhang souvenirs, nagpasya kaming, sa halip na mag-rides muli, ay naglakad-lakad na lamang kami. Noon lang namin napagtano na gabi na pala. Marahil ay napasarap at nag-enjoy talaga kami sa mga rides.
Hanggang sa huminto kami sa pila ng Ferris Wheel.
I looked at Gon with questioning eyes. "Sasakay tayo pati diyan?" I asked.
He slightly nodded. "I want to tell you something. At sasabihin ko lang kapag nakasakay na tayo diyan. So...letʼs line up?"
Dala nang curiosity, hindi na naman ako naka-angal nang hatakin na niya ako papila doon.
Hindi rin nagtagal ay nakasakay nandin kami. Konting paghihintay lamang ang nangyari dahil pinupuno pa ito.
Just then, naramdaman na namin ang mabagal nitong pag-ikot. Nakasilip lamang ako sa bintana, inaaliw ang sariling mga mata sa magandang tanawin sa baba. Dahil nga gabi na, buhay ang mga ilaw ng EK, dahilan upang tumambad at maging biktima ang sinumang titingin sa kabuuan nito mula sa malayong distansya nang angking kagandahan sa gabi!
"Woah...ang ganda," manghang bigkas ko.
I heard Gon cleared his throat kaya nalipat sa kanya ang aking mga mata. "Young lady," untag niya.
I squinted my eyes at him. "Yes, why? Ah---ano nga palang sasabihin mo sa akin? Na rito na tayo, oh." biglang alala ko.
Sa halip na sagutin ay lumapit siya sa aking distansya at ilang dangkal mula sa katawan ko, huminto siya at sinipat ang kanyang wristwatch na may ngisi sa mga labi.
Eh?
He then looked at me deeply. Kasabay niyon ay ang paghawi niya ng buhok kong medyo nagulo dahil sa lakas ng hangin kanina, on the way here. Nilugay ko kasi.
Inilagay niya ang ilang buhok kong nagkalat sa aking mukha sa likod ng aking tenga.
I feel like auto-hypnotized dahil sa mga malalalim niyang titig. Dahilan upang mapalunok ako nang biglaan.
...ang gwapo niya lalo sa malapitan...
"5," he said.
"Huh?"
"4,"
Mas lalo akong naguluhan dahil muli na naman siyang nagbibilang!
"Gon, whatʼs with the counting?"
"3,"
Goodness, what is wrong with this guy?!
I let out an amused sigh. "Gon, hindi baʼt may sasabihin ka pa? Ano 'yon, ha? Huwag mong idaan sa pagbibilang," I said, impatiently.
"2...look at me, young lady. Straight in the eyes," seryosong aniya at mas tinitigan ako nang mas malalim.
Wala na sana akong balak siyang pakinggan ngunit hinapit niya bigla ang aking bewang!
"1,"
Pagkatapos ng bilang niya, biglang lumiwanag at umingay ang kalangitan...
....ngunit hindi doon natuon ang aking atensyon.
...kundi sa mga labi naming magkalapat ngayon ni Gon.
"Makuha ka sa tingin, young lady." he said between our kisses before sliding his tongue inside my mouth and kissed me in the sweetest way.
...goodness.